Total Pageviews

Search This Blog

Monday, January 23, 2023

Mayaman Tayo, Di Ba?

Mayaman Tayo, Di Ba?
Melchor F. Cichon
January 23, 2013

mayaman tayo, di ba?
isang milyon lang naman ang bonanza
Sa senatong natin, di ba?
Kulang pa nga yon, di ba?
Kasal-anan ng mahigit isang milyon sa atin
Na walang makain, di ba?
Ah, dapat iboto natin siya muli sa senado, di ba?
Sayang din naman ang isang milyong bonanza
Sa bawat senatong natin, di ba?
Kung sa akin lang, kulang na kulang ang isang milyong Christmas gift, di ba?
Sa mga walang katapusang imbestigasyon nilang nagawa, di ba?
( Sori may mga batas din silang napasa,
Katulad ng RH Bill at Sin Tax, di ba?)
Ah, pasensiya na kung kulang
Sa isang milyon ang nakuha ng iba.
Magka-iba kasi ang agos nila kay sa kanya, di ba?
Ah, dapat huwag nating palitan ang batas
Tungkol sa bonanza ng mga senatong natin,di ba?
Kawawa sila, di ba? Kulang pa nga yon sa pagod nila, di ba?

No comments: