Total Pageviews

Search This Blog

Loading...

Sunday, December 21, 2014

Thursday, December 18, 2014

Silakbo




Silakbo
Ni Melchor F. Cichon

"Isang dalaga ang nakitang patay malapit sa isang imburnal sa Jaro. Ang bangkay ay nakasilid sa sako..." Ito ang mga salitang gumulat sa akin mula kay Agent K ng Bombo Radyo pagkatapos kong buksan ang radyo sa utos ni Nanay.

"Lintik na babae 'yon a, alas siyete na hindi pa umuuwi," mula sa bibig ni Nanay. "Sabi niya kanina bibili lang daw siya ng libro tungkol sa mental health pero hindi naman nagdaan sa opisina ko kahapon upang kunin ang pera."

Nag-aaral si Inday sa Iloilo National High School. Fourth year. Iregular. Ibinagsak niya ang kaniyang math at geometry. Kung minsan sinasabi niya sa akin na hindi raw siya makapag-aral sa bahay dahil walang preno kung siya'y pagalitan  kapag nariyan si Nanay. Kahit oras ng pagkain, pinapagalitan siya. Hindi na nga lang kami sumasabay sa kanya sa tanghalian at hapunan dahil siguradong kami'y masesermonan. Kesyo hindi daw kami nag-aral. Kesyo alas-otso pa lang, tulog na kami mula Lunes  hanggang Huwebes. Pero hindi naman daw kami inaantok kung gabi ng Biyernes o Sabado sa panonood ng TV o beta. Kesyo hindi raw kami nagigising kung hindi gigisingin. Kesyo doon pa lang kami lalabas at mag-uunahan sa CR kung ang lahat ay nasa mesa na para kumain. Sayang lang daw ang kaniyang ginagasta sa pagpapaaral sa amin. Parang wala daw kaming utang na loob sa kanya. Kung iisipin nga naming mabuti, medyo may dahilan din naman si Nanay. 'Yon nga lang, asiwang-asiwa na si Inday sa bunganga ni Nanay.

"Itsong!" tawag sa akin ni Nanay. "Silipin mo nga sa bintana kung dumating na ang malditang 'yon. Malilintikan  sa akin 'yon pagdating."

Tiningnan ko kung nariyan na si Inday.

"Wala pa, Nay."

Pumanaog ako ng bahay at pumunta sa bandang kalsada. Mga kinse metro siguro ang distansiya magmula sa bahay namin. Nasa loob-looban pa kasi ang aming bahay at tinatabunan pa ng mga saging. Tiningnan ko ang kalayuan ng kalsada. Ngunit wala akong nakitang Inday. Si Nay Weta, ang nakita ko,  ang aking tiya, kapatid ni Tatay.

"Bakit narito ka pa sa kalsada? Gabi na a," tanong ni Nay Weta. Inabot ko ang kanang kamay ni Nay Weta para humalik ng kamay.

"Kaawaan ka ng Diyos."

"Tinitingnan ko kung dumating na si Inday. Hindi pa siya nakauwi. Galit na si Nanay."

"Bakit, saan ba nagpunta si Inday?"

"Ewan ko."

"Bakit? Kinagalitan na naman ba siya ng Nanay mo?"

"Ewan, hindi ko alam."

May humintong traysikad malapit sa amin.

"O, hayan na pala siya."

Sinalubong ko si Inday.

"Hala ka, Inday," sabi ko. "Papagalitan ka ng Nanay. Gabi ka na sa pag-uwi." Inakbayan lamang ako ni Inday at hinalikan sa pisngi.

"Ay! si Nay Weta pala! Magandang gabi, Nay Weta. Mano po."

"Kaawaan ka ng Diyos," sambit ni Nay Weta. "saan ka ba galing at ginabi ka?"

"Sa kaklase ko. May ginawa kaming assignment."

"Pagpasensiyahan mo na lang si Nanay mo, baka may problema lang."

"Oo, Auntie."

"O, sige umuwi na kayo."

"Bye, Auntie. Tayo na, Tsong."

Pagdating ng pagdating namin sa bahay, pumutok agad ang bulkan ni Nanay. Umupo ako sa sopa, si Inday ay nanatiling nakatayo, malapit sa akin. Hinubad niya ang kaniyang sapatos. Nakasabit pa rin sa balikat niya ang bag.

"Ay, naku babae ka! Ayaw mo talagang sumunod sa mga sinasabi ko. Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa iyo. Akala namin may masamang nangyari sa iyo. Alam mo rin siguro na marami nang mga babaing niri-rape ngayon at inilalagay sa sako pagkatapos patayin! Gusto mo bang mangyari din yan sa iyo? Gawin mo pa ito uli at ako na ang maglalagay sa iyo sa sako. Alam ko pa kung saan kita pupulutin."

Tahimik lang si Inday.

Pero nagbuga uli ang bulkan ni Nanay.

"At ano iyong nabalitaan ko kay Mareng Pilay sa madyungan na naglandi ka raw sa plasa noong nakaraang araw? Hoy, babae hindi ka pa marunong magsaing, nagkiringking ka na!"

Pinusdak ni Inday ang kaniyang bag sa sopa. Kumalat ang mga lamang libro at bolpen.

"Aba! Aba!" patuloy ni Nanay. "Aba, at ikaw pa itong matapang ha! Lapit dito at hihilahin ko 'yang bibig mo."

Hindi huminag si Inday sa kaniyang kinatatayuan. Pero nakita ko ang pagpula ng kaniyang mukha.

"Sa totoo lang., Nay, asiwang-asiwa na ako sa bunganga ninyo. Tantanan na ninyo ako para makapagpahinga na ang utak ko. Hindi pa nga ako nakaupo niratrat na ninyo ako. Hindi ninyo pa nga alam kung saan ako galing, pinusngahan na ninyo ako ng inyong bunganga. At tungkol sa sumbong ni Nay Pilay, hindi 'yan totoo. Ang totoo ay may gusto sa akin ang kaniyang anak na si Rey, pero hindi ko naman siya gusto. Hay-skul pa nga lang ako. Ano ako, karneng kaladkarin? Manigas siya! Siguro nagsumbong ang mabait niyang anak sa kaniyang Nanay na mahaba ang dila at gayon na ang arangka niya sa inyo. At gayon din ang paniwala ninyo."

"Siya, siya, totoo man o hindi basta ang gusto ko'y umuwi ka nang maaga para hindi kami mag-alala. Tapos!"

"Pero, Nay, intindihin rin ninyo ang aking sitwasyon. Kung umuuwi ako nang wala sa tamang oras, huwag ninyong isipin kaagad na naglalandi ako. Alam ninyo namang wala tayong telepono sa bahay, paano ko sasabihin sa inyo na may importane akong pinuntahan? Okey lang sana kung may sobra ang aking baon puwede akong umuwi rito at magpaalam. Umiinom na nga lang ako ng isang basong tubig para itulak ang meryendang banana-q para may pambili ako ng hand-outs sa klase. At kung magpaalam ako, hindi ninyo naman ako papayagan."

"Bakit hindi kung sa ikabubuti mo rin."

"Para rin naman sa kabutihan ko ang pinutahan ko kanina. Ginawa namin ng kaklase ko ang assignment namin sa physics. Alam mo namang mahina ako sa subject na 'yon. Kung narito sana si Tatay matutulungan niya ako. Pero wala siya. E, sino ang hihingan ko ng tulong, siyempre ang kaklase ko. Alangan namang sa inyo ako patutulong e English naman ang major ninyo. At kung dito ko rin gawin sa bahay hindi ako maka-concentrate dahil pangaral kayo nang pangaral. Kung may bisita lang tumatahimik sa bahay. Pero kung wala..."

“Anong malay ko. Wala naman ako doon sa pinuntahan mo! Basta hindi ko na gustong umuwi ka nang alas otso. Kailangan alas sais narito ka na at tumutulong sa paghahanda ng ating hapunan. Alam mo ring pagod din ako sa pagtatrabaho. Pagdating ko, ako pa ang nagluluto. Pero kung narito ka, mabawas-bawasan ang aking obra.”

“O, sige alas sais kung alas sais.”

“Pero paglampas ng alas sais na wala ka pa, bahala ka na sa buhay mo! Kapag may nangyari sa ‘yo, huwag na huwag kang humingi ng tulong sa aking lintik ka ha!”

Tumahimik na lang si Inday. Umakyat siya sa kaniyang kuwarto. Hindi na pinulot ang itinapong bag. Binuksan ang pituan at saka sinara ng malakas.

“Maldita talaga!” sambit ni Nanay.

“Itsong, pulutin mo nga ang mga gamit ng maldita at dalhin sa kanya.”

Pinulot ko ang mga nakakalat na mga libro at bolpen. Ipinasok ko sa bag at saka dinala kay Inday.

“Day.”

Hindi sumagot si Inday. Narinig ko ang kaniyang hikbi.

“Day.”

“Pasok. Bukas ‘yan.”

Pumasok ako. Bumangon siya at umupo sa kanyang kama. Nang  umupo ako sa tabi niya, niyakap niya ako.

“Day, huwag ka nang umiyak. Ganoon naman talaga si Nanay. Mahal ka noon, Hindi lang niya sinasabi.”

“Pero, Tsong, hindi naman ako naglalakwatsa at naglalandi.”

“Oo, alam ko. Naniniwala  ako sa ‘yo. Hwag ka nang umiyak.”

“Sige,” sabay tapik ng aking balikat.

“Pero ayaw ko ng pinagpagalitan ako na wala naman akong nagawang kasalanan. Mabuti pa noong narito si Tatay. Hindi nag-aapoy ang ulo ni Nanay.  Palaging nakangiti. Palagi pa tayong nagpupunta ng SM tuwing linggo saka kumakain ng ice cream.  Kung bakit kasi nagtrabaho pa si Tatay sa Saudi. Hindi naman tayo kinukulang ng pagkain.”

“Oo nga, palagi na ngang nagmamadyong si Nanay. Kung bakit naman kasi tinuruan ni Nay Sayong na manghukay ng bangongon. “

“Lalo na siguro ngayong hindi nakapadala ng pera si Tatay. Kaya nga palaging mainit ang ulo.”

“Baka nga. Pero ‘Day, dapat pa rin nating tandaan ang bilin ni Tatay bago siya umalis na tulungan natin si Nanay, ha?”

“Sige, a.”

Nag-apir kami ni Inday. Tumayo ako at humakbang na palabas ng kuwarto.

Kinaumagahan maaga pang nagising si Inday.

“Tsong, kung uuwi ako ng lampas sa alas sais, ikaw ang magbubukas ng gate ha?” ang unang lumabas sa bibig niya.

“Ang lagay ba naman, e.”

Tinapik ako ni Inday sa braso. Nang pumasok sa kusina si Nanay, nilapitan siya ni Inday at hinalikan sa pisngi.

“Nay, pasensiya na kagabi. Hindi na ‘yon maulit, Promise.”

Pagkatapos naming mag-almusal tumunog ang buzzer. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Ganoon na lang ang aking pagkabigla.

“Nay! Nay! Si Tatay dumating!”

At nakita ko na lang ang pagtakbo ni Inday at ni Nanay papunta kay Tatay.

Wednesday, December 17, 2014

Monday, December 15, 2014

Silakbo, draft

"Isang dalaga ang nakitang patay malapit sa isang imburnal sa Jaro. Ang bangkay ay nakasilid sa sako..." Ito ang mga salitang gumulat sa akin mula kay Agent K ng Bombo Radyo pagkatapos kong buksan ang radyo sa utos ni Nanay.

"Lintik na baya 'yon a, alas siyete na hindi pa umuuwi," mula sa bibig ni Nanay. "Sabi niya kanina bibili lang daw siya ng libro tungkol sa mental health pero hindi naman nagdaan sa opisina ko kahapon upang kunin ang pera."

Nag-aaral si Inday sa Iloilo National High School. Fourth year. Iregular. Ibinagsak niya ang kaniyang math at geometry.Kung minsan sinasabi niya sa akin na hindi raw siya makapag-aral sa bahay dahil walang preno kung siya'y pagalitan  kapag nariyan si Nanay. Kahit oras ng pagkain, pinapagalitan siya. Hindi na nga lang kami sumasabay sa kanya sa tanghalian at hapunan dahil siguradong kami'y masesemonan. Kesyo hindi daw kami nag-aral. Kesyo alas-otso pa lang, tulog na kami Lunes  hanggang Huwebes. Pero hindi naman daw kami inaantok kung gabi ng Biyernes o Sabado sa panonood ng TV o beta. Kesyo hindi raw kami nagigising kung hindi gigisingin. kesyo doon pa lang kami lalabas at mag-uunahan sa CR kung ang lahat ay nasa mesa na para kumain. Sayang lang daw ang kaniyang ginagasta sa pagpapaaral sa amin. Parang wala daw kaming utang na loob sa kanya. Kung iisipin nga naming mabuti, medyo may dahilan din naman si Nanay. 'Yon nga lang, asiwang-asiwa na si Inday sa bunganga ni Nanay.

"Itsong!" tawag sa akin ni Nanay. "Silipin mo nga sa bintana kung dumating na ang malditang 'yon. Malilintikan  sa akin 'yon pagdating."

Tiningnan ko kung nariyan na si Inday.

"Wala pa, Nay."

Pumanaog ako ng bahay at pumunta sa bandang kalsada. Mga kinse metro siguro ang distansiyamagmula sa bahay namin. Nasa loob-looban pa kasi ang aming bahay at tinatabunan pa ng mga saging. Tiningnan ko ang kalayuan ng kalsada. Ngunit wala akong nakitang Inday. Sin Nay Weta, ang nakita ko ang aking tiya, kapatid ni Tatay.

"Bakit narito ka pa sa kalsada? Gabi na a," tanong ni Nay Weta. Inabot ko ang kanang kamay ni Nay Weta para humalik ng kamay.

"Kaawaan ka ng Diyos."

"Tinitingnan ko kung dumating na si Inday. Hindi pa siya nakauwi. Galit na si Nanay."

"Bakit, saan ba nagpunta si Inday?"

"Ewan ko."
"Bakit? Kinagalitan na naman ba siya ng Nanay mo?"
"Ewan, hindi ko alam."
May humintong traysikad malapit sa amin.
"O, hayan na pala siya."
Sinalubong ko si Inday.
"Hala ka, Inday," sabi ko. "Papagalitan ka ng Nanay. Gabi ka na sa pag-uwi." Inakbayan lamang ako ni Inday at hinalikan sa pisngi.
"Ay! si Nay Weta pala! Magandang gabi, Nay Weta. Mano po."
"Kaawaan ka ng Diyos," sambit ni Nay Weta. "saan ka ba galing at ginabi ka?"
"Sa kaklase ko. May ginawa kaming assignment."
"Pagpasensiyahan mo na lang si Nanay mo, baka may problema lang."
"Oo, Auntie."
"O, sige umuwi na kayo."
"Bye, Auntie. Tayo na, Tsong."
Pagdating ng pagdating namin sa bahay, pumutok agad ang bulkan ni Nanay. Umupo ako sa sopa, si Inday ay nanatiling nakatayo malapit sa akin. Hinubad niya ang kaniyang sapatos. Nakasabit pa rin sa balikat niya ang bag.
"Ay, naku babae ka! Ayaw mo talagang sumunod sa mga sinasabi ko. Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa iyo. Akal namin may masamang nangyari sa iyo. Alam mo rin siguro na marami nang mga babaing niri-rape gnayon at inilalagay sa sako pagkatapos patayin! Gusto mo bang mangyari din yan sa iyo? gawin mo pa ito uli at ako na ang maglalagay sa iyo sa sako. Alam ko pa kung saan kita pupulutin."
Tahimik lang si Inday.
Pero nagbuga uli ang bulkan ni Nanay.
"At ano iyong nabalitaan ko kay Mareng Pilay sa madyungan na naglandi ka raw sa plasa noong nakaraang araw? Hoy, babae hindi ka pa marunong magsaing, nagkiringking ka na!"
Pinusdak ni Inday ang kaniyang bag sa sopa. Kumalat ang mga lamang libro at bolpen.
"Aba! Aba!" patuloy ni Nanay. "Aba, at ikaw pa itong matapang ha! Lapit dito at hihilahin ko iyang bibig mo."
Hindi huminag si Inday sa kaniyang kinatatayuan. Pero nakita ko ang pagpula ng kaniyang mukha.
"Sa totoo lang., Nay, asiwang-asiwa na ako sa bunganga ninyo. Tantanan na ninyo ako para makapagpahinga na ang aking utak. Hindi pa nga ako nakaupo niratrat na ninyo ako. Hindi ninyo pa nga alam kung saan ako galing, pinusngahan na ninyo ako ng inyong bunganga. At tungkol sa sumbong ni Nay Pilay, hindi 'yan totoo. Ang totoo ay may gusto sa akin ang kaniyang anak na si Rey, pero hindi ko naman siya gusto. Hay-skul pa nga lang ako. Ano ako, karneng kaladkarin? Manigas siya! Siguro nagsumbong ang mabait niyang anak sa kaniyang Nanay na mahaba ang dila at gayon na ang arangka niya sa inyo. At gayon din ang paniwala ninyo."
"siya, siya, totoo man o hindi basta ang gusto ko'y umuwi ka nang maaga para hindi kami mag-alala. Tapos!"
"Pero Nay, intindihin rin ninyo ang aking sitwasyon. Kung umuuwi ako nang wala sa tamang oras, huwag ninyong isipin kaagad na naglalandi ako. Alam ninyo namang wala tayong telepono sa bahay, paano ko sasabihin sa inyo na may importane akong pinuntahan? Koey lang sana kung may sobra ang aking baon puwede akong umuwi rito at magpaalam. Umiinom na nga lang ako ng isang basong tubig para itulak ang meryendang banana-q para may pambili ako ng hand-outs sa klase. At kung magpaalam ako, hindi ninyo naman ako papayagan."
"Bakit hindi kung sa ikabubuti mo rin."
"Para rin naman sa kabutihan ko ang pinutahan ko kanina. Ginawa namin ng kaklase ko ang assignment namin sa physics. Alam mo namang mahina ako sa subject na 'yon. Kung narito sana si Tatay matutulungan niya ako. Pero wala siya. E, sino ang hihingan ko ng tulong, siyempre ang kaklase ko. Alangan namang sa inyo ako patutulong e English naman ang major ninyo. At kung dito ko gawin sa bahay hindi ako maka-concentrate dahil pangaral kayo nang pangaral. Kung may bisita lang tumatahimik sa bahay. Pero kung wala..."

Saturday, December 13, 2014

Tanaga

Ro eangbon ko sa eanas
Ginatueoga't mangtas.
Kon owa ngani't bugas,
Gusto bubuan't gaas.
***Itsong, Dec. 9, 2014

Thursday, December 11, 2014

Views

As of Dec 11, 2014--41,338
Views as of August 9, 2014--- 38,179
Views as of July 15, 2014---37,324
Views as of March 28, 2014---35,249
Views as of June 14, 2014--- 36,713 

Saturday, December 06, 2014

A Candle is Waiting

A Candle is Waiting
by
Melchor F. Cichon
December 6, 2014

And then you woke up
And realized
That what were left
In your bed
Were wrinkled bedsheets
And the fragrance
Of Victoria's Secret.
You tried
To trace back
The moment
When you both said:
"I Do!"
And "Till Death Do Us Part".
But why
Did she part
When you were starting
To raise the level of your consciousness;
When you were starting
To build the bridge
Between your sunset and her sunrise.
Ah, this must the moment
To again light
The candle at your alter.
This is the moment.