Total Pageviews

Search This Blog

Saturday, January 07, 2023

Ang Pag-Ibig Ko Sa 'Yo

Ang Pag-Ibig Ko Sa 'Yo

Hindi kasali sa paglubog ng araw ang pag-ibig ko sa 'yo.
Hindi rin ito natabunan ng lupa ng Campostela Valley.
O natangay ito ng agos ng bahang dala ni Bagyong Sendong.
At hindi rin ito ginawang pabaon sa mga nagretirong heneral.
O ginawang Goodbye Philippines noong nakaraang Bagong Taon.
Bagkos, ito'y buhay na buhay.
***
Melcichon
Jan 7, 2012
Revised: Jan 7, 2023

No comments: