Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, December 01, 2019

Ayaw Ko Na



Ayaw Ko Na
Ni Melchor F. Cichon
December 1, 2019
Ayaw ko na!
Ayaw ko na talagang umibig pa.
Sapat na sa akin ang isang kabiguan
Na pinamana mo sa akin.
Para akong bilog na araw na
Biglang dumilim sa kalagitnaan ng tag-araw.
Ayaw ko na talagang umibig pa
Kahit kasing ganda pa siya ni Ivana Alawi.
Subalit
Nang dumating ka sa buhay ko Parayaw
Biglang nag-ugsad ang puso ko.

No comments: