Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, December 06, 2020

Dapithapon

 

Dapithapon
Melchor F. Cichon.
December 22, 2016
Revised: Dec. 22, 2016


Dapithapon noon
Nang muli tayong nagkita
Sa tulay ng Kalibo.
Pinapanuod mo rin noon
Ang paglubog ng araw.
At napangiti ako
Dahil nabigyan muli
Ng bagong buhay
Ang ating pag-ibig.
Dapithapon din kasi noon
Nang magpaalam ka sa akin
Dahil may bago ka ng pag-ibig.
Mabuti na lang at
Naghiwalay ang inyong landas.
At ngayong
Dito na muli tayong magkasama
Sana bumalik muli
Ang sariwang hanging
Dumadampi sa ating mga pisngi.
Di katulad ngayong
Malagkit na
Dahil sa mga usok
Ng mga dumaraang tricycle, jeepney at track.
At mula ngayon,
Ang panunuurin na natin
Ay ang pagsikat na ng araw
At ang pagsikat ng kabilugan ng buwan.

No comments: