Total Pageviews

Search This Blog

Tuesday, July 29, 2014

SONA Ni Pinoy

SONA Ni Pinoy
Ni Melcichon
July 29, 2014

Kahapon,
Hindi ko napanood ang SONA ni Pinoy.
Pero nakita ko sa TV Patrol
Ang mga fashionesta ng Kongreso--
Pangiti-ngiti, pahawak-hawak-kamay
Sa kanilang 35K na gown,
Habang binubomba ng mga bombero
Ang mga rayalista sa kalsada.
At naghahalungkat
Ng mga bote o karton sa mga basurahan
Ang mga nanay at tatay
Na walang makain.
Sila bang mga fashionesta ng Kongreso
Ang mga salamin ng ating bayan?
Sila ba ang mga taong nanunumpang
Magbibigay ng kanin at ulam
Sa lapag ng mga kapus-palad?
Sila ba ang mga taong magpapalago
Ng ating kayamanan?
O sila ang mga taong
Nag-iisip, nagsusunog ng kilay
Kung papaano lumaki ang kani-kanilang tiyan
At umawas ang pera ng kaban ng bayan
Sa kanilang mga bulsa?
O Dyos ko.
Sana bumangon si Cardinal Sin.

No comments: