Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, October 31, 2010

Sa Araw Na Ito

Kailangang masaya ka
ngayong araw na ito--
ipasok muna sa kaban,
sa baul,
ang mga tinik,
ang mga ulap
ng buhay.
Tingnan
ang sikat ng araw,
ang mga rosas,
ang mga ibong kumakanta.
Ang mga alon sa dagat
na masayang humahalik sa
dalampasigan.
Ang mga batang nagtatampisaw dito.
Hayaan ang lumulubog na araw
Sisikat din ito bukas.
Tingnan ang kanyang kaningningan.

Dapat nguniti ka
Sa araw na ito,
Dahil kaarawan mo!

No comments: