Total Pageviews

Search This Blog

Saturday, November 21, 2020

Ikaw Pa Rin Ang Pinapangarap Ko

 

Ikaw Pa Rin Ang Pinapangarap Ko
Melchor F. Cichon
November 20, 2016
 
Sabi ko,
Buburahin ko na
’Yong mahapdi kong kahapon
Kaya lang kapag nakikita ko ang paglubog
Ng araw at ang paglitaw ng buwan
Maalala ko na naman muli
Yaong dapithapon
Sa Luneta at sa dalampasigan ng Boracay
Kung saan natin binuo
Ang mabungang pag-ibig.
Sabi ko
Makakakita pa rin ako
Ng makakapalit sa pag-ibig mo
Ngunit hanggang pangarap lang yon
Dahil ikaw pa rin
Ang pinapangarap ko.
Ikaw pa rin
Ang pinapangarap kong
Mamahalin
Hanggang lumubog ang araw ko.

No comments: