A collection of Melchor F. Cichon's short poems: Haiku, Luwa, Cinquain, Tanka, and Bakod. Starting 2010, his longer poems and other literary works are included.
Please leave your comments.
I take this as an exception. I wrote a poem upon seeing a picture of a kangaroo inside a supermarket.
Only in Australia by Melchor F. Cichon
May forwarded message akong natanggap Mula sa dati kong guro. Isa sa mga larawang pinakita Ay larawang ng kangaroo Sa loob ng supermarket. May tali ang leeg na hawak-hawak ng isang misis Katulad ng kabayo. At ang dalawa niyang paa ay may kadena Katulad ng isang bilanggo. Kawawang kanggaro ginawang pushcart. Ang biniling tsukolate, hamon at kape ni misis Ay linagay sa kanyang pouch sa tiyan. Peru de bale, nakapasok naman siya sa supermarket At nakakita ng iba’t-ibang tinda. Baka kumain pa siya ng halo-halo Sa lamesa pagkatapos ng grocery. Nakita pa siya ng libo-libong tao. Di katulad ng Ati. Malayo pa sa main gate ng megamall Ay tinataboy na siya ng blue guard.