Total Pageviews

Search This Blog

Saturday, December 31, 2016

Ikaw Pa Rin Ang Minimithi Ko



Ikaw Pa Rin Ang Minimithi Ko
Ni Melchor F. Cichon

Sabi ko
Buburahin ko na yaong mahapdi kong kahapon,
Subalit kapag nakikita ko ang paglubog ng araw
At ang pagsilang ng buwan,
Maalala ko pa rin
Yaong takipsilim
Sa baybayin ng Luneta at sa Boracay
Kung saan natin hinabi
Ang ating maparaisong pag-ibig.
Sabi ko
Makakatagpo pa rin ako
Ng kahalili ng pagmamahal mo,
Kaya lang hanggang pangarap lang naman ito,
Dahil ikaw pa rin
Ang minimithi ko,
Dahil ikaw pa rin
Ang pinapangarap ko
Hanggang lumubog
Ang araw ko.

Kailan Ko Ba Isusulat?

Kailan Ko Ba Isusulat?
Ni Melchor F. Cichon
revised version


Kailan ko ba isusulat
Ang pagpahayag ng pagmamahal ko sa ‘yo?
Isusulat ko ba ito sa bawat pagsilang ng araw?
O kung umaawit ang mga kuliglig?
Siguro isusulat ko ito sa kabilugan ng buwan
At kung naghihilik na ang karagatan,
At kung ang baybayin ay hinahalikan ng dagat.
O isusulat ko ito bago lumitaw ang bagong buwan
At kung humihikbi ang karagatan?
Isusulat ko ba ito kapag
Ang Amihan ay nagpapalamig ng aking kape
O kaya’y kapag bumalik si Bagyo Frank
At magsisimula sa pagpupunit-punit
Ng mga tarpaulin ng mga pulitiko?
Siguro isusulat ko ito kung katabi kita
Sa Tawaya o sa Manduyog Hill.
O siguro kung hinihiwalay tayo ng karagatan
Habang tinutokhang ang mga durugesta?

Kung ano pa man, Pilma,
Mamahalin pa rin kita
Bago magsilang ang araw
Hanggang sa susunod na pagsilang nito.
At mamahalin pa rin kita
Hanggang sa paglubog ng araw ko
Kaya't hindi na kailangang
Isulat ko pa ang pagmamahal ko sa 'yo
Dahil ikaw at ikaw lang ang minimithi ko.


***
Kailan Ko Ba Isusulat?
Ni Melchor F. Cichon
December 31, 2016

Kailan ko ba isusulat
Ang pagpahayag ng pagmamahal ko sa ‘yo?
Isusulat ko ba ito sa bawat pagsilang ng araw?
O kung umaawit ang mga kuliglig?
Siguro isusulat ko ito sa kabilugan ng buwan
At kung naghihilik na ang karagatan,
At kung ang baybayin ay hinahalikan ng dagat.
O isusulat ko ito bago lumitaw ang bagong buwan
At kung humihikbi ang karagatan?
Isusulat ko ba ito kapag
Ang Amihan ay nagpapalamig ng aking kape
O kaya’y kapag ang Signal Number 4 ng bagyo
Ay nagsisimula nang pinupunit-punit
Ang mga tarpaulin ng mga pulitiko?
Siguro isusulat ko ito kung katabi kita
Sa Tawaya o sa Manduyog Hill.
O siguro kung hinihiwalay tayo ng karagatan.
Kung ano pa man, Pilma,
Mamahalin pa rin kita
Bago magsilang ang araw
Hanggang sa susunod na pagsilang nito.
At mamahalin pa rin kita
Hanggang sa paglubog ng araw ko
Kaya't hindi na kailangang
Isulat ko pa ang pagmamahal ko sa 'yo
Dahil ikaw at ikaw lang ang minimithi ko.


***

Kailan Ko Ba Isusulat?
Ni Melchor F. Cichon


Kailan ko ba isusulat
Ang pagpahayag ng pagmamahal ko sa ‘yo?
Isusulat ko ba ito sa bawat pagsilang ng araw?
O kung umaawit ang mga kuliglig?
Siguro isusulat ko ito sa kabilugan ng buwan
At kung naghihilik na ang karagatan,
At kung ang baybayin ay hinahalikan ng dagat.
O isusulat ko ito bago lumitaw ang bagong buwan
At kung humihikbi ang karagatan?
Isusulat ko ba ito kapag
Ang Amihan ay nagpapalamig ng aking kape
O kaya’y kapag bumalik si Bagyo Frank
At magsisimula sa pagpupunit-punit
Ng mga tarpaulin ng mga pulitiko?
Siguro isusulat ko ito kung katabi kita
Sa Tawaya o sa Manduyog Hill.
O siguro kung hinihiwalay tayo ng karagatan
Habang tinutokhang ang mga durugesta?

Kung ano pa man, Pilma,
Mamahalin pa rin kita
Bago magsilang ang araw
Hanggang sa susunod na pagsilang nito.
At mamahalin pa rin kita
Hanggang sa paglubog ng araw ko
Kaya't hindi na kailangang
Isulat ko pa ang pagmamahal ko sa 'yo
Dahil ikaw at ikaw lang ang minimithi ko.

***
 


Friday, December 30, 2016

Wednesday, December 28, 2016

Excellent People

Excellent People
By Melchor F. Cichon
December 28, 2016
Revised on April 2, 2021
 
Excellent people are people.
Excellent people are dependable.
Excellent people mark their words.
Excellent people set the standards.
Excellent people never stop moving.
Excellent people anticipate changes.
Excellent people never stop learning.
Excellent people manage themselves.
Excellent people go beyond their best.
Excellent people motivate themselves.
Excellent people never stop innovating.
Excellent people never stop dreaming.
Excellent people are pliant like bamboos.
Excellent people never forget to be humble.
Excellent people look beyond their horizons.
Excellent people plan and work on their plans.
Excellent people work while others are sleeping.
Excellent people see opportunities in the garbage.
Excellent people treat a crisis as an opportunity.
Excellent people sieve the best from the mediocre.
Excellent people do something useful while waiting.
Excellent people feed themselves with excellent thoughts.
Excellent people stretch their imaginations to the limits.
Excellent people uplift their mediocre staff for excellence.
Excellent people have time to listen even to the homeless.
Excellent people smoothly drive their people for excellence.
Excellent people change their environment for the better, bit by bit.
Excellent people treat innovation as a normal process for excellence.
Excellent people change anti-excellent environment to excellent environment.
Excellent people never use threats and humiliations in dealing with their staff.
Excellent people swim against the tide regardless of any consequences.
Excellent people never forget their personal welfare and concerns.
Excellent people never forget their parents and their Gods.


***
 Excellent People By Melchor F. Cichon December 28, 2016
Excellent people are people.
Excellent people are dependable. Excellent people mark their words. Excellent people set the standards. Excellent people never stop moving. Excellent people anticipate changes. Excellent people never stop learning. Excellent people manage themselves. Excellent people go beyond their best. Excellent people motivate themselves. Excellent people never stop innovating. Excellent people never stop of dreaming. Excellent people are pliant like bamboos. Excellent people never forget to be humble. Excellent people look beyond their horizons. Excellent people plan and work on their plans. Excellent people see opportunities in garbage. Excellent people treat a crisis as an opportunity. Excellent people sieve the best from the mediocre. Excellent people do something useful while waiting. Excellent people feed himself with excellent thoughts. Excellent people stretch their imaginations to the limits. Excellent people uplift their mediocre staff for excellence. Excellent people have time to listen even to the homeless. Excellent people smoothly drive their people for excellence. Excellent people change their environment for the better, bit by bit. Excellent people treat innovation as a normal process for excellence. Excellent people change anti-excellent environment to excellent environment. Excellent people never use threats and humiliations in dealing with their staff. Excellent people swim against the tide regardless of any consequences. Excellent people never forget their personal welfare and concerns. Excellent people never forget their parents and their Gods.

Sunday, December 25, 2016

Kasingkasing Flash Fiction


Flash Fictions
ni
Melchor F. Cichon
December, 2016


Ugsad

Nagharana si Ambeth kag si Itsong sa balay nanday Thelma.
Pagpa-uli nila, gulpi nga ginhakwat sila sang isa ka kapre.
“Naghambal gid ako sa inyo nga indi kamo maghuharana kay Thelma kay nobya ko siya. Dungol gid kamo!”
“Indi na gid, promise. Buhii lang kami,” sabat si Itsong.
“Sige!”


Liso

Luyag ni Ambeth magtulon sang liso sang santol, bisan ginwarningan na siya sang iya amay.

Domingo sang hapon, nagbakal siya sang tatlo ka santol. Gin-ubos niya tulon ang mga liso.

Pagka-aga, nagguwa sa iya mga dalunggan ang mga sanga kag dahon sang santol.  Ang gamot naglusot sa iya buli.

Lukay

Alas tres sang aga.
Galuto puto si Diday sa kusina.
Gulpi  nagkaraskaras ang lukay sa idalum sang balay.
Ginhakwat ni Diday ang lalaggaan kag ginbubo ang gabukal-bukal nga tubi sa  kawayan nga salog.
Pagkaaga, si Lola Barang, nga ginakuno-kuno nga aswang, gin-ICU kay napaso ang bilog niya nga lawas.


Payaw

Dominggo sang hapon. Nagkadto sa Bukid Payaw ang kabarkada ni Itsong agud mangita sang dahon sang Payaw para iputos sa Inomoe.
Sang gapahuway-huway sila sa puno sang balete, gulpi nga may nadagdag nga magkal sa ila atubang.
Kumupkop si Baby kay Itsong.  Syempre ginkagos ni Itsong si Baby nga dugay na niya ginapangluyagan galing nagapupalagyo permi siya kay Itsong.





Hayahay



Ginbaha sang lampas tawo ni Bagyo Frank ang suba.
Pag-agi ni Pilma sa pangpang sang suba, nakita niya ang nagalutaw-lutaw nga hayahay sang Pilipinas. Ginlumpatan niya ini agud luason.  Pagkadakop niya sini, dali-dali sya naglangoy pabalik sa pangpang, kag bumalik  sa ila eskuelahan. Gindahu niya ini sa ila principal.   


Matuod

“Ham-at nagbalik ka?”, pangutana kang asawa, si Bing.
“Halipatan ko rang antipara. Kon owa, sigurado nga magdoble-doble gid ro mga letra sa pagkomputer ko hinduna.”
“Matuod?”, hambae ni Bing. “Tan-awa anay abi ring hitsura sa saeamin.”
“Ay Sus! Iya man lang gali gasab-it sa t-shirt ko!”


Harana

Nagharana si Itsong ag si Ambeth kay Thelma sa Ubos.
Pag-uli nanda, gulpi nga naghapay ro butong sa daean.
Pag-eak-ang ni Itsong, gulpi ra nga nag-alsa.  Nagkabit-kabit imaw. Hakita na si Kapre.
“Ginwarningan ko gid kamo nga indi eon kamo maghuharana kay Thelma. Matig-a gid ro mga ueo ninyo.”