Total Pageviews

Search This Blog

Tuesday, July 26, 2016

Sa Pag-uli Mo, Madam



Ni Maeara
July 26, 2012

Pag-uli mo, Madam,
Halin sa prisohan,
Nagtumbo-tumbo ring mga suporter
Samtang
Ako nagapasakit kang ulcer
Ag ganipis rang dueonggan.
Alinon abi ay gabot rang bulsa
Ag maliku-liko rang daean
Owa't eabot nga eutayon.
Ah, hadumduman ko
Ro mga dungganon
Sa tongreso
Sa andang air-conditioned nga kwarto
Igto sanda gaisip
Kon pila ro andang makurakot
Sa mga masunod nanda nga prohekto.
Sa imo nga pag-uli, Madam,
Kunta maka-uli man ako halin sa kaimueon
Agod rang pamilya
Hay magtinumbo-tumbo man
Sa busog ko nga buesa.

Saturday, July 23, 2016

Salamat

Salamat
Ni Melchor F. Cichon
July 10, 2016

 Mabuti na lang at narito
Si Rio Alma,
Kumapal ang diksiyonaryong Filipino;
Mabuti na lang at narito
Si Dr. Leoncio P. Deriada,
Pinag-uusapan na ang literatura
Ng Western Visayas
Sa mga kolehiyo at mga unibersidad.
Mabuti na lang at narito
Si Noel G. De Leon,
Bumibilis ang pag-unlad
Ng mga panulatang literatura
Sa Western Visayas.

Kung hindi sila dumaan rito,
Hindi lang nabansot ang mga wikang katutubo,
Kundi nabansot din ang katutubong literatura
ng Western Visayas.

Tuesday, July 05, 2016

Sa Aming Wika

Sa Aming Wika
ni Melchor F. Cichon
July 4, 2016
Sabi ng iba, 
Dahil hindi Tagalog 
Ang wika namin 
Pang laylayan lang raw kami.
Dahil ang tono ng aming pananagalog 
Ay tonong Cebuano, 
O tonong Hiligaynon o Kinaray-a, 
Pang laylayan lang daw kami. 
At pinagtatawan pa. 
Dahil Tagalog kayo 
At ang sentro ng kaunlaran ay sa Kamaynilaan, 
Kaya dapat susundin namin 
Ang tabas ng dila ninyo!
Kaya hayon 
Bawal awitin ang ating Pambansang Awit , 
Sa sarili naming dila.
Kaya hayon 
Naging bansot ang karamihang wika namin. 
Kaya hayon 
Ang literatura namin ay halos nasa laylayan din.
Ganon pa man, 
Kahit gumagapang, 
Napasama na ang wikang Cebuano, 
At Hiligaynon sa Palanca. 
Mabuti na lang nariyan si Rio Alma, 
Kumapal ang diksiyonaryong Filipino; 
Mabuti na lang nariyan si Dr. Leoncio P. Deriada, 
Pinag-uusapan na ang literatura ng Western Visayas 
Sa mga kolehiyo at mga unibersidad.