Total Pageviews

Search This Blog

Saturday, October 10, 2020

Sa Lezo

 

Sa Lezo*
Ni Melchor F. Cichon
Oct. 10, 2014
Revised: October 10, 2016

Sa Lezo
Masarap kumain ng bagong pitas na mangga
At uminum ng sariwang juice ng buko.
Maalala mo tuloy ang una mong halik
Sa minimithi mong dilag.

Sa Lezo
Mapapangiti ka habang naglalakad ka
Sa pilapil ng mga palayan
At pinagmamasdan mo ang mga ginintuang palay.
Kaya lang paminsan-minsan,
Madulas at sa ilalim nito’y putik.

Sa Lezo
Malamig ang simoy ng hangin
Lalo na kung amihan.
Di katulad ng hangin sa siyudad
Na bukod sa mainit
May kasama pang itim na usok
Ng mga tricycle, jeepney at kotse.

At sa Lezo
Nakakatuwang gawing diving board
Ang likod ng kalabaw
Habang naliligo sa sapa.

*Lezo, Aklan--ang pinakamaliit (23.40 km2 ) na bayan ng Aklan.

No comments: