Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, August 03, 2014

Sayang

Sayang
ni Melcichon
August 2, 2014

Wala ng ningning ang Sirius,
Na sabay nating pinangarap.

Kahit ang bilog na buwang
Sabay nating tinititigan
Ay makulimlim na rin.

Sana ang ating kahapon
Ay hindi na dumating.
Sana bukas na lang ang ating kahapon
At ang ating ngayon ay natangay na ng alon.

Bakit pa kita nakilala.
Ang singsing na isinuot mo
Sa aking daliri
Ay hindi ko rin pala
Maisusuot hanggang sa huli kong hininga?

At ang halik mong nakakainsomya
Ay hanggang umaga lang pala.

***Melcichon
August 2, 2014
(Salamat sa MMK in tonight's edition)

No comments: