Eva,
Si Adan!
Ni Melchor F. Cichon
Dahil hinugot ka lang daw sa tadyang ni Adan
Upang mayroon siyang paglalaruan,
Makwentu-kwentuhan at maparaus-rausan
Sa oras ng kanyang kailangan
Ay marami ng pangalan
Ang kanilang nasulat sa iyong daan:
Salome, Magdalena, Maria Clara, Bagyo Esyang.
Dahil mahina raw ang dibdib mo,
Kahit ‘yong bagyong nakakabuwal ng kawayan
At makalunod ng MV Matibay
Ay pinapangalan pa rin sa ‘yo.
Pero hindi naalaala ng mga lalaki
Na kahit si Mark Anthony
Ay napaikot-ikot ni Cleopatra
Kahit sa labas ng kama.
Hindi nila naalaala na si Gabriela pala
Ang nagpahaba ng daan ni Diego Silang.
At sa Edsa kung hindi ang kabaro mo
Nagtali ng rosas sa dulo ng Armalite ni Ferdie
Ay baka hindi si Cory nakasindi ng kandila
Sa ermita ng Malakanyang.
Mahusay sila magpalamat ng ulo kung papaano
Ka nila mapapasunod sa kanilang buntot.
Hindi sila nag-iisip kung papaano mo magagamit
Ang lahat ng utak, katawan at galaw mo
Upang tayong lahat ay makakatakas sa lawa ng utang.
Wala ka raw talagang alam
Sa pamamahala ng pamahalaan o simbahan.
Mahusay ka lang daw umiyak-iyak, kumirikiri
Kung magbuhol-buhol ang sinulid sa ‘yong habilan.
Kung marami ang nalalaman mo at kung magsalita ka
Laban sa alituntunang sila rin ang may gawa,
Isa kang amasona at dapat lang isilda.
At kung hindi’y miyembro ka ng grupo ni Brainda.
Eva, talagang pantay kayo ni Adan
Sa lahat na lugar, sa lahat na bagay,
Kung bakit mo siya pinagustuhan?
O gusto mo lang talagang pinapaala-ala
Na kung bakit napaupo niya ang leon
Ay ikaw ang kanyang kasama.
Ni Melchor F. Cichon
Dahil hinugot ka lang daw sa tadyang ni Adan
Upang mayroon siyang paglalaruan,
Makwentu-kwentuhan at maparaus-rausan
Sa oras ng kanyang kailangan
Ay marami ng pangalan
Ang kanilang nasulat sa iyong daan:
Salome, Magdalena, Maria Clara, Bagyo Esyang.
Dahil mahina raw ang dibdib mo,
Kahit ‘yong bagyong nakakabuwal ng kawayan
At makalunod ng MV Matibay
Ay pinapangalan pa rin sa ‘yo.
Pero hindi naalaala ng mga lalaki
Na kahit si Mark Anthony
Ay napaikot-ikot ni Cleopatra
Kahit sa labas ng kama.
Hindi nila naalaala na si Gabriela pala
Ang nagpahaba ng daan ni Diego Silang.
At sa Edsa kung hindi ang kabaro mo
Nagtali ng rosas sa dulo ng Armalite ni Ferdie
Ay baka hindi si Cory nakasindi ng kandila
Sa ermita ng Malakanyang.
Mahusay sila magpalamat ng ulo kung papaano
Ka nila mapapasunod sa kanilang buntot.
Hindi sila nag-iisip kung papaano mo magagamit
Ang lahat ng utak, katawan at galaw mo
Upang tayong lahat ay makakatakas sa lawa ng utang.
Wala ka raw talagang alam
Sa pamamahala ng pamahalaan o simbahan.
Mahusay ka lang daw umiyak-iyak, kumirikiri
Kung magbuhol-buhol ang sinulid sa ‘yong habilan.
Kung marami ang nalalaman mo at kung magsalita ka
Laban sa alituntunang sila rin ang may gawa,
Isa kang amasona at dapat lang isilda.
At kung hindi’y miyembro ka ng grupo ni Brainda.
Eva, talagang pantay kayo ni Adan
Sa lahat na lugar, sa lahat na bagay,
Kung bakit mo siya pinagustuhan?
O gusto mo lang talagang pinapaala-ala
Na kung bakit napaupo niya ang leon
Ay ikaw ang kanyang kasama.
Mga
Babae Ng Antique
Ni Melchor F. Cichon
Huwag ng umiyak,
Mga babae ng Antique.
Ang mga luha ninyo’y
Hindi makakapagpabangon
Ng ginoong bumagsak
Sa plasa o sa tarmak.
Sa plasa o sa tarmak.
Huwag ng magpatulo ng luha,
Mga babae ng Antique.
Ang bumagsak na baganihan
Sa plasa katulad ng lalaki
Sa tarmak
Ay hindi Kristo.
Huwag ng umiyak,
Mga babae ng Antique.
Bangon at magmartsa laban
Sa nauupos na liwanag.
Magmartsa laban sa madilim na gabi
Hangga’t umabot
Ang pangkalahatang bukang-liwayway.
Emmanuel
Lacaba
Ni Melchor F. Cichon
Pinagtawidtawid mo ang kagubatan
Kung saan ang kobra at baboy-ramo ay
lipana
Upang isabog ang liwanag na naihip
mo sa Ateneo
At kabigin ang nagngangatngat na kalungkutan ng ‘yong kapwa.
Nilisan mo ang puting-tabing ng
lungsod
At hinanap ang mga bangin
Kung saan ang bala ay nagpapatalim
ng pag-iisip mo.
Kaya lang pinutol ng panahon ang mga
hakbang mo
At baka lumapad ang mapupuntahan mo.
Ngunit ang kalayaan at katarungang
minimithi mo
Ay dininan ang marka.
May kabuluhan ang paglisan mo.
Wala
Nang Hamog ang Madaling Araw
Ni Melchor F. Cichon
Hindi na malinaw
Ang umaga.
Maalinsangan ang panahon
Kahit hindi pa sumisikat ang araw.
Ang hamog na dating
Bumibitin-bitin
Sa dulo ng dahon ng saging
Ay wala na.
Sayang
Hindi ko na siya
Mapupunas sa aking mukha
Upang mapreskuhan
Ang pagod kong isipan
Sa hindi mapigil-pigilang barilan
Sa ating bayan.
Kinukuga ako
Ng malagkit na hangin
Na pumupulupot sa aking leeg.
Ito ba
Ang tubo
Ng pagpapabilis ng makina?
Ito ba ang ipamana natin
Sa ating mga apo?
Ay,
Salamat
Ni Melchor F. Cichon
Ay, salamat
At may binyag na naman
Sa aming barangay—
Makakatikim na naman uli ako
Ng sutanghon at litson
Kahit tira-tirahan na lang.
Lagi na lang kasing galunggong at bagoong
Ang ulan namin ni Nanay.
Ay, salamat
At may libing na naman
Sa aming barangay—
Makakatikim na naman uli ako
Ng libreng siopao
May Coke o Pepsi pang pangtulak.
Lagi na lang kasing linagang kamote
Ang minimiryenda namin ni Nanay.
Dahil kinumbida si Tatay
Ni Hepe M sa Kampo K
Dahil nagpakain daw siya ng limang
taong
May bitbit na sako
At isang taon na siyang
Hindi pa nakakauwi.
At hanggang ngayon ang niyog na
kinukunan niya ng tuba
Ay hindi pa napupuntahan.
Emergency
Room
Ni Melchor F. Cichon
Nang dumating si Rubin sa ospital
Na may Indian pana
Na nakatusok
Sa kanyang dibdib
Ay maingat siyang tinanong
Ng umaangal na admitting clerk.
Pangalan?
Gulang?
Tirahan?
May asawa?
May trabaho ba siya?
May down payment ka bang dala?
Lahat na tanong
Ay nasagot pa rin ni Rubin
Maliban sa huli
Dahil humihingal na siya
At ang balintataw niya’y
Sumisisid na.
Samantala ang doktor
Sa tabi ng pinto
Ay bumubulong
Sa humihigab na nars.
Basura
At Lapad
Ni Melchor F. Cichon
Sige, bilisan mo ang pagdampot
Ng mga lata, karton at papel
Sa linalangawang basurahan.
Pabayaan mo ‘yong mga matang
Tumititig sa ‘yo—
Mayroon din silang
Santambak na basura.
Kung puno na ‘yong sako mo
Ng papel, karton at lata,
Ibinta mo ‘yan kaagad
Dahil ang tatay mo
Sa gumigiray-giray ninyong bahay
At naghahamon na ng away
Dahil ayaw na siyang pautangin
Ng lapad ni nay Pilay
Dahil isang kilometro na raw
Ang inyong utang.
Bakit
Madilim ang Gabi, Inay
Ni Melchor F. Cichon
Inay, bakit madilim ang gabi?
May buwan, Toto, kaya lang
tinatakpan ng ulap.
Inay, bakit madilim ang gabi?
May bombilya ang Meralco,
Kaya lang may brown-out.
Inay, bakit madilim ang gabi?
Sinisindihan ko ang ating kingke,
Kaya lang pinapatay ng hangin.
Inay, bakit madilim ang gabi?
Toto, matulog ka na lang kaya,
Baka bukas maaga pa sisikat ang araw.
Hindi, ‘Nay!
Sisindihan mo muli ang ating kingke.
Pagtulak
ng Gabi
Ni Melchor F. Cichon
Makikita mo siya
Sa punit-punit na damit, nakapaa
Tumutulak ng kilu-kilong kareto
Upang mabuhay ng marangal
Sa bulag na syudad.
Sinisindihan niya ang kanyang kingke
Upang itulak ang gabi,
Kaya lang laging pinapatay ng
hangin.
Katulad ng kanyang kareto,
Tuloy ang pagsisindi niya,
Tuloy ang pagtutulak ng gabi
Upang marating niya ang
bukang-liwayway.
Lorna
Ni Melchor F. Cichon
Dalawin mo ako pagkalipas ng
takip-silim.
Ngunit huwag kang magdadala ng rosas
O kandila.
Sapat na na naala-ala mo
‘Yong hapon ng Linggo sa Pastrana
Park
Kung saan mo hinalikan
Ang nanginginig kong mga labi.
Kung sakaling dumating ‘yong panahon
Na ako’y hahalik sa damo
At maging bahagi ng lupa,
Huwag mo akong aawitan ng Ave Maria.
Ang punong chico,
Kung saan natin tinanim ang ating
sumpaan,
Ay lalanta.
Sapat na maalaala mo pa
Ang hapon ng Linggo
Sa Pastrana Park
Kung saan mo pinunasan ang malamig
kong mga labi
Ng itim mong bandana.
Paalam!
Para Kay Lorena
Ni Melchor F. Cichon
Ang balang tumagos sa hininga mo
Ay hindi
Nakapigil sa iyong paghinga. Buhay ka
pa ring
Katulad ng mga rosas na namumulaklak
Sa aking harden. Ang tinik mo
Ay nariyan pa rin, kaya lang
Bumaluktot. Naamoy ko pa rin ang
samyo mo
Kahit isang kilometro ang layo.
Pareho pa rin ang bango
Na naghasa sa kasamahan mo
Sa pagtatawid ng mga bangin.
Nagkamali ang mga kaaway mo
Sa pagsasabi na pinatikom ang iyong
mga labi.
Nanaginip sila.
Nakatikom nga ang iyong mga bibig
Ngunit ang boses mo ay
umaalingawngaw.
Malakas, ang pagpipiga
At pagpupulupot
Ng ating kababayan.
Kaya lang ang mga pinuno nati’y
Hindi nakakaramdam sa ating mga
sakit.
Abalang-abal sila
Sa paghahanda
Sa susunod
Na halalan.
Sa Mga Nabaling Silahis
Ni Melchor F. Cichon
Inay, pwede na ba tayong magpamisa?
Total umaambon na at ang baha’y wala na sa kalsada.
Ang kidlat na minsang humiwa ng langit ay napatay na.
Ang kulog na noo’y bumabayo sa aking dibdib ay tumahan na rin
At ang dalampasigang nagwawala noo’y naghihilik na.
Ang bahagharing nagtatago sa kidlat at sa signal number 5 na hangin
Ay ngumingiti na sa silangan.
(Magkano na nga ba ang bayad sa misa rikyem?
Si Padre Salve ba’y humihingi pa rin ng down payment
Bago niya isuot ang kanyang sutana?)
Suyurin natin sa kalsada, sa taniman, sa kagubatan
Yaong mga silahis na nangagkabali, nangagkahulog
Sa paglusot sa makapal at maitim na ulap
Mahasikan lang tayo ng liwanag.
Kapag nakita natin sila
Handugan natin sila ng sariwa’t bagong pamukadkad na sampaguita.
Kung may maipon na tayong pera,
Patayuan natin sila ng granating rebolto sa plasa.
Toto, huwag muna tayong magpamisa.
Ang bukangliwayway ay rumagagiit pa
At ang kalangitan sa gilid ng abot-tanaw
Sa paglubog ng araw ay mapula-pula pa.
Bukod rito, bumabaha pa ang dagsa sa karsada at sa plasa.
Hindi raw ito malinis ng Metro Aide
Dahil sinipa na sila,
Dahil ang nakalaang sahod nila’y
Ipinasok sa bulsa ng iba.
Sa Mga Nabaling Silahis
Ni Melchor F. Cichon
Inay, pwede na ba tayong magpamisa?
Total umaambon na at ang baha’y wala na sa kalsada.
Ang kidlat na minsang humiwa ng langit ay napatay na.
Ang kulog na noo’y bumabayo sa aking dibdib ay tumahan na rin
At ang dalampasigang nagwawala noo’y naghihilik na.
Ang bahagharing nagtatago sa kidlat at sa signal number 5 na hangin
Ay ngumingiti na sa silangan.
(Magkano na nga ba ang bayad sa misa rikyem?
Si Padre Salve ba’y humihingi pa rin ng down payment
Bago niya isuot ang kanyang sutana?)
Suyurin natin sa kalsada, sa taniman, sa kagubatan
Yaong mga silahis na nangagkabali, nangagkahulog
Sa paglusot sa makapal at maitim na ulap
Mahasikan lang tayo ng liwanag.
Kapag nakita natin sila
Handugan natin sila ng sariwa’t bagong pamukadkad na sampaguita.
Kung may maipon na tayong pera,
Patayuan natin sila ng granating rebolto sa plasa.
Toto, huwag muna tayong magpamisa.
Ang bukangliwayway ay rumagagiit pa
At ang kalangitan sa gilid ng abot-tanaw
Sa paglubog ng araw ay mapula-pula pa.
Bukod rito, bumabaha pa ang dagsa sa karsada at sa plasa.
Hindi raw ito malinis ng Metro Aide
Dahil sinipa na sila,
Dahil ang nakalaang sahod nila’y
Ipinasok sa bulsa ng iba.
Toto, mabuti pa’y magdasal na lang muna tayo
Na ang nakalusot sa silahis
Sa maitim at makapal na ulap
Ay hindi tumusok sa ating puso.
Na ang nakalusot sa silahis
Sa maitim at makapal na ulap
Ay hindi tumusok sa ating puso.
No comments:
Post a Comment