Total Pageviews

Search This Blog

Thursday, August 31, 2017

Selfie

Selfie
Melchor F. Cichon

Ipagbabawal ang selfie sa Pilipinas
Dahil hindi dapat makikita ni Juan
Na si Tongressman ay nagbubulsa
Ng pera ng bayan.
Dahil ayaw ni Tongressman
Na makita ni Juan
Na lumolubo
Ang kanyang tiyan
Samantalang si Juan
Ay nagiging buto't balat na lamang.
Pero kung sakaling
Magiging batas na
Ang panukalang Anti-Selfie sa Pilipinas,
Dapat ipagbabawal na rin ang pagbibinta
Ng mga cellphone at CCTV
Sa ating bayan.

Pero dapat dagdagan pa ang pundo
Ng PORK BARREL
Para lalong tumaba ang mga ginuong baboy
Sa ating tangkal.
August 31, 2014

No comments: