Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, January 25, 2015

Friday, January 23, 2015

Thursday, January 15, 2015

Non-Aklanons Teaching Aklanons About their Language


Non-Aklanons Teaching Aklanons About their Language

To our non-Aklanon language scholars/linguists who are teaching us about our Aklanon Language.

You can call e in Aklanon alphabet not a vowel but a consonant. That is your freedom.

But before teaching us about our language, take this challenge.

Write a poem or a short story in Aklanon without asking help from any Aklanon, have it published in Aklan Reporter. If it is published in that newspaper without any editing, then you can teach us Aklanons on what an Aklanon language is.

If you can pronounce these sentences the way Aklanons do, then teach us about our language; otherwise, mind your own business:

Ro kaeamay gaeapueot sa kaeaha.
Ro anwang gaeogaeog sa eogan-eogan.
Nahueog ro daehog sa eunangon nga eanas.
Ro eangaw nagpalibanaw sa eanggaw.

You may also apply as a radio reporter in one of our radio stations in Kalibo, Aklan and volunteer to report in Aklanon and if our people will not complain the way you pronounce our language, then you can teach us Aklanon language.

Another way is to apply in Aklan as a teacher in Grade One or Grade Two and teach our children in our mother tongue, and let us see how your fellow-teachers or their parents will react on how you teach Aklanon to our school children.

I have no quarrel whether the alphabet e in Aklanon language is a consonant or a vowel. In fact in the book Aklanon dictionary by Vicente Reyes et al it says that the letter e in Aklanon language is an Aklanon Fricative consonant.

The only problem is the non-Aklanons cannot pronounce Aklanon words like baeay or baeo or kabueobueo the way Aklanons pronounce them.

And that makes the problems if not the difference.

With that, non-Aklanon linguists or language scholars for that matter will tell us Aklanons that the e in our language is a consonant simply because they cannot pronounce it the way we Aklanons pronounce it. The ea is pronounced by them as ya at times ga, which is definitely wrong. Please read again the four sentences above so you will know what I mean.

I repeat: Write a poem or a short story in Aklanon and have it published in the Aklan Reporter WITHOUT ASKING ANY HELP FROM ANY AKLANONS. iF YOU CAN DO THAT, then teach us Aklanon language. For sure, some people will like it.
Otherwise, let the Aklanon linguists do it for you.
Not now, but someday.

Tuesday, January 13, 2015

Monday, January 12, 2015

Coffee Shop

coffee shop--
he keeps his hand
on her lap
***Melcichon
Jan 12, 2015

Thursday, January 08, 2015

Toto, Pumailaya Ka



Toto, Pumailaya Ka*
Melchor F. Cichon
.
Toto, pumailaya ka
Agud tumaeom ring isip.
Ginakueang kita riya’t kaaeaman.

Toto, pumailaya ka
Agud masayran mo ro
Hustong sabat ku imong mga pangutana:

Kon ham-at hasta makaron
Owa pa gid it bueong
Sa kanser nga gasueog sa atong banwa.
Kon ham-at sa pag-abu’t pagtuo
Imaw man ro pagdagaya’t kasae-anon?

Sa imong pag-usoy it kamatuoran,
Imo mang usuyon ro hustong paagi
Sa pagdaea sa lamesa
Ku mga tawo sa aeawayan.

Ayaw eon pagbasuea ring mga magueang
Sa andang mga kakueangan.
Obrahanon mo eon lang ring masarangan
Agud sa ulihi ring igmanghod hay may sueondan. 

*This is one of my earliest poems.

Wednesday, January 07, 2015

Hindi Ko Kayang Isulat Ang Pinakamalungkot Kong Tula



Hindi Ko Kayang Isulat Ang Pinakamalungkot Kong Tula
(Salamat kay Pedro Neruda)  
Ni
Melchor F. Cichon
Hindi ko kayang isulat ang pinakamalungkot kong tula.
Kahit na sa gitna pa ako ng langit at lupa.
Ang pagsagot mo ng oo sa akin sa may dalampasigan ng Boracay
Habang lumulubog ang araw ay sapat na upang ako’y lumigaya.

Hindi ko kayang isulat ang pinakamalungkot kong tula.
Katulad ngayong bilog ang buwan at malamig ang simoy ng hangin ng Disyembre.
Sapat na sa akin upang ako’y ngumiti.
Disyembre rin noon ng una mo akong hinalikan.

Hindi ko kayang isulat ang pinakamalungkot kong tula.
Kahit hindi ko na halos maabot ang mukha mo upang pisilpisilin;
O mabulongan man lamang kita katulad nong nagsisimula pa lamang tayong magsama.
Sapat na sa akin na mahawakan ko ang singsing na isinuot mo sa aking daliri.

At kung sakaling dumating ang oras ng paglubog ng aking araw
At ang gabi’y lumatag sa buong daigdig,
Hindi ko pa rin isusulat ang pinakamalungkot kong tula.
Maalaala lang kita’y mapapangiti na ako agad.

Monday, January 05, 2015

Saturday, January 03, 2015

Thursday, January 01, 2015

Review: Kaaliw-aliw na Pagkamula



Review: Kaaliw-aliw na Pagkamulat: 30 Mga Bagong Libro sa Panitikan ng Kanlurang Visayas
ni Noel de Leon

Ang panitikang Hiligaynon ay mayroong napakayamang tradisyon. Mula sa bantog na pag-luwa (loa) hanggang sa mga dekalidad na nobela nina Ramon Muzones at Magdalena Jalandoni. Mayaman sa representasyon ng pagiging uma o buki ang mga lumang akdang pampanitikan, nariyan halimbawa ang paniniwalang nakapagpapagaling ng sakit ang unang ulan sa buwan ng Mayo, na naproproteksyunan ng mga salitang “abayan lang” ng matatanda ang mga sanggol kontra sa usog, na nakapagpapagaling ng ubo at mga sakit sa balat ang agdaw, tradisyunal na dahong gamot. Sa mga sugid at panitikan rin madalas ng mga taga-Panay maririnig ang mga haka at paniniwala tungkol sa iba’t ibang uri ng aswang—o bagat, matindi ang paniwala tungkol sa Bakunawa, halimaw na nasa anyong ahas o dragon na nakatira sa pagitan ng langit at lupa, pinaniniwalaang diyos ng mundong ilalim na lumalamon sa buwan kaya may panahong tila napakadilim ng mundo, at upang muling magbalik ang liwanag kailangang mag-ingay ang mga tao upang mailuwa-suka ng Bakunawa ang buwan at magbalik ang liwanag.
Hindi lamang limitado sa mga nabanggit ang representasyon ng panitikan ng mga taga-Panay noon, marami sa mga ito ay sumikat bilang mga alamat at pabula na sumubok sa galing at talino ng mga taga-Panay mag-isip, nariyan ang pinakasikat na Tungkong Langit at Alunsina, ang alamat nina Guimo at Aras ng Isla ng Guimaras, nariyan din ang mga sugid tungkol sa identidad nina Tinyente Gimo, Marya Labo at Felicedad.
Ngunit labaw sa representasyon ng takot at mahika, sinasalamin rin ng mga epiko ng taga-Panay ang payak na pamumuhay sa bukid, ang pagtutulungan, at ang katapangang ipaglaban ang itinakdang pag-ibig. Ang papel ng bata at kababaihan sa lipunan, ang pagtuo o ang malakas na paniniwala sa gahum ng Dios. Ang lahat ng ito ay sinasalamin sa epikong Hinilawod (Tales from the Mouth of Halawod River) at Maragtas.
Samantala, kung pag-uusapan naman ang kontemporaryong panitikan sa Hiligaynon, tila di naman nalalayo ang mga isyu at temang tinatalakay ng mga librong lumabas nitong huling dalawang dekada. Ang mapangahas at tahasang pag-ako na taga-uma o buki ang manunulat sa kaniyang mga akda ay nakikita kong rason kung paanong umigpaw ang kontemporaryong panitikan upang kilalahin bilang instrumento na nagsusumikap na maitaas ang kamalayan ng tao at kultura bilang taga-bukid.
Samantala, narito ang mga librong pampanitikan sa Hiligaynon, Kinaray-a, at Akeanon na di lamang kaaliw-aliw, kamangha-mangha pa ang gamit ng wika na siyang magbabalik sa ating lahat ng interes natin sa pagbabasa ng sarili nating panitikan. Na sa kalaunan ay huhubog ng isang makabuluhang lawas sa pag-unawa natin ng pambansang panitikan.
Description: Sa Taguangkan sang Duta ni Alice Gonzales
Sa Taguangkan sang Duta (Alice Gonzales)
1. Gonzales, Alice. Sa Taguangkan sang Duta kag iban pa nga sugilanon. Iloilo: Seguiban Printing and Publishing Enterprises, Inc., 2009. [MAIKLING KUWENTO] Ang aklat na ito ay koleksiyon ng sampung maikling kuwento sa Hiligaynon. Unang libro ni Gonzales. Lahat ay nanalo sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Wala itong salin sa Filipino o Ingles, una, dahil naniniwala ang awtor na siya ay manunulat sa Hiligaynon. At ikalawa, dahil para sa mga Ilonggo ang kaniyang mga isinusulat na kuwento.
2. Gonzales, Alice. May Isa Ka Kuring nga Hari. Iloilo: Seguiban Printing and Publishing Enterprises, Inc., 2009. [KUWENTONG PAMBATA] Masasabing ito ang unang koleksiyon ng mga kuwentong pambata sa panitikang Hiligaynon. Ikalawang libro ni Gonzales na binubuo ng pitong kuwentong hango sa parabula.
3. Delos Santos, Alex C. Agi, agi may putay sa dahi. Antique: Hiraya Media Arts. 2006. [MAIKLING KUWENTO, TULA] Koleksiyon ng walong maikling kuwento at siyam na tula sa Kinaray-a. Gin-balhag ito ng awtor dahil sa kaniyang tingin hindi lamang niya ito responsibilidad bilang manunulat, bagkus gusto nitong bigyan ng espasyo ang bakla at pagbabakla sa buhay ng mga makababasa nito. Sinasalamin ng mga kuwento ang buhay ng iba’t ibang klase ng bakla sa lipunang Filipino: Kung paanong lumaking bakla, kung paanong umibig ang mga bakla, at kung gaano kahirap at makulay ang maging bakla.
4. Delos Santos, Alex C. Mga Sugidanun ni Datu Lubay. Antique: Hiraya Media Arts. 2010. [MAIKLING KUWENTO] Koleksiyon ng labing-isang maikling kuwento sa Kinaray-a. Natapos ang koleksiyon sa loob ng halos dalawampung taon na nagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagsugidanun, mula sa pag-iisip fiksyon hanggang sa makatotohanang biographical/autobiographical. Ibang danas ito kumpara sa naunang libro ni Delos Santos, ang Agi, Agi may putay sa dahi, heterosekswal ang mga tauhan sa koleksiyong ito.
Description: Mga Kuwento ni Datu Lubay (Alex delos Santos)
Mga Kuwento ni Datu Lubay (Alex Delos Santos)
5. Delos Santos, Alex C. Mga Kuwento ni Datu Lubay. Maynila: National Commission for Culture and the Arts. 2012. [MAIKLING KUWENTO] Ang pamagat ay halaw sa pangalawang libro ng mga kuwento sa Kinaray-a ng awtor, ang Mga Sugidanun ni Datu Lubay. Binubuo ng labing-dalawang maiikling kuwento sa Kinaray-a ngunit mayroong salin sa Filipino. Ayon kay Delos Santos, pagkakataon ang paglilimbag ng kaniyang mga kuwento na may salin sa Filipino upang bigyang boses ang mga Karay-a na matagal-tagal na ring walang boses at mukha sa panitikan ng Filipinas.
6. Teodoro, John Iremil E. Pagmumuni-muni at Pagtatalak ng Sirenang Nagpapanggap na Prinsesa: Mga Piling Maikling Sanaysay. Iloilo: Imprenta Igbaong. 2007. [SANAYSAY] Mga personal na sanaysay ng buhay at buhay manunulat ni Teodoro. Nananlo ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board noong 2007.
7. Teodoro, John Iremil E. Arkipelago kang Kasingkasing mga binalaybay. Iloilo: Imprenta Igbaong. 2009. [TULA] Koleksiyon ng mga pinakabagong tula na nasusulat sa purong Kinaray-a. May retrato mula sa panübük ni Lola Conchita “Ariring” Gilbaliga, taga-Panay-Bukidnün.
8. Teodoro, John Iremil E. Anghel sang Capiz mga maikling kuwento sa Hiligaynon at Filipino. Iloilo: Imprenta Igbaong. 2009. [MAIKLING KUWENTO] Tinipon sa librong ito ang limang maikling kuwento sa Hiligaynon. Mga kuwentong tumatalakay sa dalisay at masalimuot na pag-iibigan ng dalawang lalaki. Walang kiyeme ang estilo ng pagkukuwento, walang paghuhusga, isinalalarawan lamang ang katotohanan ang katotohanan sa konteksto ng lipunang Filipino kung saan bahagi ang mga hayag at tagong buhay ng mga lalaking nagmamahal sa kapwa lalaki. Historikal ang librong ito bilang unang kalipunan ng mga kuwentong bading sa kasaysayan ng Literatura ng Filipinas sa Hiligaynon. May mga salin sa Filipino.
Description: Komposo ni Dandansoy (Genevieve Asenjo)
Komposo ni Dandansoy (Genevieve Asenjo)
9. Asenjo, Genevieve L. Komposo ni Dandansoy: Mga Kuwento sa Hiligaynon at Filipino. Maynila: University of Santo Tomas Publishing House. 2007. [MAIKLING KUWENTO] Unang koleksiyon ng mga kuwento sa kontemporaryong panulaang Hiligaynon na may salin sa Filipino, isa itong pagdanas sa wika at pagsasalin. Hinihinga ng koleksiyon ang impluwensiya ng oral na tradisyon ng komposo at sugilanon ng Panay, ng Bagong Formalismo, at ang mumunting paghakbang-lagpas dito; katulad ng kaniyang mga tauhan na umiigpaw ang kamalayan sa kabundukan at kadagatan ng rehiyon.
10. Asenjo, Genevieve L. Lumbay ng Dila. Maynila: C & E Publishing, Inc. 2010. [NOBELA] Umiinog ang nobela mula sa karakter ni Sadyah Zapanta Lopez, apo ng dating assemblyman ng Antique Marcelo N. Lopez na inakusahang mastermind ng Guinsang-an Bridge Massacre, anak Nina Kumander Pusa at Kumander Rufflesia ng Coronacion “Waling-Waling” Chiva Command ng Central Panay. Pinatunayan ng mga tauhang sangkot at ng mismong kuwento ang interes ng nobela sa aspektong politikal – sa patuloy na pakikibaka para sa kapangyarihan at katarungan sa pagitan ng magkaibang panig.
11. Asenjo, Genevieve L. Pula ang Kulay ng Text Message: Mga Tula sa Kinaray-a at Filipino. Iloilo: University of San Agustin Press. 2006. [TULA] Unang koleksiyon ng mga tula ni Asenjo. Mga personal na karanasan at obserbasyon ng pagiging babae sa kontemporaryong panahon ang kalipunan ng tula, na sumunok ipakilala ang husay ng visayan-laced Filipino sa pagpapaunlad ng wikang pambansa.
12. Garcia Jr., Felino S. Sa Pagtunod sang Adlaw mga sugilanon. Maynila: Central Book Supply, Inc. 2011. [MAIKLING KUWENTO] Unang koleksiyon ng awtor ng kaniyang mga kuwento sa Hiligaynon.
13. Garcia Jr., Felino S. Idolo: Mga Sugilanon sang Gugma kag Pagbiya. Maynila: Central Book Supply, Inc. 2011. [MAIKLING KUWENTO] Ikalawang koleksiyon ni Garcia ng mga kuwento nito sa Hiligaynon na nangungusap tungkol sa karanasan sa pag-ibig at paghihiwalay. Binubuo ng siyam na mga kuwento na binigyang introduksiyon ni J.I.E Teodoro at ipinakilala ni Dr. Jesus Insilada.
Description: Kakunyag (Peter Solis Nery)
Kakunyag (Peter Solis Nery)
14. Nery, Peter Solis. Kakunyag: 100 Erotic Sonnets in the Hiligaynon. USA: CreateSpace Independent Publishing Platform. 2012. [TULA] Koleksiyon ng mga erotikong soneto sa Hiligaynon na isinulat ng awtor noong 2005. Isinalin sa Ingles noong 2008.
15. Nery, Peter Solis. The Prince of Ngoyngo. Iloilo: DreamWings Publishing. 2001. [TULA] Koleksiyon ng mga tulang liriko sa Hiligaynon na nagpakilala sa makata bilang ipitome ng hikbi sa panulaang Hiligaynon.
16. Nery, Peter Solis. Love in the Time of the Bakunawa. USA: CreateSpace Independent Publishing Platform. 2012. [NOBELA] Romantikong nobela na tumatalakay sa pagsisikap at mga pangarap ng isang musikero na umuwi sa Isla Pulang Pasayan, nadiskobre niyang ang Bakunawa Festival na sinimulan ng kaniyang lola ay perpektong pagkakataon para lubos niyang makilala ang sarili, ang pag-ibig, at karera sa buhay.
17. Cichon, Melchor F. Matimgas nga Paeanoblion Anthology of Poems Written by Aklanons. Aklan: Tierra Alta Publications. 2011. [TULA] Ang koleksiyon ay binuo ng labingpitong manunulat na Aklanon sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo at binigyang introduksiyon ni Prof. John E. Barrios na tinalakay ang tradisyon, history, at kasalukuyang hamon para sa panitikang Aklanon.
18. Cichon, Melchor F. Ham-at Madueom Ro Gabii collection of Aklanon Poems with Filipino Translation. Aklan: Macar Enterprises. 1999. [TULA] Marahil ito ang kaunaunahang koleksiyon ng mga tulang Aklanon na sinulat sa Aklanon. Kalakip sa koleksiyong ito ang mga tula ng awtor na nagwagi at lumabas sa iba’t ibang paligsahan sa pagsulat ng tula at magasin. Upang maunawaan ng mga di Aklanon may salin ang lahat ng tula sa Filipino na sinamahan ng mga salitang Aklanon sa pagpaunlad ng wikang pambansa.
Description: Margosatubig (Cecilia Nava)
Margosatubig (Cecilia Nava)
19. Nava, Cecilia L. MARGOSATUBIG The Story of Salagunting by Ramon L. Muzones. Maynila: Ateneo de Manila University Press. 2013. [Nobela] Isinulat ng popular na nobelistang si Ramon L. Muzones, gin-serialized sa weekly magazine sa Hiligaynon noong 1946 na ngayon ay bibigyang salin ni Nava sa wikang Ingles. Ayon kay Nava, ito ay epico-historical novel ng alamat ng Maria Christina Falls at ng relasyon sa pagitan ng Ilonggo at Muslim na may malaking ambag sa panitikan ng Kanlurang Visayas.
20. Hosillos, Lucila V. Juanita Cruz: Nobela nga Nasulat sa Panugiron kag sa Binisaya nga Hiligaynon. Maynila: The University of the Philippines Press. 2006. [NOBELA] Pinakasikat ang nobelang ito sa lahat ng nobelang naisulat ni Magdalena G. Jalandoni. Sa nobelang ito ikinuwento ni Jalandoni ang mga bagay na pinaniniwalaan niya sa buhay, bilang tao at bilang mamamayan. Sa nobela ring ito pinatunayan ni Jalandoni na ang pag-ibig, kapag ginabayan lamang ng pag-unawa at tiwala ay kayang makapagpabago ng buhay ng mamamayan at bansa.
21. Perez, J.V.D. Ang Mga Anak Sang Montogawe. Maynila: National Commission for Culture and the Arts, National Commission on Literary Arts, and Ateneo Institute of Litrary Arts and Practices. 2010. [MAIKLING KUWENTO] Binubuo ng anim na koleksiyon ng maikling kuwento. Ipinakilala at binigyang introduksiyon ni Solidad Reyes at J.I.E Teodoro. Sinasabing ang unang koleksiyong ito ni Perez ay may likaw ng pagiging rebelde at pagiging subersibo. Handang pumatay at pumapatay ang mga karakter upang ipaglaban ang katotohanan at katarungan.
22. Mas, Glen S. Rite of Passage and Her Father’s House. Maynila: University of Santo Tomas Publishing House. 2005. [DULA]
23. Mas, Glen S. Children of the Sea and In the Land of the Giants. Maynila: University of Santo Tomas Publishing House. 2007. [DULA]
24. Mas, Glen S. In the dark: three plays and an essay. Maynila: University of Santo Tomas Publishing House. 2002. [DULA, SANAYSAY]
25. Cruz, Isidoro M. Redeeming the Body. Iloilo: University of San Agustin Publishing House. 2008. [TULA]
26. Cruz, Isidoro M. Cultural Fictions: Narratives on Philippine Popular Culture, Politics, and Literature. Iloilo: University of San Agustin Publishing House. 2004. [SANAYSAY] Koleksiyon ng mga sanaysay tungkol sa kulturang popular at popular na literatura.
Description: Solitude (Roger Rueda)
Solitude (Roger Rueda)
27. Rueda, Roger B. Solitude. Iloilo: Binas Publishing. 2012. [TULA]
28. Dimzon, Alaine. Ang Manunulat kag ang Pendulum poems in Hiligaynon with English translation. Iloilo: University of San Agustin Publishing House. 2008. [TULA]
29. Geremia, Ma. Milagros C. Ang pagsulat– bayi poetry in Kinaray-a with English translation. Iloilo: University of San Agustin Publishing House. 2006. [TULA]
30. Defante-Gibraltar, Maria Luisa S. Ang Babaye sa Lunok kag iban pa nga mga sugilanon nga indi mapatihan apang matuod. Iloilo: University of San Agustin Publishing House. 2003. [MAIKLING KUWENTO]
Si Noel de Leon ay estudyante ng Master of Education Major in Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas. Tubong Guimaras, nagsusulat sa Filipino at Hiligaynon, at nakapagsalita na rin sa mga pambansang kumperensya. Maaari siyang makontak sa ngdleon@yahoo.com
Share this: