Total Pageviews

Search This Blog

Saturday, December 17, 2016

Dapithapon

Dapithapon
ni Melchor F. Cichon
December 17, 2016

Dapithapon noon
Nang muli tayong nagkita
Sa tulay ng Kalibo.
Pinapanuod mo rin noon
Ang paglubog ng araw
At mga batang naghahakot ng buhangin
Sa dalampasigan ng Ilog Aklan.
At napangiti ako
Dahil nabigyan muli
Ng bagong buhay
Ang ating pag-ibig.
Dapithapon din kasi noon
Nang magpaalam ka sa akin
Dahil may bago ka ng pag-ibig.
Mabuti na lang at
Naghiwalay ang inyong landas.
At ngayong
Dito muli tayong magkasama
Sana bumalik muli
Ang sariwang hanging
Dadampi sa ating pisngi.
Di katulad ngayong
Malagkit na
Dahil sa mga usok
Ng mga dumaraang tricycle, jeepney ang track.
At mula ngayon,
Ang panunuurin na natin
Ay ang pagsikat na ng araw
At ang pagsikat ng kabilugan ng buwan.
At sana wala ng naghahakot ng buhangin
Malapit sa Tulay Kalibo.

No comments: