Total Pageviews

Search This Blog

Tuesday, August 04, 2015

Sulat Mula Kay G.Virgilio Almario, re conference in Cebu

 NCCA
WIKA NG KULTURA AT AGHAM INK.
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING
31 Hulyo 2015

G. MELGHOR CICHON
Blk. 52 Lot 32 Brgy. Bolilao
Mandurriao, Lungsod lloilo

Mahal na Ginoong Cichon:

Malugod naming ipinababatid na isa kayo sa mga napiling maging kalahok sa Pambansang
Oryentasyon sa Panitikan ng Filipinas sa 3-4 Setyembre 2015, 8:00 nu-5:00 nh sa
Buttenbruch Hall, University of San Carlos, Lungsod Cebu.
Ang kumperensiya na ito ay itinataguyod ng Wika ng Agham at Kultura lnk. (WIKA),
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining o NCCA, at Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) sa pakikipagtulungan sa University of San Carlos. Layunin nit6ng: matdsa ang
kasalukuyang listahan ng babasahfng pampanitikan at paraan ng pagtuturo ng mga ito sa
elementarya at hay-iskul; maglatag ng isang pangkalahatang framework sa pamimili ng mga
akdang pampanitikan, at sa paraan ng pagtuturo nit6, na angkop sa pagkatuto ng mga magaaral
tungkol sa panitikan at kulturang Filipino; at bumuo ng mungkahing may nilalamang
pampanitikan sa kurikulum ng Filipino sa elementarya hanggang hay-iskul.
Ang naturang kumperensiya ay nakabukds lSmang sa maliit na grupo ng imbitado na pinili ng
KWF at WIKA. Napili kayo dahil naniniwala kami sa inyong kakayahan na malaki ang
maitutulong ninyo sa pagkamit ng layunin nit6. Bilang kalahok, Inaasahan sa inyo na punan
ang kalakip na template ng mga akda na dapat mapabilang sa teksbuk ng Filipino sa K-I0.
Maaari kayong makipag-ugnayan sa numerong nasa ibaba para sa soft copy ng template.
lnaasahan itong maisumite sa 21 Agosto 2015. Maaari itong i-email sa
jinghinampas@gmail.com o einzoely0S@gmail.com. Hinihiling din namin na magdala ng kopya
ng akda, lalo na kung mahirap itong hanapin, sa araw ng kumperensiya.
lpinababatid din namin na sasagutin ng tagapangasiwa ang inyong pamasahe, akomodasyon
mula 2-4 Setyembre 2015 at pagkain sa tatlong araw. Maaari ding gamitin ang liham na ito
bilang opisyal na imbitasyon para sa inyong wastong pagpapaalam sa awtoridad.
Hihintayin namin ang inyong tugon sa aming paanyaya bago o sa 11 Agosto 2015. Kung
mayroon kayong tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan kina Lourdes Z. Hinampas
(0928-3485-87010932-6348-72110915-6620410, jinghinampas@gmail.com) at Einzoely
Agacaoili (0935-3311577, einzoelyO8@gmail.com) o tumawag sa (02)708-69721 (02)736-252|ok.105.

lnaasahan namin ang inyong pagpapaunlak sa aming hiling, at nagpapasalamat kami sa inyong
patuloy na tangkilik sa wikang Filipino.

VIRGILIO S. ALMARIO, N.A.
Tagapangulo, KWF

Sumasainyo,

No comments: