Total Pageviews

Search This Blog

Tuesday, August 18, 2015

Fashion Show Sa Kongreso

Fashion Show Sa Kongreso
Ni Melchor F. Cichon

Napanuod mo ba ang fashion show
Ng mga kongresista at mga asawa sa SONA?
Napanuod mo rin ba ang fashion show
Ng mga Ati, Badjao at mga taong grasa sa kalye?

Ah, kaya pala puno ng putik ang tuwid na daan
Dahil wala silang ginawa kundi maghanap
Ng bagong terno, bagong tabas ng barong tagalog.
At mag-irian sa tv at sa peryudiko.
Ah, mabuti pa'y taniman na lang ng palay
Ang mga lubak-lubak na isipan
Nang ating mga honorable na mga kaibigan
Para di na tayo mag-aangkat ng bigas sa Thailand.

No comments: