Total Pageviews

Search This Blog

Tuesday, December 13, 2016

Walang Tigil ang Ulan

Walang Tigil ang Ulan
Ni Melchor F. Cichon


Walang tigil ang ulan
Sa buhay ko.
Mabuti na lang
At narito si Bing sa tabi ko.
Pinupunasan niya ako
Ng malinis at tuyong tualya.
Pinapainum pa niya ako
Ng mainit na kape.
At kung minsan
Ay may mainit-init pang pan de sal.
Kaya lang
Hindi ako kaagad-agad nabubusog
Dahil mas marami pa yatang hangin
Ang laman nito kaysa arina at asin.
Hindi katulad noong bata pa si Sabel
Kung saan mabubukol ka kapag
Binato ka ng pan de sal.
*** December 13, 2016

No comments: