Total Pageviews

Search This Blog

Wednesday, October 12, 2016

May Sales na Naman

May Sales na Naman Ni Melchor F. Cichon May sales na naman Sa mall At siyempre May 20% discount Sa bawat item na nakadisplay. Kaya siksikan sa department store At sa kainan ng manok. Kaya maghihintay ka rin Ng 20 minutes Bago ka makakakain Ng inorder mo. Kaya hayon, Isang kilometro din Ang traffic sa harap ng mall. At sa pag-uwi mo, Habang bitbit ang binili mo Ay 20 minutes din ang paghihintay mo Bago ka makasakay ng jeep. At dahil mahigit isang kilometro Ang haba ng traffic, Mahigit 20% increase din Ang ibabayad mo sa taxi. Samantala, si Mang Juan, Na tauhan ng kalye, Ay nangangarap Na makabili ng pansit, Na panghapunan ng kanyang pamilya, Na may 20% discount din.

No comments: