O, Sanlibutan
Ni Melchor F. Cichon
February 23, 2016
Ilang siglo na ba ang
nakaraan
Nang ipako si Ginoong Hesus
sa krus?
Ilang siglo na rin ba ang
nakaraan
Nang mangako ang sanlibutan
Na ituwid ang kanyang daan?
Na ituwid ang kanyang daan?
At dito sa ating bayan,
Naglipana na rin ang mga
simbahan,
Nguni’t dumobli naman
Ang mga magnanakaw,
Ang mga snatser,
Ang mga holdaper,
Ang mga patayan,
Sa kabayanan man
O sa kabundukan.
Ang mga Eva at mga Magdalena
ba’y
Nabawasan na sa mga bahay-aliwan?
Nabawasan na sa mga bahay-aliwan?
Dumami pa yata
Ang nagsasamang mga Adan
Sa kapwa Adan?
Nadawit tuloy si Manny
Pacquiao
Sa usaping pangmamahalan.
O sanlibutan, kailan ba natin
bubunutin
Ang mga pako
No comments:
Post a Comment