Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, December 21, 2014

Thursday, December 18, 2014

Silakbo




Silakbo
Ni Melchor F. Cichon

"Isang dalaga ang nakitang patay malapit sa isang imburnal sa Jaro. Ang bangkay ay nakasilid sa sako..." Ito ang mga salitang gumulat sa akin mula kay Agent K ng Bombo Radyo pagkatapos kong buksan ang radyo sa utos ni Nanay.

"Lintik na babae 'yon a, alas siyete na hindi pa umuuwi," mula sa bibig ni Nanay. "Sabi niya kanina bibili lang daw siya ng libro tungkol sa mental health pero hindi naman nagdaan sa opisina ko kahapon upang kunin ang pera."

Nag-aaral si Inday sa Iloilo National High School. Fourth year. Iregular. Ibinagsak niya ang kaniyang math at geometry. Kung minsan sinasabi niya sa akin na hindi raw siya makapag-aral sa bahay dahil walang preno kung siya'y pagalitan  kapag nariyan si Nanay. Kahit oras ng pagkain, pinapagalitan siya. Hindi na nga lang kami sumasabay sa kanya sa tanghalian at hapunan dahil siguradong kami'y masesermonan. Kesyo hindi daw kami nag-aral. Kesyo alas-otso pa lang, tulog na kami mula Lunes  hanggang Huwebes. Pero hindi naman daw kami inaantok kung gabi ng Biyernes o Sabado sa panonood ng TV o beta. Kesyo hindi raw kami nagigising kung hindi gigisingin. Kesyo doon pa lang kami lalabas at mag-uunahan sa CR kung ang lahat ay nasa mesa na para kumain. Sayang lang daw ang kaniyang ginagasta sa pagpapaaral sa amin. Parang wala daw kaming utang na loob sa kanya. Kung iisipin nga naming mabuti, medyo may dahilan din naman si Nanay. 'Yon nga lang, asiwang-asiwa na si Inday sa bunganga ni Nanay.

"Itsong!" tawag sa akin ni Nanay. "Silipin mo nga sa bintana kung dumating na ang malditang 'yon. Malilintikan  sa akin 'yon pagdating."

Tiningnan ko kung nariyan na si Inday.

"Wala pa, Nay."

Pumanaog ako ng bahay at pumunta sa bandang kalsada. Mga kinse metro siguro ang distansiya magmula sa bahay namin. Nasa loob-looban pa kasi ang aming bahay at tinatabunan pa ng mga saging. Tiningnan ko ang kalayuan ng kalsada. Ngunit wala akong nakitang Inday. Si Nay Weta, ang nakita ko,  ang aking tiya, kapatid ni Tatay.

"Bakit narito ka pa sa kalsada? Gabi na a," tanong ni Nay Weta. Inabot ko ang kanang kamay ni Nay Weta para humalik ng kamay.

"Kaawaan ka ng Diyos."

"Tinitingnan ko kung dumating na si Inday. Hindi pa siya nakauwi. Galit na si Nanay."

"Bakit, saan ba nagpunta si Inday?"

"Ewan ko."

"Bakit? Kinagalitan na naman ba siya ng Nanay mo?"

"Ewan, hindi ko alam."

May humintong traysikad malapit sa amin.

"O, hayan na pala siya."

Sinalubong ko si Inday.

"Hala ka, Inday," sabi ko. "Papagalitan ka ng Nanay. Gabi ka na sa pag-uwi." Inakbayan lamang ako ni Inday at hinalikan sa pisngi.

"Ay! si Nay Weta pala! Magandang gabi, Nay Weta. Mano po."

"Kaawaan ka ng Diyos," sambit ni Nay Weta. "saan ka ba galing at ginabi ka?"

"Sa kaklase ko. May ginawa kaming assignment."

"Pagpasensiyahan mo na lang si Nanay mo, baka may problema lang."

"Oo, Auntie."

"O, sige umuwi na kayo."

"Bye, Auntie. Tayo na, Tsong."

Pagdating ng pagdating namin sa bahay, pumutok agad ang bulkan ni Nanay. Umupo ako sa sopa, si Inday ay nanatiling nakatayo, malapit sa akin. Hinubad niya ang kaniyang sapatos. Nakasabit pa rin sa balikat niya ang bag.

"Ay, naku babae ka! Ayaw mo talagang sumunod sa mga sinasabi ko. Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa iyo. Akala namin may masamang nangyari sa iyo. Alam mo rin siguro na marami nang mga babaing niri-rape ngayon at inilalagay sa sako pagkatapos patayin! Gusto mo bang mangyari din yan sa iyo? Gawin mo pa ito uli at ako na ang maglalagay sa iyo sa sako. Alam ko pa kung saan kita pupulutin."

Tahimik lang si Inday.

Pero nagbuga uli ang bulkan ni Nanay.

"At ano iyong nabalitaan ko kay Mareng Pilay sa madyungan na naglandi ka raw sa plasa noong nakaraang araw? Hoy, babae hindi ka pa marunong magsaing, nagkiringking ka na!"

Pinusdak ni Inday ang kaniyang bag sa sopa. Kumalat ang mga lamang libro at bolpen.

"Aba! Aba!" patuloy ni Nanay. "Aba, at ikaw pa itong matapang ha! Lapit dito at hihilahin ko 'yang bibig mo."

Hindi huminag si Inday sa kaniyang kinatatayuan. Pero nakita ko ang pagpula ng kaniyang mukha.

"Sa totoo lang., Nay, asiwang-asiwa na ako sa bunganga ninyo. Tantanan na ninyo ako para makapagpahinga na ang utak ko. Hindi pa nga ako nakaupo niratrat na ninyo ako. Hindi ninyo pa nga alam kung saan ako galing, pinusngahan na ninyo ako ng inyong bunganga. At tungkol sa sumbong ni Nay Pilay, hindi 'yan totoo. Ang totoo ay may gusto sa akin ang kaniyang anak na si Rey, pero hindi ko naman siya gusto. Hay-skul pa nga lang ako. Ano ako, karneng kaladkarin? Manigas siya! Siguro nagsumbong ang mabait niyang anak sa kaniyang Nanay na mahaba ang dila at gayon na ang arangka niya sa inyo. At gayon din ang paniwala ninyo."

"Siya, siya, totoo man o hindi basta ang gusto ko'y umuwi ka nang maaga para hindi kami mag-alala. Tapos!"

"Pero, Nay, intindihin rin ninyo ang aking sitwasyon. Kung umuuwi ako nang wala sa tamang oras, huwag ninyong isipin kaagad na naglalandi ako. Alam ninyo namang wala tayong telepono sa bahay, paano ko sasabihin sa inyo na may importane akong pinuntahan? Okey lang sana kung may sobra ang aking baon puwede akong umuwi rito at magpaalam. Umiinom na nga lang ako ng isang basong tubig para itulak ang meryendang banana-q para may pambili ako ng hand-outs sa klase. At kung magpaalam ako, hindi ninyo naman ako papayagan."

"Bakit hindi kung sa ikabubuti mo rin."

"Para rin naman sa kabutihan ko ang pinutahan ko kanina. Ginawa namin ng kaklase ko ang assignment namin sa physics. Alam mo namang mahina ako sa subject na 'yon. Kung narito sana si Tatay matutulungan niya ako. Pero wala siya. E, sino ang hihingan ko ng tulong, siyempre ang kaklase ko. Alangan namang sa inyo ako patutulong e English naman ang major ninyo. At kung dito ko rin gawin sa bahay hindi ako maka-concentrate dahil pangaral kayo nang pangaral. Kung may bisita lang tumatahimik sa bahay. Pero kung wala..."

“Anong malay ko. Wala naman ako doon sa pinuntahan mo! Basta hindi ko na gustong umuwi ka nang alas otso. Kailangan alas sais narito ka na at tumutulong sa paghahanda ng ating hapunan. Alam mo ring pagod din ako sa pagtatrabaho. Pagdating ko, ako pa ang nagluluto. Pero kung narito ka, mabawas-bawasan ang aking obra.”

“O, sige alas sais kung alas sais.”

“Pero paglampas ng alas sais na wala ka pa, bahala ka na sa buhay mo! Kapag may nangyari sa ‘yo, huwag na huwag kang humingi ng tulong sa aking lintik ka ha!”

Tumahimik na lang si Inday. Umakyat siya sa kaniyang kuwarto. Hindi na pinulot ang itinapong bag. Binuksan ang pituan at saka sinara ng malakas.

“Maldita talaga!” sambit ni Nanay.

“Itsong, pulutin mo nga ang mga gamit ng maldita at dalhin sa kanya.”

Pinulot ko ang mga nakakalat na mga libro at bolpen. Ipinasok ko sa bag at saka dinala kay Inday.

“Day.”

Hindi sumagot si Inday. Narinig ko ang kaniyang hikbi.

“Day.”

“Pasok. Bukas ‘yan.”

Pumasok ako. Bumangon siya at umupo sa kanyang kama. Nang  umupo ako sa tabi niya, niyakap niya ako.

“Day, huwag ka nang umiyak. Ganoon naman talaga si Nanay. Mahal ka noon, Hindi lang niya sinasabi.”

“Pero, Tsong, hindi naman ako naglalakwatsa at naglalandi.”

“Oo, alam ko. Naniniwala  ako sa ‘yo. Hwag ka nang umiyak.”

“Sige,” sabay tapik ng aking balikat.

“Pero ayaw ko ng pinagpagalitan ako na wala naman akong nagawang kasalanan. Mabuti pa noong narito si Tatay. Hindi nag-aapoy ang ulo ni Nanay.  Palaging nakangiti. Palagi pa tayong nagpupunta ng SM tuwing linggo saka kumakain ng ice cream.  Kung bakit kasi nagtrabaho pa si Tatay sa Saudi. Hindi naman tayo kinukulang ng pagkain.”

“Oo nga, palagi na ngang nagmamadyong si Nanay. Kung bakit naman kasi tinuruan ni Nay Sayong na manghukay ng bangongon. “

“Lalo na siguro ngayong hindi nakapadala ng pera si Tatay. Kaya nga palaging mainit ang ulo.”

“Baka nga. Pero ‘Day, dapat pa rin nating tandaan ang bilin ni Tatay bago siya umalis na tulungan natin si Nanay, ha?”

“Sige, a.”

Nag-apir kami ni Inday. Tumayo ako at humakbang na palabas ng kuwarto.

Kinaumagahan maaga pang nagising si Inday.

“Tsong, kung uuwi ako ng lampas sa alas sais, ikaw ang magbubukas ng gate ha?” ang unang lumabas sa bibig niya.

“Ang lagay ba naman, e.”

Tinapik ako ni Inday sa braso. Nang pumasok sa kusina si Nanay, nilapitan siya ni Inday at hinalikan sa pisngi.

“Nay, pasensiya na kagabi. Hindi na ‘yon maulit, Promise.”

Pagkatapos naming mag-almusal tumunog ang buzzer. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Ganoon na lang ang aking pagkabigla.

“Nay! Nay! Si Tatay dumating!”

At nakita ko na lang ang pagtakbo ni Inday at ni Nanay papunta kay Tatay.

Wednesday, December 17, 2014

Monday, December 15, 2014

Silakbo, draft

"Isang dalaga ang nakitang patay malapit sa isang imburnal sa Jaro. Ang bangkay ay nakasilid sa sako..." Ito ang mga salitang gumulat sa akin mula kay Agent K ng Bombo Radyo pagkatapos kong buksan ang radyo sa utos ni Nanay.

"Lintik na baya 'yon a, alas siyete na hindi pa umuuwi," mula sa bibig ni Nanay. "Sabi niya kanina bibili lang daw siya ng libro tungkol sa mental health pero hindi naman nagdaan sa opisina ko kahapon upang kunin ang pera."

Nag-aaral si Inday sa Iloilo National High School. Fourth year. Iregular. Ibinagsak niya ang kaniyang math at geometry.Kung minsan sinasabi niya sa akin na hindi raw siya makapag-aral sa bahay dahil walang preno kung siya'y pagalitan  kapag nariyan si Nanay. Kahit oras ng pagkain, pinapagalitan siya. Hindi na nga lang kami sumasabay sa kanya sa tanghalian at hapunan dahil siguradong kami'y masesemonan. Kesyo hindi daw kami nag-aral. Kesyo alas-otso pa lang, tulog na kami Lunes  hanggang Huwebes. Pero hindi naman daw kami inaantok kung gabi ng Biyernes o Sabado sa panonood ng TV o beta. Kesyo hindi raw kami nagigising kung hindi gigisingin. kesyo doon pa lang kami lalabas at mag-uunahan sa CR kung ang lahat ay nasa mesa na para kumain. Sayang lang daw ang kaniyang ginagasta sa pagpapaaral sa amin. Parang wala daw kaming utang na loob sa kanya. Kung iisipin nga naming mabuti, medyo may dahilan din naman si Nanay. 'Yon nga lang, asiwang-asiwa na si Inday sa bunganga ni Nanay.

"Itsong!" tawag sa akin ni Nanay. "Silipin mo nga sa bintana kung dumating na ang malditang 'yon. Malilintikan  sa akin 'yon pagdating."

Tiningnan ko kung nariyan na si Inday.

"Wala pa, Nay."

Pumanaog ako ng bahay at pumunta sa bandang kalsada. Mga kinse metro siguro ang distansiyamagmula sa bahay namin. Nasa loob-looban pa kasi ang aming bahay at tinatabunan pa ng mga saging. Tiningnan ko ang kalayuan ng kalsada. Ngunit wala akong nakitang Inday. Sin Nay Weta, ang nakita ko ang aking tiya, kapatid ni Tatay.

"Bakit narito ka pa sa kalsada? Gabi na a," tanong ni Nay Weta. Inabot ko ang kanang kamay ni Nay Weta para humalik ng kamay.

"Kaawaan ka ng Diyos."

"Tinitingnan ko kung dumating na si Inday. Hindi pa siya nakauwi. Galit na si Nanay."

"Bakit, saan ba nagpunta si Inday?"

"Ewan ko."
"Bakit? Kinagalitan na naman ba siya ng Nanay mo?"
"Ewan, hindi ko alam."
May humintong traysikad malapit sa amin.
"O, hayan na pala siya."
Sinalubong ko si Inday.
"Hala ka, Inday," sabi ko. "Papagalitan ka ng Nanay. Gabi ka na sa pag-uwi." Inakbayan lamang ako ni Inday at hinalikan sa pisngi.
"Ay! si Nay Weta pala! Magandang gabi, Nay Weta. Mano po."
"Kaawaan ka ng Diyos," sambit ni Nay Weta. "saan ka ba galing at ginabi ka?"
"Sa kaklase ko. May ginawa kaming assignment."
"Pagpasensiyahan mo na lang si Nanay mo, baka may problema lang."
"Oo, Auntie."
"O, sige umuwi na kayo."
"Bye, Auntie. Tayo na, Tsong."
Pagdating ng pagdating namin sa bahay, pumutok agad ang bulkan ni Nanay. Umupo ako sa sopa, si Inday ay nanatiling nakatayo malapit sa akin. Hinubad niya ang kaniyang sapatos. Nakasabit pa rin sa balikat niya ang bag.
"Ay, naku babae ka! Ayaw mo talagang sumunod sa mga sinasabi ko. Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa iyo. Akal namin may masamang nangyari sa iyo. Alam mo rin siguro na marami nang mga babaing niri-rape gnayon at inilalagay sa sako pagkatapos patayin! Gusto mo bang mangyari din yan sa iyo? gawin mo pa ito uli at ako na ang maglalagay sa iyo sa sako. Alam ko pa kung saan kita pupulutin."
Tahimik lang si Inday.
Pero nagbuga uli ang bulkan ni Nanay.
"At ano iyong nabalitaan ko kay Mareng Pilay sa madyungan na naglandi ka raw sa plasa noong nakaraang araw? Hoy, babae hindi ka pa marunong magsaing, nagkiringking ka na!"
Pinusdak ni Inday ang kaniyang bag sa sopa. Kumalat ang mga lamang libro at bolpen.
"Aba! Aba!" patuloy ni Nanay. "Aba, at ikaw pa itong matapang ha! Lapit dito at hihilahin ko iyang bibig mo."
Hindi huminag si Inday sa kaniyang kinatatayuan. Pero nakita ko ang pagpula ng kaniyang mukha.
"Sa totoo lang., Nay, asiwang-asiwa na ako sa bunganga ninyo. Tantanan na ninyo ako para makapagpahinga na ang aking utak. Hindi pa nga ako nakaupo niratrat na ninyo ako. Hindi ninyo pa nga alam kung saan ako galing, pinusngahan na ninyo ako ng inyong bunganga. At tungkol sa sumbong ni Nay Pilay, hindi 'yan totoo. Ang totoo ay may gusto sa akin ang kaniyang anak na si Rey, pero hindi ko naman siya gusto. Hay-skul pa nga lang ako. Ano ako, karneng kaladkarin? Manigas siya! Siguro nagsumbong ang mabait niyang anak sa kaniyang Nanay na mahaba ang dila at gayon na ang arangka niya sa inyo. At gayon din ang paniwala ninyo."
"siya, siya, totoo man o hindi basta ang gusto ko'y umuwi ka nang maaga para hindi kami mag-alala. Tapos!"
"Pero Nay, intindihin rin ninyo ang aking sitwasyon. Kung umuuwi ako nang wala sa tamang oras, huwag ninyong isipin kaagad na naglalandi ako. Alam ninyo namang wala tayong telepono sa bahay, paano ko sasabihin sa inyo na may importane akong pinuntahan? Koey lang sana kung may sobra ang aking baon puwede akong umuwi rito at magpaalam. Umiinom na nga lang ako ng isang basong tubig para itulak ang meryendang banana-q para may pambili ako ng hand-outs sa klase. At kung magpaalam ako, hindi ninyo naman ako papayagan."
"Bakit hindi kung sa ikabubuti mo rin."
"Para rin naman sa kabutihan ko ang pinutahan ko kanina. Ginawa namin ng kaklase ko ang assignment namin sa physics. Alam mo namang mahina ako sa subject na 'yon. Kung narito sana si Tatay matutulungan niya ako. Pero wala siya. E, sino ang hihingan ko ng tulong, siyempre ang kaklase ko. Alangan namang sa inyo ako patutulong e English naman ang major ninyo. At kung dito ko gawin sa bahay hindi ako maka-concentrate dahil pangaral kayo nang pangaral. Kung may bisita lang tumatahimik sa bahay. Pero kung wala..."

Saturday, December 13, 2014

Tanaga

Ro eangbon ko sa eanas
Ginatueoga't mangtas.
Kon owa ngani't bugas,
Gusto bubuan't gaas.
***Itsong, Dec. 9, 2014

Thursday, December 11, 2014

Views

as of March 11, 2015-- 43,597
as of February 15, 2015--42, 906
As of Dec 11, 2014--41,338
Views as of August 9, 2014--- 38,179
Views as of July 15, 2014---37,324
Views as of March 28, 2014---35,249
Views as of June 14, 2014--- 36,713 

Saturday, December 06, 2014

A Candle is Waiting

A Candle is Waiting
by
Melchor F. Cichon
December 6, 2014

And then you woke up
And realized
That what were left
In your bed
Were wrinkled bedsheets
And the fragrance
Of Victoria's Secret.
You tried
To trace back
The moment
When you both said:
"I Do!"
And "Till Death Do Us Part".
But why
Did she part
When you were starting
To raise the level of your consciousness;
When you were starting
To build the bridge
Between your sunset and her sunrise.
Ah, this must be the moment
To again light
The candle at your alter.
This is the moment.

Tuesday, December 02, 2014

Ang Malikhaing Panulatang Akeanon:



Ang Malikhaing Panulatang Akeanon:
Isang Reaksyon sa Papel na Sinulat ni Dr. Isidoro Cruz
Ni Melchor F. Cichon
December 2, 2014

Bago ang lahat, ako'y nagpapasalamat kay Prof. John Barrios sa pag-inbita niya sa akin na magbigay ng reaksiyon sa papel ni Dr. Isidoro Cruz. Ako rin po ay labis na nagpapasalamat sa lahat na namumuno nitong kongreso. Kung hindi dahil sa inyo, wala rin siguro ako rito.

Napansin ko sa papel ng kaibigan kong kapanulat na si Dr. Cruz na halos pahapyaw lang ang pagbigay niya ng pansin hinggil sa literaturang Aklanon. At sa personal na listahan na ginawa ni Dr. Genevieve Asenjo, isang libro lang na Aklanon ang napansin niyang mahalaga sa literatura sa Western Visayas. Napansin ko rin na ang papel niya ay walang sanggunihan.

Ito'y inaasahan dahil kung hindi ka Akeanon, mahirap talagang basahin ang wikang Akeanon at si Dr. Cruz at Dr. Asenjo ay kapwa hindi Akeanon.

Bukod dito, kakaunti lang naman talaga ang mga librong Akeanon, subalit kung nagsangguni sila sa listahan ng mga libro na nasa blog ko ay sigurong makikita nila kung ano-ano ang mga librong sinulat at nalathala ng mga manunulat na Aklanon. At posibleng hindi nila ito nabasa o talagang ayaw lang nilang basahin dahil hindi nila gusto ang sumulat nito.

Ganon pa man, ako'y nagpapasalamat sa kanilang dalawa.

At dahil sa kakarampot lang ang nabanggit ng mga kaibigan kong manunulat tungkol sa literaturang Akeanon, ako na lamang ang magkikwento tungkol sa aming literatura, para naman sulit ang ibabayad sa akin ng Komisyon. Gaya ng sinabi ni Dr. Leoncio P. Deriada, sino ba ang susulat ng inyong literatura kundi kayo rin.

Pero dapat nating tandaan na ang literaturang Akeanon ay hindi nagsimula ng dumating si Dr. Leoncio P. Deriada sa Lungsod ng Iloilo. Pinasigla niya ang bagong panulatang Akeanon.

At kapag sinabi kong Literaturang Akeanon, ang ibig kong sabihin ay yaong mga tula, sanaysay, nobela, bugtong, kasabihan, luwa, haiku  at iba pang mga porma nito na sinulat ng mga Aklanon sa ano mang wika, mapa-English, Spanish, Tagalog, Hiligaynon, Filipino, Kinaray-a, at Aklanon man ay maituturin nating kasapi ng Literaturang Akeanon. At ayaw naming mga Aklanon writers na  matawag na kami ay bahagi ng Hiligaynon Literature. Kaming mga Aklanon writers ay mga Aklanon writers, at ang aming literatura ay Aklanon Literature.

Noong 1568, may isang tulang Akeanon na sinulat sa baybayin. Ang pamagat nito ay: Hambae Inakeanon. Ito ay isinama ko sa librong, 32 Best Aklanon Poets noong 2009.

Noong 1913, inilathala sa pahayagang Ro Akeanon, ang isang tulang “Alay sa Pahayagang ‘Ro Akeanon’ ”. At sa sumunod na taon, inilathala naman ang isang tulang “Sa mga Dalaga: mga Tubo Sa Akean.”  Noong 1925, si Gabriel M. Reyes ay sumulat ng isang nobelang Toning. Ang 35-pahinang nobelang ito na nasa Hiligaynon na nilimbag ng La Panayana. Binubuod ng huling talata nito ang buong kuwento:
“Kinumusta niya si Toning, inilapat ang kanyang huling halik sa anak at lumisan na walang iniwan kundi ang malungkot na karanaasan ng kanyang buhay na nagpakita ng mapait na bunga ng bisyo, at kung kay toning naman ay nagpakita ng birtud ng kagandahan, at ang pangngailangan ng kabatian ng isang babae sa buong buhay niya at kalagayna.”

Noong 1926, si Peping Tansinko Manyas ay naglimbag ng isang maikling nobela na pinamagatang Tagiposuon nga Hueowaran: Baeasahon Nga may Mataeupangdan (Pusong Huwaran: Babasahing may Aral). Kinukuwento ng 12-tsapter na nobelang ito ang mga kabayanihan ni Pedring at ng kanyang asawang si Pesing upang palayain ang kanilang lupang tinubuan sa mga mananakop. Kasama sa mga obrang ito ang mga tula ni Manyas katulad ng “Sa Adlaw Nga Kinamatyan nay Doctor Jose Rizal.” (“Sa Araw na Ikinamatay ni Doctor Jose Rizal.”). Isa pang tula ni Manyas na napasali sa aklat na ito ay “Haead Sa Adlaw Nga Kinamatyan Ku Napueo Ag Siyam Sa Akean.” (“Sa Araw ng Kamatayan ng Sampu at Siyam sa Aklan”).

Noong 1957, inilathala ni Tente Undoy ang Mga Bilisad-on.  Lakip nito ang 105 na mga kasabihan sa Akeanon.

Ito ang paliwanag ni Tente Undoy tungkol sa bilisad-on:

“Ang mga kasabihan ay mga matimgas at matuwid na mga salita hinggil sa mga katotojanan ng buhay sa ibabaw ng mundo. Ang lakas nitong mga katotohanan ay nagpapatuwid ng baluktot na ugali; nagpapagising sa natutulog na mga tao sa kanilang panaginip, nagpapasaya ng labis ng kahirapan, nagbibigay ng pagtitiwala sa pusong nagpapabaya sa guhit ng palad; at gumagabay sa daan na iniilawan ng ilaw ng silangan.”

Isa sa mga kasabihan na nalathala sa aklat na ito ay ito:

"Ayaw pag matamataha o sikasikaha ro makita mong parang minimong tawong sumaeangdo sa imong tangpaan ay indi mo masayran kun mas tampapaw pa ro ana ko imong baean-an o kabusalian. (Huwag mong matahin o maliitin ang isang taong sa akala mo'y aba na dumating sa iyong tanggapan at baka mas umaapaw pa ang sa kanya kesa sa iyong bayong o kabusalian)."

Sa libro ni Beato de la Cruz, Contribution of Aklanon Minds to Philippine Literature, makikita natin  ang isang tulang Awit ng Balinganga".

Hindi kumpleto ang literaturang Akeanon kung hindi natin isali ang mga tulang pabigkas. Kasali dito ang luwa, alamat, kasabihan at komposo. Hanggang ngayon, ang mga literaturang ito ay buhay pa rin, kahit nawala na ang tinatawag na mga laro katulad ng konggit at bordon. Noon, kung mayroong patay, naglalaro ng bordon ang mga nagdadalamhati at yaong mga natatalo sa larong ito ay pinaparusahan, at ang parusa ay magbigkas ng isang luwa.



Ito ay isang halimbawa ng luwa:

Nag-agto ako sa Kalibo
Nakakita ako't mueto
Pinitik ko ra ueo
Tumugpa sa kaldero

(Pumunta ako ng Kalibo
Nakakita ako ng multo
Pinitik ko ang kanyang ulo
Nahulog sa kaldero)

Patay na ang larong bordon, ngunit buhay pa rin ang pagsusulat ng luwa. Nang magbigay ako ng poetry writing workshop sa Lezo, Aklan noong November 28, 2014, pinasulat ko ng luwa ang mga estudyante at mga guro na sumali sa nasabing palihan. Ito ang isa sa mga sinulat nila:


Nag-agto ako sa Kalibo
Nakakita ako it Ati
Nagbuoe ako it alambri
Ag ginkuhit ko ra panti
***Irish Gail Y. Tugna, November 28, 2014

Pumunta ako ng Kalibo
May nakita akong Ati
Kumuha ako nga alambri
Sinungkit ko ang kanyang panti.
***Salin ni Melchor F. Cichon

Ang mga luwa na Akeanon ay mababasa sa blog ko (http://luwaofwesternvisayas.blogspot.com/) at sa Facebook Account ko.

Ito ang isang halimbawa ng luwa na sinulat ko:

Pag-agto ko sa bukid
Nakakita ako it ibid;
Paglingot ko sa waea,
Gatueok kakon rang nobya.

(Nang pumunta ako sa bundok
Nakakita ako ng bayawak;
Ng lumingon ako sa aking likuran,
Ang nobya ko'y sa akin nakatingin.)

Isa pang uri ng pambigkas na literaturang Akeanon ay ang patugmahanon (bugtong) na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin.

Halimbawa:

Ro kaeo ni Esko, puno it bueawan. (Ang sombrero ni Esko, puno ng ginto. Sagot: Aswete.

Ngayon, tatalakayin natin ang pangkasalukuyang literaturang Akeanon.

At ito ay pinasigla ng dumating si Dr. Leoncio P. Deriada sa Lungsod ng Iloilo. Hayaan po ninyo akong basahin ang sinulat kong sanaysay tungkol sa literaturang Akeanon pagkatapos ng regimeng Marcos. Ito ay isinalin sa Filipino ni Lawrence Anthony R. Bernabe at nalathala sa Bigkas Binalaybay: Kritisismo, Antolohiya na inidet nila John Barrios, Melchor F. Cichon, Jonathan P. Jurilla at J.I. E. Teodoro noong  2008.

Matapos ng 1986 Edsa Revolution may naganap na bagong rebolusyon pangliteratura sa Kanlurang Bisayas. Sa pagtaguyod ni Dr. Leoncio P. Deriada, isang dating propesor sa literatura sa UP Visayas, isang rebolusyong pangliteratura ang naganap ng halos sabay-sabay sa Iloilo, Antique at Aklan. Sa kanyang suporta at sa pagpondo ng Cultural Center of the Philippines at nang lumaon sa pamamagitan ng Presidential Commission for Culture and the Arts, na siyang naging National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang mga manunulat sa mga probinsiyang ito ay muling nagsulat ng mga tula at maikling kuwento sa Hiligaynon, Kinaray-a at Akeanon.

Sinuportahan ng NCCA ang pagtatag ng mga lokal na tipunang pang-sining at pinunduhan ang mga kumperensiya, palihan at paglalathala. Naggawad din ito ng mga writing workshops at venue grants. Dalawa sa mga manunulat na nakakuha ng grant na ito sa pagsulat ay sina John Barrios at Melchor F. Cichon.

Naging epektibo ang "political na lapit" ni Dr. Deriada para itulak ang mga lokal na manunulat na sumulat sa kanilang sariling mga wika. Sinabi niya ito sa mga manunulat ng Kinaray-a:

"My politicizing would begin by my saying. There is no such thing as a superior language. No one can give power and dignity to your language except you. Your language has dignity and power if you can do three things with it: sing your songs in it, compose your poems in it, and pray in it. If you can do these in Kinaray-a, then your language is the same level as any language in the world."

Di-naglaon, ginamit rin ang parehong pamamaraan sa mga manunulat sa Akeanon.

Pagkatapos magdaos ng mga palihan sa malikhaing pagsulat at patimpalak sa mga manunulat na Ilonggo at Kinaray-a, pinagpatuloy ni Dr. Deriada ang kanyang krusada sa Aklan. Narito  kung paano niya halos pinilipit ang mga braso ng mga manunulat na Akeanon na magsulat sa Akeanon:

"Liberating itself likewise from literary oblivion was Aklanon. Just as the Antiquenos were forming Tabig, emerging Aklanon writers also formed the Aklanon Literary Circle in Kalibo. Spearheading this was Melchor F. Cichon, a librarian at UP Visayas. Ably assisting him was UP Visayas student John E. Barrios.

"In my various workshops in Iloilo, Cichon had been there listerning to the things I was telling Kinaray-a writers to challenge them. Cichon and Barrios took the challenge and soon the Aklan issue of Ani, which I edited with Cichon, et al., was published by the CCP and launched in Kalibo in early 1993. Cichon, who was by then writing in English and Tagalog-based Filipino, turned out to be the leading poet in his language and has the distinction of being the first Aklanon ever to publish a book of poems in his own language. Eventually, Cichon and Barrios won writing grants from the CCP."

Bukod sa pag-udyok sa mga manunulat sa Kanlurang Bisayas na magsulat, tinutulak rin niya sila na sumali sa isang patimpalak pangliteratura. Isa sa mga ito ang Bigkas Binalaybay ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP Visayas. Ang taunang patimpalak sa tulang pasulat at pabigkas ay nakalikop na ng maraming  tula sa Kinaray-a, Hiligaynon, Filipino at Akeanon. Sa pagdaan ng mga taon, nagwagi ang mga makatang Akeanon sa patimpalak na ito. Kabilang dito sina Melchor F. Cichon, Rommel Constantino, Alexander de Juan, Rocky Abello, Antonio F. Tolentino, at June Mijares.

Ang unang palihan sa malikhaing pagsulat na naidaos sa Kalibo, Aklan ay noong Nobyembre 9-10, 1991 sa pamumuno ni Dr. Leoncio P. Draiada. Inisponsor ito ng mga kalilitaw na grupo ng mga Akeanong manunulat, ang Akeanon Literary Circle. Noong Enero 28, 1994 ang unang isyu ng Bueabod, literary journal ng Akeanon Literary Circle, ay inilunsad sa Kalibo, Aklan. Isang pahina ito na mimeograph o photocopy. Ilan sa mga nag-ambag sa journal na ito ang mga kontemporaryong mga makatang Aklanon tulad nina Pett Candido, Joeffrey Ricafuente, at Rommel Constatino. Sa journal na ito din unang lumabas ang mga tulang Akeanon nina Dominador Ilio at Roman de la Cruz. Kapwa silang tinuturing sa pinakamagaling sa mga nakatatandang mga Aklanong manunulat sa Ingles.

Mula 1986 hanggang 2000, tatlong libro ang nilathala ng CCP at NCCA na inedit ni Leoncio P. Deriada atbp. na may kalakip na mga tulang Akeanon, ang Ani, ang Patubas at Mantala. Noong 1998, limang maikling kuwentong Akeanon ang nalathala sa librong Selebrasyon at Lamentasyon: Antolohiya ng mga Maikling Kuwento sa Panay na inedit nina Carmen L. de los Santos, Ma. Milagros G. Lachica at John E. Barrios. Noong 1999, nilathala ni Melchor F. Cichon ang librong Ham-at Madueom ro gabii? (Bakit Madilim ang Gabi?) na naglalaman ng kanyang koleksiyon ng tula. 

Isang bagong pagsulong ang nangyari noong  2002 nang ang mga unang haiku sa Akeanon at English na sinulat ni Melchor F. Cichon ay nalathala sa SanAg, ang literary journal ng Fray Luis de Leon Creative Writing Desk, University of San Agustin at sa Heron's Nest, isang internasyonal na haiku journal na nabase sa Amerika. Isa pang pagsulong sa literaturang Akeanon ang naganap noong 2005 nang lumabas ang unang koleksiyon ng mga maikling kuwento sa Akeanon ni John E. Barrios, Engkan(aw)o ag iba pa nga Matag-ud nga Istorya.

Nang mabuo ang Akeanon Literary Circle, halos lahat ng mga miyembro noon ay mga nag-aaral sa kolehiyo tulad nina John E. Barrios, Alex de Juan, Joeffrey Ricafuente, at Rommel Constantino. Ang bunso noon ay si Am Roselo. Nasa hayskul pa lang siya noon. Ngunit makalipas ng kanilang pagtatapos , naging tigang ang Bueabod sa loob ng halos isang dekada.

Habang hindi pa aktibo ang Bueabod, isang bagong midyum para sa pagsusulat ang lumitaw sa Pilipinas. Ito ang internet. At sa pagdating ng internet, isang bagong uri ng literaturang Akeanon ang nalikha. Ito ang tinatawag ngayon na virtual na literaturang Akeanon. Sa pamamagitan ng internet may natuklas na mga bagong manunulat na Akeanon at nagkaroon ng mga bagong uri ng mga tula sa literaturang Akeanon. Ang mga ito ay ang haiku, senryu, at tanka. Ang mga ito ay mga Hapon na mga uri ng maikling tula na hindi nagagamit ng mga manunulat na Akeanon hanggang sa pagdating ng bagong milenyo.

Tulad ng nabanggit kanina, ang bagong uri ng mga makatang Akeanon ay kagagawan ng website na ito: http://www.my.akeanon.com/. Nilikha ito ng isang grupo ng mga kabataang Akeanon kung saan ang mga Akeanon mula sa iba't-ibang sulok ng mundo ay makapagpalitan ng mga idea. Dito na nagsimula ang on-line workshop sa pagsulat ng tula sa ilalim ni Melchor F. Cichon. Sayang at wala na itong site.

Gamit ang teknik na ginamit ni Dr. Leoncio P. Deriada sa mga palihan sa malikhaing pagsusulat, nagsusulat at nagpo-post sila ng kanilang mga haiku, luwa, o mas mahabang tula sa my.akeanon.com.  Tuwing Sabado, kinokolekta ang kanilang mga gawa, sinusulatan ng mga komeno at pagkatapos ipinopost ang mga orihinal at inayos na tula. Ang resulta ng virtual na palihan na iyon ay ang librong Haiku, Luwa and Other Poems Written by Aklanons na inedit nina Melchor F. Cichon, Edna Laurente Faral at Losally R. Navarro.

Mayroon ding website na nakatuon sa literaturang Akeanon (http://www.geocities.com/aklanonliterature). Sa website na ito, matatagpuan ang mga Akeanong bugtong, kasabihan, luwa, mga tulang mahaba, awit, alamat, salaysay, mga profile ng mga manunulat na Akeanon, annotated Aklanon bibliography, at haiku. Noong Abril 17, 2006  ang website na ito ay binisita na ng 16,417 na beses. May blog ring http://anahawleaf.blogspot.com na tumatampok ng mga haiku at luwa ni Melchor F. Cichon. May iba pang website na nakatuon din sa Aklanon Literature, Pagsapoe (http://pagsapoe.blogspot.com/) na ginawa pa noong 2008. Ito ay ginawa nila Shur at Perry Mangilaya, magkakapatid at pawang mga Aklanon.

Nong 2007, pumili si Melchor F. Cichon ng 25 na pinakmahusay na tulang isinulat ng mga Akeanon. Ang resulta nitong koleksiyon ay nakapost sa kanyang blog, ang Bueabod It Akeanon Literary Circle, http://bueabodalc.blogspot. com/. Itong koleksiyon ay naging basihan sa librong The 32 Best Aklanon Poets na inedit ni Melchor F. Cichon na nalathala noong 2009.

Ito rin ang panahon kung saan naisulat ang maraming Akeanong luwa. Iba't-iba ang paksa nila: pag-ibig, kalikasan, kakulangan sa kaunlaran, kasarian, nasyonalismo, kahirapan, at iba pa.  Dito nagkaroon ng diin sa pagsusulat ng luwa na nalathala sa internet. Ang pinakabagong ambag sa literaturang Akeanon ay ang pagkakalathala sa internet ng tula para sa mga kabataan. Sa pagkakaalam ko, tatlong makata pa lamang ang sumusulat nito: sina Melchor F. Cichon, Cirilo Castillon, Jr., at si Edna Laurente Faral.

Noong 2011, inedit at inilimbag ni Melchor F. Cichon ang Matimgas nga Paeanoblion; Anthology of Poems Written by Aklanons. Ilan sa mga tulang kasama nito ay sinulat nina Angelo Anchita, John Barrios, Joi Barrios, Alexander de Juan, Mila de la Rosa, Phillip Kimpo, Jr., Belle Nabor, at ni Arwena Tamayo.

Ito ang sinabi ni Prof. John Barrios sa koleksiyon na ito: "Ang koleksyon ng mga tulang ito na nabuo sa ambag ng labingpitong (17) manunulat na Aklanon na nakakalat sa iba't ibang panig ng bansa at mundo ay isang pagpapatunay na mayroong maaring balikan at muling bubuuing kultura at kasaysayan. Ang pagkakatanim sa isipan ng mga imahen tulad ng ati sa ati-atihan, ang Jawili Falls, Bagyong Frank, eleksyon at kahit na ang  pinakaordinaryong gawain tulad ng pag-inom sa isang baryo ay kakikitaan pa rin ng mga kahulugan."

Dagdag pang reaksiyon ni Prof. Barrios sa librong ito:  " Angkop lamang ang pamagat ng koleksiyon na Matimgas nga Paeanoblion dahil ito ay kumikilala sa pamana ng mga naunang manunulat at manugbinalaybay na Aklanon.  Kayat mahalagang balikan at kilalanin ang mga sinulat nina Balinganga, Jose Manyas, Ananias Mariano, Pedro  Tordecilla, at iba pang manugbinalybay na Aklanon."

Ano nga ba ang hinaharap ng literaturang Akeanon?

Bago yan, ikinalulungkot kong sabihin na sa mahigit 40 estudyante at guro na sumali sa nakaraan kong palihan sa pagsusulat ng tula sa Lezo, Aklan, isang Aklanong manunulat lang ang alam nila at ito ay si Dr. Jessie Gomez, ang sumulat ng titik ng Aklan March.

Kung tutuusin, iilan lang talaga ang mga malikhaing manunulat na Akeanon.

Sa ganoon sitwasyon, ano-ano naman ang ginagawa ng mga Aklanon upang lalong sumigla at umunlad ang literaturang Aklanon?

Tuwing Sabado ang Gregory Ilejay Castillo Elibrary sa Kalibo ay nagbibigay ng libreng poetry writing workshop. Ang mga resource persons dito ay sina Alex de Juan, John E. Barrios at si Melchor F. Cichon.

Bukod dito, nakikipag-usap ako sa mga Aklanon sa iba't-ibang parte ng mundo at naghihikayat na sumulat ng tula o ano mang porma ng literatura, lalo na sa wikang Akeanon. Karamihan sa kanilang mga obra ay nailathala nila sa kani-kanilang mga Facebook account katulad ni Mila de la Rosa at ang magkapatid na sina Shur at Perry Mangilaya. Sa nabanggit ko na, sila ang gumawa ng blog na Pagsapoe kung saan ang kanilang mga tula sa Akeanon ay inilathala nila. Si Shur Mangilaya ay taga-Ibajay, Aklan at ang mga tula niya ay nanalathala sa Ani. Si Perry Mangilaya naman ay ang editor ngayon ng Liwayway magasin.

Hindi ko alam kung saan tutungo ang panulatang Aklanon. Ang natitiyak ko lang ay kung maraming kabataan ang maturuan ng wastong pagsulat ng ano mang literatura, at kung bibigyan ng suporta ng ating pamahalaan ang mga palihan, kongreso, kumpirensiyang katulad nito, at sa pagpalimbag ng mga libro nila, naniwala akong mas madali ang pag-unlad ng literaturang Akeanon.

Sana nga.

Maraming salamat.

***
Sanggunihan

Barrios, John E. (2011). Introduction. In: Matimgas nga Paeanoblion: Anthology of Poems Written by Aklanons, ed. by Melchor F. Cichon. Lezo, Aklan: Tierra Alta Publications, pp.9-19.
Cichon, Melchor F.  (2008), Ang Muling Paglitaw ng Literaturang Akeanon. In: Bigkas Binalaybay: Kritisismo at Antolohiya/ edited by John E. Barrios, Melchor F. Cichon, Jonathan P. Jurilla and J. I. E. Teodora.—Lungsod Iloilo: Unibersidad ng Pilipinas visayas, Sentro ng Wikang Filipino, pp.25-40.
Cichon, Melchor F., ed. (2009). The 32 Best Aklanon Poets. Lezo, Aklan. Tierra Alta Publications.