Ni Melchor F. Cichon
January 9, 2016
Ok lang, Anak.
Kaya pa rin namin ng Nanay mo
Kahit sumasakit na ang mga tuhod namin
Sa tuwi-tuwina.
O kaya’y kumikirot-kirrot pa rin
Ang aming baywang sa kakahabol
Ng pera sa paglalaba
At sa paghahalo ng semento at bato
Sa bahay ng ibang tao.
Ok lang sa amin, Anak
Kahit kung minsa'y hindi namin alam
Kung saan kami kukuha ng pambili ng daeng.
Ang mahalaga’y nakapagtapos ka na ng iyong pag-aaral
At may tatlong palapag na paupahang bahay ka na.
At may Adventure ka pang sasakyan
Na ginagamit sa paghahatid
Sa inyong tatlong mga anak
Sa exclusive private schools.
Ok lang kami ng Nanay mo.
Total may asawa ka na namang OFW
At ikaw naman ay sumasakay na sa overseas na barko.
Ang buwanang limang daang pisong pangtawid-buhay ng ating gobyerno
Ay napakalaking tulong yon sa amin ng Nanay mo.
Pero kung sakaling kailangan ninyo kami
Sa anumang pangangailangan ninyo,
Isang tawag lang kami ng Nanay mo
Sa cellphone na binigay mo sa amin
Noong tatlong tanon ng nakaraan.
Asahan mong darating kami riyan sa bahay ninyo.
Maghihiram lang kami ng perang pangpamasahe.

No comments:
Post a Comment