Total Pageviews

Search This Blog

Monday, January 24, 2022

Karimlan

Karimlan

Ni Melchor F. Cichon
Hindi lang
Maputik at madulas
Ang ating mga daan,
Kundi mapula-pula pa,
Dahil sa mga dugong dumanak
Mula sa mga tirahang tinokhang
At sa mga taong nakatsinelas sa daan.
Ito marahil ang gilid
Ng sinasabing:
“I am sorry”
at “I apologize”
Sa mga nabuwal
Na walang kaalam-alam sa druga.
Samantala….
Habang naghahalakhakan ang mga diyos-diyosan
Ng mga druga,
Tuloy-tuloy ang pagluluha at pagdarasal
Ng mga taong nawalan
Ng kanilang ama, ina, anak, kapatid, kamag-anak
Na sana’y tapusin na itong karimlan.

No comments: