Aklanon Anagram
compiled by
Melchor F. Cichon
updated: September 11, 2013
as of May 26, 2015, 5:15 p m
abo—much;oba—undress
abot,toba;
aeam, maea;
aha--aha
ahas (to take out)-saha ( banana seedling)
ahat--taha
akab-- baka;
akop (greedy), poka;
alas (ace), sala;
alila--alila
amat-- tama
atab--bata
apa--apa
awat - taw-a
baka--akab
bakog--gokab
bueboe--eobeub
bueog--goeub
bugas--sag-ub
bukoe--eokub
busoe--eosub
butbut-- tubtub
didi--id-id
dikdik--kidkid
dilap--palid
eapus--supae....
eook--kooe
gisi--isig
gubat--tabug
guhab--bahug
gusi--isug
ilis--sili
iwag--gawi
kara--arak
kasae--easak
kueob--boeuk
kuto--otuk
maea--aeam
mue-a-- to recognize a-eum—mole
ogis--sigo
opis--sipo
pispis—bird; sipsip--sip
pitad (to store grain)-dapit (to perry across)
saeok--koeas
sapsap--paspas
sara--aras
siki--ikis
sitsit--tistis
sita (appointment), atis;
suea--viand, ea-us--sorethroat
sueog--goeus
sugod--dogus
sukoe--eokus
suksok--koskus
tapis--sipat
tiktik--kitkit
tueo--oeut
tueop--poeut
uli--ilu
utoe--eotu
um-um ( to suck on) --mumu (ghost)
wakwak--kawkaw
Tuesday, May 26, 2015
Monday, May 25, 2015
Sunday, May 24, 2015
Luwa in Aklan, May 24, 2015
Luwa in Aklan
Ni
Melchor F. Cichon
May 24, 2015
We can say that luwa in Panay came into being during the
Spanish period. My father told us, his children, that his mother
used to recite luwa during the wake. She was born during the
Spanish-American war. When she died at the age of 104 in the early 1970s, the
teenagers in our neighborhood played bordon and recited luwa during her wake.
Since most of the luwa then were bawdy and humorous, we the audience along with
the participating group would laugh. Of course, bordon was just one of the
games being played during the wake. We used to play, Truth or
Consequence, using an empty bottle, and the loser was asked to do
something, like kissing his girlfriend or boyfriend if he or she happened to be
around.
During funerals, the people more particularly in Lezo, Aklan, were generally solemn. Humorous stories and jokes were taboo during the funeral march. The people usually talked on the experiences they have had with the deceased. Or about politics and their economic situations. The music being played during the funeral march were also solemn. The song Ave Maria was generally being played during the funeral march from the house of the deceased to the church for the mass, and again from the church to the cemetery. It is only during the wake when the people play parlor games to help the bereaved family cope with their sadness. It is during this time when luwa are recited.
A luwa is a form of poetry that is usually written in four lines. It used to be the first stanza of corrido, that kind of poetry that relates the exploits of kings and princesses. There are also luwa that are longer ones. There are also luwa that are used to get the hands of a lady. This is known as enamoracion.
It is said that it is not advisable to recite luwa if one is not in the wake, because it is believed that a member of the family will die if this is done not in its proper place.
Because luwa were recited in wakes as part of a punishment to whoever is the loser in a game like konggit, truth or consequence, bordon, it is very much appreciated if the lines have rhymes, rhythms, and humor. This is one reason why there are nonsense luwa. The rhythms are not consistent though, but there are a lot of luwa that have rhymes. These include luwa with aaaa, aabb, abab patterns.
There
are also some luwa that have abcd endings.
Here
are examples:
Example
of a luwa with an aaaa rhyme:
Pag-agto ko sa Ibajay,
May
hakita ako nga patay;
Ginbagting
ko ra eagay,
Mas
mabaskog pa sa lingganay.
Here you will notice that the endings of all lines are in ay.
For the aabb example:
Pag-agto ko sa bukid
Nakakita ako it ibid;
Paglingot ko sa waea
Gatueok kakon rang nobya.—Melchor F.
Cichon (MFC)
Here the first and second lines end in id, while the third and fourth lines end in a.
Here is another ending. The abab:
Igto sa bukid,
May
busay nga naga-ilig;
Kon
magpaligos igto si Ismid,
May
daeang butong nga binulig. --MFC
There
are luwa with Spanish and English words.
Paris it navagante
Sa
tunga it travisya
Kinueabos
rang suwerte
Hay
gulpi nga nagisgrasya.
***
Igto
sa bukid
May
kwarta nga nagaligid
Nagaligid-naga
roll
Dumiretso
sa waterfall.
There are other luwa that are bawdy, but full of imagery. Here is an example:
Pag-agto ni Inday sa Boracay
Napusa
ro anang tuway;
Pagkasayod
ka anang nanay,
Ana
imaw nga ginminueay.-- MFC
For a nonsense luwa here is a classic example:
Secut erat en principio
Bisan
libat basta gwapo;
En
principio secut erat
Gwapo
pero libat.
Secut erat is a Latin word that means Glory be, a Catholic prayer.
Here are other nonsense luwas:
Nag-agto ako sa Navas
May hakita ako nga bayawas;
Akon nga ginpaeas,
May nahueog nga sibuyas.
There are luwa that have double meanings. These are the luwa that belong to the adults, if they can decipher the meaning. Here is an example:
Maligos ako kunta
Sa
maisot mo nga sapa
Ugaling
ro kinasaea
May
guardia civil sa tunga.--MFC
There are luwa that are really metaphysical. Here is one:
Ako mangunguma nga taga-Lezo
Maagto
sa eanas agod mag-arado
Rang
saeaburan puno’t bungot-bungot
Rang
mabuot nga arado, indi magdueot kon indi magtindog.-- MFC
***
Ako
si Haring Marikudo
Manugtanum
it amamakoe
Pero
ro gusto-gusto gid ni Inday kuno
Amamakoe
nga sukoe.-- MFC
***
Kon
gusto mo gid man ako
Nga
mangin nobya mo;
Ro
adlaw imo nga tukuran
Agod
indi kita madueman.
Some of the topics being touched in luwa are love, death, courtship, sorrows, happiness, desires. disasters, anything and everything under and above the sun.
What
is the difference between the old and the new luwa? In terms of subject matter,
number of lines, number of syllables per line, the same.
Perhaps, until proven otherwise, the contemporary luwa have wider scopes like tsunami, and politics, and snows since some of the poets are college trained and have gone to different countries like Canada, America, Switzerland and Germany.
From the luwa that I heard and gathered, I noticed that politics is not given so much importance.
This
is one aspect of luwa that should be looked into. I know that luwa like any
other poetry can be used to dissect our society, including our politics.
Luwa is dying in Aklan. In fact many of our martial law babies have not heard of luwa.
But luwa is not only confined in Aklan. This was also common in Iloilo, Capiz, Antique, and Guimaras.
Because of this, I wrote luwa. These can now be read in my website: http://aklanonlitarchive.blogspot.com/2006/10/mga-luwa-ni-tay-itsong.html.
In the book, which I helped edited, Haiku, Luwa and Other Poems by Aklanons, 2005, about a hundred of luwa are published.
Luwa writing is easy. Just remember these:
1. Focus on one subject.
2.
If possible, inject humor in your
luwa.
3.
Try to use rhyme and meter if
possible.
4.
Maximize the use of the various
figures of speech.
5.
Be careful with your spelling.
Prefixes should be attached to the root words, like pagbakae, ginsueat, etc.
Remember the rule on the use of ko and ku.
6.
Read and write luwa. There is no
other way to learn how to write luwa but to write it yourself.
Sa Puno Sang Kawayan
Sa Puno Sang Kawayan
Ni
Melchor F. Cichon
May 24, 2015
Ugsad. Alas dos sang
kaagahon.
Sa tubaan ni Nay Pilay,
nagkasugot ang mag-abyan nga si Obet kag si Edgar nga mangharana sila sa balay
ni Thelma sa Ubos. Bag-o lang siya nagpauli halin sa Manila. Third year
BS Biological Science siya sa Adamson University. Ugaling
nagdesisyon nga mag-uli sa Lezo, Aklan kay ginapangluyagan kuno siya sang isa
ka kapre. Bangod sini, nagpauli na lang siya sa Aklan. Sa Aklan Catholic
College na lang niya kuno padayunon ang iya pagtuon.
Samtang galakat sila pakadto sa
balay ni Thelma, isa ka maitum nga lalake ang nagsugata sa ila kag nagpaandam nga indi gid
sila magkadto sa balay ni Thelma. Kag basta na lang ini nga nadula
Ginbalewala ini nanday Obet kag
ni Edgar.
Pagkatapos sang ila pagharana,
nagpauli sila. Apang pag-agi nila sa may puno sang kawayan, gulpi nga naghapay
ang isa sini kag nagbalabag sa ila pala-agyan. Kag may nabatian sila nga
mabaskug nga tingog.
“Ano ‘to?!”, ang kuros sang
duha.
Bangod pwede nila malakdan ang
kawayan nga nagabalabag sa dalan, naglak-ang una si Obet. Apang gulpi man ini
nagtabyog. Napapungko si Obet sa kawayan. Maayo kay nakakapyot siya sa
salingsing sang kawayan, kag nakabalanse siya. Sang sa ibabaw na siya, naghambal
ang kapre sa iya: “Ginpaandaman ta na gid nga indi ka magkadto kay Annie bangod
asawa ko na siya, waay ka gid nagpati sa akon. Busa, subong, itiklod kita para
madudla ka!"
Kag ginlugos sang kapre ang gitara kay Obet kag ginbali ini.
Kag ginlugos sang kapre ang gitara kay Obet kag ginbali ini.
Nagpakitluoy si Obet:
“Maluoy ka sa akon. Ipanaog mo na ako. Promise, indi na gid ako magkadto-kadto
kay Thelma.”
Amat-amat nga ginhapay
sang kapre ang kawayan. Lumokso si Obet sa duta. Gintawag niya si Edgar
apang nagpalagyo na siya pabalik sa balay ni Thelma.
Sunday, May 17, 2015
Silakbo
Silakbo
Ni Melchor
F. Cichon
Revised:
May 17, 2015
"Isang dalaga ang nakitang
patay malapit sa isang imburnal sa Jaro. Ang bangkay ay nakasilid sa
sako..."
Ito ang mga salitang gumulat sa akin
mula kay Agent K ng Bombo Radyo pagkatapos kong buksan ang radyo sa utos ni
Nanay.
"Lintik na babae 'yon a, alas
siyete na ng gabi, hindi pa umuuwi," mula sa bibig ni Nanay.
"Sabi niya kaninang umaga, bibili lang daw siya ng libro tungkol sa mental
health pero hindi naman siya dumaan sa opisina ko kaninang hapon upang kunin
ang pera."
Isang clerk si Nanay sa munisipyo ng
Lezo. Kwarinta anyos na siya. Hanggang
balikat ang buhok niya at laging pustora kung pumapasok sa opisina.
“Baka may pinuntahan lang si Inday,
‘Nay,” sabi ko.
Nag-aaral
si Inday sa Iloilo National High School. Fourth year. Irregular. Bumagsak siya sa
kanyang math at geometry noong nakaraang taon. Noong nakaraang taong ding 'yon, siya ang editor-in-chief
ng kanilang school organ.
Kung
minsan sinasabi niya sa akin na hindi raw siya makapag-aaral sa bahay dahil
walang preno kung pinapagalitan ni Nanay. Kahit sa oras ng pagkain. Para maiwasan ang gulo, hindi
na lang kami sumasabay sa kanya sa pananghalian at hapunan. Kesyo hindi raw kami nag-aral. Kesyo alas-otso pa lang ng gabi, matutulog na kami. Pero kung Sabado ng gabi, kahit tumitilaok
na ang mga manok, nakatunganga pa rin kami sa computer. Kesyo hindi raw kami nagigising kung hindi
gigisingin. Kesyo doon pa lang kami lalabas ng kwarto kapag nakahanda na ang pagkain sa
lamesa at mag-uunahan sa CR kapag tapos na kaming kumain. Sayang lang daw ang ginagasta
niya sa aming pag-aaral. Parang wala daw kaming utang na loob sa kanya. Kung
iisipin naming mabuti, medyo may dahilan din naman si Nanay sa pagsesermon
sa amin. 'Yon nga lang, asiwang-asiwa na
si Inday sa bunganga ni Nanay.
"Itsong!" tawag sa akin ni
Nanay. "Silipin mo nga sa bintana kung dumating na ang malditang 'yon.
Malilintikan sa akin 'yon pagdating niya."
Tiningnan ko kung nariyan na si
Inday.
"Wala pa, Nay."
Bumaba
ako ng bahay at pumunta sa bandang kalsada. Mga kinse metro siguro ang
distansya magmula sa bahay namin. Nasa loob-looban pa kasi ang aming bahay at
tinatabunan pa ng mga punong saging. Tiningnan ko ang kalayuan ng kalsada.
Ngunit wala akong nakitang Inday. Si Lola Weta, ang nakita ko, ang Nanay ni
Nanay.
"Bakit narito ka pa sa kalsada?
Gabi na a," tanong ni Lola Weta. Inabot ko ang kanyang kanang kamay para magmano.
"Kaawaan ka ng Diyos."
"Tinitingnan ko kung dumating
na si Inday. Hindi pa siya nakauwi. Galit na si Nanay."
"Bakit, saan ba nagpunta si
Inday?"
"Ewan ko."
"Bakit? Pinagalitan na naman ba
siya ng Nanay mo?"
"Ewan, hindi ko alam."
May humintong traysikad malapit sa
amin.
"O, hayan na pala siya."
Sinalubong ko si Inday.
"Hala ka, Inday," sabi ko.
"Papagalitan ka ng Nanay. Gabi ka na sa pag-uwi." Inakbayan lamang
ako ni Inday at hinalikan sa pisngi.
“Mukhang mabango ka ah,” sabi ni
Inday. “Nakipag-inuman ka na naman ba?”
“Oo, pero isang lapad lang naman
yon. Kaarawan kasi ng katropa ko, si Budoy.”
"Ay! si Lola Weta pala!
Magandang gabi, po. Mano po."
"Kaawaan ka ng Diyos,"
sambit ni Lola Weta. "Saan ka ba galing at ginabi ka?"
"Sa kaklase ko. May ginawa kasi
kaming assignment."
"Pagpasensiyahan mo na lang si
Nanay mo, baka may problema lang."
"Opo, Lola."
"O, sige umuwi na kayo."
"Bye, Lola. Tayo na,
Tsong."
Pagdating ng pagdating namin sa
bahay, pumutok agad ang bulkan ni Nanay. Umupo ako sa sopa, si Inday ay
nanatiling nakatayo, malapit sa akin. Hinubad niya ang kaniyang sapatos.
Nakasabit pa rin sa balikat niya ang kanyang bag.
"Ay,
naku babae ka! Ayaw mo talagang sumunod sa mga sinasabi ko, ha? Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay
sa iyo? Akala namin may masamang nangyari sa iyo. Alam mo rin siguro na marami
nang mga babaing niri-rape ngayon at inilalagay sa sako pagkatapos patayin!
Gusto mo bang mangyari din yan sa iyo? Gawin mo pa ito uli at ako na ang
maglalagay sa ‘yo sa sako. Alam ko pa kung saang lupalop kita pupulutin."
Tahimik lang si Inday.
Pero nagbuga uli ang bulkan ni
Nanay.
"At ano yong nabalitaan ko kay
Mareng Pilay sa madyungan na naglandi ka raw sa plasa noong nakaraang araw?
Hoy, babae! Hindi ka pa nga marunong
magsaing, nagkipagkiringking ka na!"
Binagsak ni Inday ang kanyang bag
sa sopa. Kumalat ang mga lamang libro at bolpen.
"Aba! Aba!" patuloy ni
Nanay. "Aba, at ikaw pa itong matapang ha! Lumapit ka nga dito at
hihilahin ko 'yang bibig mo."
Hindi tuminag si Inday sa kanyang
kinatatayuan. Pero nakita ko ang pagpula ng kanyang mukha.
"Sa
totoo lang, Nay, asiwang-asiwa na talaga ako sa bunganga ninyo. Tantanan na
ninyo ako para makapagpahinga na ang utak ko. Hindi pa nga ako nakaupo niratrat
na ninyo ako. Hindi pa nga ninyo alam kung saan ako galing, siningalan na ninyo
ako agad. At tungkol sa sumbong ni Nay Pilay, hindi 'yan totoo. Ang totoo ay
may gusto sa akin ang kanyang anak na si Rey, pero hindi ko naman siya gusto.
Hay skul pa nga lang ako. Ano ako, karneng kaladkarin? Manigas siya! Siguro
nagsumbong ang mabait niyang anak sa kaniyang Nanay na may dilang butiki at ganoon
na lang ang arangka niya sa inyo. At ganoon din ang paniwala ninyo sa kanya."
"Siya, siya, totoo man o hindi
basta ang gusto ko'y umuwi ka nang maaga para hindi kami mag-alala sa yo.
Tapos!"
"Pero, Nay, intindihin rin
ninyo ang aking sitwasyon. Kung umuuwi ako nang wala sa tamang oras, huwag
ninyong isipin kaagad na naglalandi ako. Alam ninyo namang wala kayong
cellphone o telepono man lang sa bahay,
paano ko sasabihin sa inyo na may importante akong pupuntahan? Okey lang sana kung may sobra ang aking baon
pwede akong umuwi rito at magpaalam. Umiinom na nga lang ako ng tubig para
itulak ang meryendang banana-q para may pambili ako ng hand-outs sa klase. At
kung magpaalam ako, hindi ka naman papayag."
"Bakit hindi kung sa ikabubuti
mo rin."
"Para rin naman sa kabutihan ko
ang pinuntahan ko kanina. Ginawa namin ng kaklase ko ang assignment namin sa
physics. Alam mo namang mahina ako sa subject na 'yon. Kung narito sana si
Tatay matutulungan niya ako. Pero wala siya. E, sino ang hihingan ko ng tulong?
Siyempre ang kaklase ko. Alangan namang sa inyo ako patutulong eh English naman
ang major ninyo. At kung dito ko gagawin sa bahay, hindi rin ako maka-concentrate dahil pangaral kayo
nang pangaral. Kung may bisita lang tumatahimik ang bahay natin. Pero kung
wala..."
“Anong malay ko. Wala naman ako roon
sa pinuntahan mo! Isa pa, babae ka!”
“Kaya pala. Eh, ano naman kung babae
ako? Porke, babae, hindi na ako
makakalakad? Yan ang hirap sa atin dahil kung babae ka, halos tatalian ka na. Ano na lang ang
mangyayari sa atin kung palaging sa
bahay ang mga babae? Dahil dyan, hindi
na tayo umuunlad, dahil hindi natin binibigyan ng pagkakataon
ang mga babae na ipakita ang kanilang kakayahang ipaglaban ang kanilang
karapatan. Yan nga ang dahilan kung
bakit ako’y nag-aaral para makatulong sa pag-unlad natin. Ngayon, tatalian mo ako? Ay, naku! Tapos na ang oras ng mga binukot.
Nakarating na ang mga tao sa buwan!”
“Anong tinatalian? Gusto ko lang
naman na umuwi ka ng mas maaga para makaiwas ka sa disgrasya. At makatulong ka sa
paghahanda ng ating hapunan.”
“Pero nag-iingat din naman ako, ah.”
“Basta gusto kong umuwi ka ng maaga.
Kailangan sa bahay ka na bago mag-alas sais. Alam mo ring pagod din ako sa
pagtatrabaho. Pagdating ko, ako pa ang nagluluto. Pero kung narito ka,
mabawas-bawasan ang mga gawain ko.”
“O, sige alas sais kung alas sais.”
“Pero paglampas ng alas sais at wala
ka pa rin, sa labas ka na ng bahay matutulog! At kapag may nangyari sa ‘yo,
huwag na huwag kang humingi ng tulong sa akin, ha!”
Uminit ang ulo ko sa walang
katapusang debate nilang dalawa.
“Pwede ba,” sabi ko, “tapusin na ninyo yang diskusyong
yan. Kung hindi, malilintikan kayong lahat sa akin.”
Tumahimik na lang si Inday. Umakyat
siya sa kaniyang kuwarto. Hindi na pinulot ang itinapong bag. Binuksan ang
pituan at saka sinara ng malakas.
“Maldita talaga!” sambit ni Nanay.
“Itsong, pulutin mo nga ang mga
gamit ng maldita at dalhin mo yan sa kanya.”
Pinulot ko ang mga nakakalat na mga
libro at bolpen. Ipinasok ko sa bag at saka dinala kay Inday.
“Day.”
Hindi sumagot si Inday. Narinig ko
ang kaniyang hikbi.
“Day.”
“Pasok. Bukas ‘yan.”
Pumasok ako. Bumangon siya at umupo
sa kanyang kama. Nang umupo ako sa tabi
niya, niyakap niya ako.
“Day, huwag ka nang umiyak. Ganoon
naman talaga si Nanay. Mahal ka noon, Hindi lang niya sinasabi.”
“Pero, Tsong, hindi naman ako
naglalakwatsa at naglalandi.”
“Oo, alam ko. Naniniwala ako sa ‘yo. Huwag ka nang umiyak.”
“Sige,” sabay tapik sa aking
balikat.
“Pero ayaw kong pinapapagalitan ako
ng walang kasalanan. Mabuti pa noong narito pa si Tatay, hindi
nag-aapoy ang ulo ni Nanay. Palaging nakangiti. Palagi pa tayong
nagpupunta ng SM tuwing linggo saka kumakain ng ice cream. Kung bakit
kasi nagtrabaho pa si Tatay sa Saudi. Hindi naman tayo kinukulang ng pagkain."
“Oo nga. Ang masama pa'y palaging
nagmamadyong si Nanay. Kung bakit naman kasi tinuruan pa ni Nay Sayong si Nanay
na magmadyong.”
“Lalo na siguro ngayong hindi nakapagpadala
ng pera si Tatay. Yan siguro ang dahilan kung bakit palaging mainit ang ulo ni Nanay.”
“Baka nga. Pero ‘Day, dapat pa rin
nating tandaan ang bilin ni Tatay bago siya umalis na tulungan natin si Nanay,
ha?”
“Sige, ah.”
Nag-apir kami ni Inday. Tumayo ako
at humakbang na palabas ng kuwarto niya. Pero may pahabol si Inday sa akin.
“Tsong, kung uuwi ako ng lampas sa
alas sais, ikaw ang magbubukas ng gate ha?”
“Ang lagay ba naman, eh.”
Tinapik ako ni Inday sa braso.
KINABUKASAN. Alas kwatro pa lang, gising na si Inday. Nagsaing
siya at naglaga ng itlog. Nang maluto, nag-almusal siya at agad umalis
papuntang paaralan. Sabi niya sa akin
may oratorical contest daw sa distrito ng kanilang paaralan. At siya ang napiling kinatawan
ng kanilang paaralan.
Sa araw na yon ay maaga rin akong kumain. Pinuntahan ko si Tito Ulding, matandang kapatid ni Nanay, upang humingi ng pera para sa project ko sa Geometry. Hindi na ako nagpaalam kay Nanay. Mainit pa ang ulo ko sa kanya.
Pagbalik ko sa bahay pagkahapon,
wala si Nanay. Noon, pagdating ko, ay naroroon na siya sa bahay nagluluto ng aming hapunan. Pinuntahan ko ang bahay ni Nay Osang kung saan siya nagmamadyong.
Wala siya roon. Kinabahan ako. Tumuloy
ako sa bahay nina Lola Weta. Sinabi niya sa akin na nasa Kalibo si Nanay, doon
sa Tumbukon Memorial Hospital. Nabanggaan daw siya ng traysikol pagkaalis niya
sa bahay nila Lola Weta. Hinatid niya raw si Nanay sa ospital sa Kalibo.
Tumakbo ako pauwi ng bahay, at
biniak ko ang aking alkansya sa dingding ng aming bahay.
At dali-daling sumakay ng dyip
papuntang Kalibo. Pagdating ko ng Kalibo’y sumakay ako agad ng traysikol
papuntang ospital. Pagdating ko roon ay naroon na rin si Inday. Sinabihan raw
siya ng kanyang klasmeyt. Bitbit nya ang kanyang trophy. Ang kanang paa ni
Nanay ay nakabitay dahil may sugat.
“Nay, anong nangyari?” tanong ni
Inday. “Akala ko’y magsasaya tayo dahil may trophy akong ipapakita sa inyo. Nanalo
ako ng first prize sa isang oratorical contest kanina.”
Ngumiti si Nanay. Hinawakan ng
mahigpit ang palad ni Inday. At agad nagsalita.
“Pumunta ako kina Lola Weta mo.
Humingi ako ng tulong dahil wala na tayong pambili ng bigas. At binigyan naman
niya ako, kaya lang may dagdag na sermon. Hindi kasi ang Tatay mo
ang gusto ng Lola Weta mo. Bukod sa lasinggero, palikiro pa. Yan ang iniisip ko habang tumatawid ako ng kalsada. Hindi
ko napansin na may humahagupit palang traysikol. At nabanggaan ako. Natumba ako. At napansin kong hindi ko kayang tumayo ng mag-isa. Mabuti na lang at huminto ang trasikol at nakita ako ng Lola Weta mo. Dinala nila ako sa ospital.”
Tiningnan ako ni Nanay.
“Saan ka ba pumunta kanina? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin.”
“Nagmamadali kasi ako. Pumunta ako kina Tito Ulding para humingi ng pera pasa sa project ko sa skul.”
“Kamusta ang lakad mo?”
“Mabuti naman. Binigyan niya ako
ng isang daang piso.
Ngunit gagamitin natin ito sa pambili ng gamot mo. Mabuti’t hindi ko pa
nagamit. Binuka ko rin ang alkansya ko.
Ito, may singkwinta pesos ring laman.”
“Oo nga pala, Nay”, dagdag ni Inday,
“may premyo pala akong pera, maliban sa trophy. Limang daang piso rin ito. Gagamitin din nating pambili ng mga gamot mo.”
Tumulo ang luha ni Nanay. Pinahiran
ito ng tissue paper ni Inday.
“Salamat mga anak. Baka bukas
makalawa, makakauwi na rin ako. Pakiteks na lang sa Tatay ninyo tungkol sa aking
kalagayan.”
“Opo, Nay,” ang sabay naming sagot
sa kanya.
Subscribe to:
Posts (Atom)