Total Pageviews

Search This Blog

Friday, October 10, 2014

Sa Bukid

Sa Bukid
Ni Melcichon
Oct. 10, 2014

Ni Melchor F. Cichon
October 10, 2014

Sa bukid
Masarap kumain ng bagong pitas na mangga
At uminum ng juice ng buko.

Sa bukid
Masayang maglalakad sa pilapil ng mga palayan
At pagmasdan ang mga ginintuang palay
Kaya lang dapat mag-ingat
At baka madulas
At pupulutin ka sa putikan.

Sa bukid
Malamig ang simoy ng hangin
Lalo na kung amihan
Di katulad ng hangin sa siyudad
Na may kasamang usok ng mga jeepney at kotse.

At sa bukid
Masayang gawing diving board
Ang likod ng kalabaw
Habang naliligo sa sapa.

No comments: