Ni
Melchor F. Cichon
Kahit
tusukin pa ang Aking laman ng araw,
Yayakapin
Ko pa rin ang hapdi
Ng
tatlong pakong
Imamartilyo
sa Aking mga palad at mga paa
Kung
iyon lang ang paraan
Upang
ang mga anluwagi’y
Makiisa
sa Akin.
Lunukin
Ko pa rin
Ang
apdo na isalangsang
Sa
may putok Kong mga labi
Kung
iyon lang ang pinakamagaling na paraan
Upang
hugasan ang kasalanan ng sanglibutan.
Kabigin
Ko pa rin
Ang
pagsaksak ng sibat sa Aking tadyang
Kung
iyon lang ang paraan upang mabuksan
Ang
pananampalataya sa Akin.
At
kung sakaling hilahin na Ako ngayon ng kamatayan,
Tatanggapin
Ko pa rin ng may ngiti
Dahil
sa madaling panahaon
Sasama
Ako sa iyo
Ng
walang hanggan doon sa kalangitan
Ayon
sa Banal na Kasulatan.
No comments:
Post a Comment