Hindi Ko Kayang
Isulat Ang Pinakamalungkot Kong Tula
(Salamat kay Pedro
Neruda)
Ni
Melchor F. Cichon
Hindi ko kayang
isulat ang pinakamalungkot kong tula.
Kahit na sa
gitna pa ako ng langit at lupa.
Ang pagsagot mo
ng oo sa akin sa may dalampasigan ng Boracay
Habang lumulubog
ang araw ay sapat na upang ako’y lumigaya.
Hindi ko kayang
isulat ang pinakamalungkot kong tula.
Katulad ngayong
bilog ang buwan at malamig ang simoy ng hangin ng Disyembre.
Sapat na sa akin
upang ako’y ngumiti.
Disyembre rin
noon ng una mo akong hinalikan.
Hindi ko kayang
isulat ang pinakamalungkot kong tula.
Kahit hindi ko
na halos maabot ang mukha mo upang pisilpisilin;
O mabulongan man
lamang kita katulad nong nagsisimula pa lamang tayong magsama.
Sapat na sa
akin na mahawakan ko ang singsing na isinuot mo sa aking daliri.
At
kung sakaling dumating ang oras ng paglubog ng aking araw
At
ang gabi’y lumatag sa buong daigdig,
Hindi
ko pa rin isusulat ang pinakamalungkot kong tula.
Maalaala
lang kita’y mapapangiti na ako agad.
No comments:
Post a Comment