Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, March 20, 2016

Magtanum Kita It Bala at iba pa



Magtanum Kita It Bala
Ni Melchor F. Cichon.

Magtanum kita it bala
Sa tanan nga bag it mga turista
Agod ro atong banwa hay mas makilaea pa gid
Indi eang sa Southeast Asia.
Raya eon siguro ro tadlong nga daean
Nga puno it buho, nga puno it tuktok.
Mayad pa ro pilapil it kaeanasan
Nga maski madanlog, ro huya-huya hay mapuputoe man.


Magtanim Tayo Ng Bala
Salin ni Ni Melchor F. Cichon.


Magtanim tayo ng bala
Sa lahat ng bag ng mga turista
Para ang bayan natin ay lalong makilala
Hindi lang sa Southeast Asia.
Ito na nga siguro ang tuwid na daan
Na puno ng butas, na puno ng kalawang.
Mabuti pa ang pilapil ng palayan
Na kahit madulas, ang makahiya ay napuputol naman.


Tan-awa Ro Mga Nagapangade nga mga Alima
Ni Melchor F. Cichon.

Tan-awa
Ro mga nagapangade nga mga alima.
Tan-awa it mayad
Ro mga naga-uoebo nga kaugat-ugatan
Ag ro mga nagatiliku nga mga tudlo
Nga nagapuntariya sa kaeangitan.
Tan-awon mo it mayad
Sa kamamuo ku mga alima ngaron
Ro mga sakripisyo
Nga andang haagyan
Agod makabatak ka eang
Ku baso it bino
Para sa imong kadaag-an.

Tingnan ang Nagdadasal Na Mga Kamay
Salin Ni Melchor F. Cichon.

Pagmasdan
Ang mga nagdarasal na mga kamay.
Pagmasdan ng mabuti
Ang mga umuusling mga ugat
At ang mga kilo-kilong mga daliri
Na nakatutok sa kalangitan.
Pagmasdan mo ng maigi
Sa likuran ng mga kamay na iyon
Ang sakripisyo
Ng kanilang landas
Para lang maitaas mo
Ang baso ng bino
Para sa iyong tagumpay.


Hueas It Bato ag Baeas
Ni Melchor F. Cichon

Nagpamisa ako ay ginkay-ad ro karsada.
Ugaling pag-abot it tatlong buean,
May giltak-giltak eot-a ra.
Pero de bale
Sa masunod nga eleksiyon,
May magkaayad eon man kara
Ag siyempre pa
Magsadya eon man ro bueang
Ag ro inum-inuman
Sa hueas it bato ag baeas.

Pawis ng Bato at Buhangin
Salin Ni Melchor F. Cichon.

Nagpamisa ako dahil inayos ang lansangan.
Ngunit pagkaraan ng tatlong buwan
May mga bitak-bitak na ito.
Ngunit hindi bale,
Sa susunod na halalan,
May mag-aayos na naman nito
At siyempre pa
Sasaya na naman ang sabong
At ang inuman
Dahil sa pawis ng bato at buhangin.



O, Sanlibutan
Ni Melchor F. Cichon
February 23, 2016

Ilang siglo na ba ang nakaraan
Nang ipako si Ginoong Hesus sa krus?
Ilang siglo na rin ba ang nakaraan
Nang mangako ang sanlibutan
Na ituwid ang kanyang daan?
At dito sa ating bayan,
Naglipana na rin ang mga simbahan,
Nguni’t dumobli naman
Ang mga magnanakaw,
Ang mga snatser,
Ang mga holdaper,
Ang mga patayan,
Sa kabayanan man
O sa kabundukan.
Ang mga Eva at mga Magdalena ba’y
Nabawasan na sa mga bahay-aliwan?
Dumami pa yata
Ang nagsasamang mga Adan
Sa kapwa Adan?
Nadawit tuloy si Manny Pacquiao
Sa usaping pangmamahalan.
O sanlibutan, kailan ba natin bubunutin
Ang mga pako
Sa mga kamay at paa ni Ginoong Hesus?

O, Kalibutan
Salin ni Melchor F. Cichon.


Pilang siglo eon baea ro nag-agi
Nga gin-eansang si Ginuong Hesus sa krus?
Pilang siglo eon man baea ro nag-agi
Nga nagpangako ro kalibutan
Nga itadlong ro anang daean?
Ag iya sa atong banwa,
Nagdagsa eon man ro mga simbahan,
Ugaling dumobli eon man
Ro mga manakaw,
Ro mga snatser,
Ro mga holdaper,
Ro mga patayan,
Sa kabanwahanan
Ukon sa kabukiran.
Ro mga Eva ag mga Magdalena baea hay
Nabuhinan eon baea sa baeay-kasadyahan?
Umabo pa ngani siguro
Ro nagailimaw nga mga Adan
Sa pareho nga Adan?
Nadaeahig  eon lang si Manny Pacquiao
Sa isyu’t paghigugma.
O, kalibutan, hin-uno baea naton gabuton
Ro mga eansang
Sa mga alima ag siki ni Ginuong Hesus?

Jeepney
Ni Melchor F. Cichon

Huwag mo na akong sisisihin
Kung naghihimutok ang puso ko
Sa mga diyos at diyosa ng aming bayan.
Noon, bago sila nahalal sa pwesto,
Parang mga rosas at bubuyog silang
Umiindayog sa hanging habagat
O kaya'y sa simoy ng  amihan.
Nilalakad pa nila ang mga putikan
Upang kumustahin lang kami
Dahil nangunguna sa kanila
Ang mga hinaing ng mga dukha.
Ngunit ngayon
Kapag ako'y naghihintay ng masasakyang jeep
Papuntang kabayanan
At hindi ako kaagad-agad makasakay
Dahil siksikan na ang mga ito
Hanggang bubungan,
Ako raw ang dapat sisihin--
Tamad daw akong bumangon
Bago tumilaok ang manok
Para hindi ako mahuli sa opisina.
O kaya'y namimili pa ako ng masasakyan.
Tama nga silang lahat
At mali ako.
Dahil ako'y tatlong kahig
Isang tukang tao lamang.
Kung minsan pa nga'y sampung kahig
Ngunit ni isa'y walang matutuka
Dahil natuka na lahat
Ng mga maginoong na sa puwesto--
Ah, Napoles ilan pa silang
Dapat makakita ng hiniwa-hiwang langit?
Ilan pa silang dapat
Ihiga sa kulungan ng sardinas?

Jeepney
Salin ni Melchor F. Cichon

Indi mo eon ako pagbasuea
Kon nagaribenta eon rang tagipuso-on
Sa mga diyos ag diyosa it among banwa.
Kato, bag-o sanda binuto sa pwesto,
Pareho sandang mga rosas ag tabuboyog
Nga nagaugoy-ugoy sa hangin it habagat
Ukon sa mahanayhanay nga huyop it amihan.
Ginatikang pa nanda ro mga eutay
Agod kamustahon eang kami
Bangod gapanguna kanda
Ro mga hinyo it mga imoe.
Apang makaron
Kon ako maghueat it masakyan nga jeep
Paagto sa banwa
Ag indi eagi-eagi ako makasakay
Bangod gadueotdutan eon ra
Hasta sa bubungan,
Ako kuno ro dapat basueon—
Tamad kuno ako magbangon
Bag-o magtukturuok ro manok
Agod indi ako maulihi sa opisina.
O basi gapili pa ako it masakyan.
Tama sanda tanan
At ako saea.
Bangod ako hay tatlong kahig
Sangka tukang tawo eang.
Kon amat pa ngani napueong kahig
Apang maski sambilog nga tuka hay owa gid
Bangod natuka eon tanan
It mga dungganon nga sa puwesto—
Ah, Napoles, pila pa sanda
Nga dapat makakita it siniad-siad nga kaeangitan?
Pila pa sanda nga dapat
Ipaeubog sa presuhan it sardinas?

 

No comments: