ni Melchor F. Cichon
February 28, 2018
Ang mga kuliglig
Ay nagsisiawitan na
Sa mga sanga ng santol
Ang lemonadang araw
Ay lumulubog na sa pulang rosas na abot-tanaw;
Ang bilog na buwang ilang gabi ng namamanglaw
Ay supermoon na may total lunal eclipse sa madaling araw.
Hihintanyin mo pa kayang
Matakpan muli ng maiitim na ulap
Ang kalangitang para lang sa ating hinaharap
Kung saan natin bubuuin ang ating mga pangarap?
Subalit kahit ano pang bagyo o unos ang dumating sa ating buhay, Parayaw,
Ikaw pa rin ang aking mimithiin,
Itatangi gahit lumuho't lumubog
Ang buong Boracay ng buhay ko.

No comments:
Post a Comment