Total Pageviews

Search This Blog

Tuesday, May 12, 2020

Pag-ibig, Bakit?

Pag-ibig, Bakit?
Ni Melchor F. Cichon
May 12, 2013

Bakit nawawalan ng matinong pag-iisip
Ang mga taong umiibig?
Itanong ko nga kay Chez Escudero?
O kaya kay Kris Aquino.
Bakit yong mga umiibig
Umiiyak pagkatapos ng halikan?
Dahil sa saya
O dahil napagtando nila
Na mali pala ang ginawa nila?
Bakit pagkatapos ng pulot-gata
Hinagpis ang bumabalot sa puso nila?
Ito ba talaga ang pag-ibig?
Salamat ngunit walang salamat
Ang natitira?

No comments: