Total Pageviews

Search This Blog

Monday, January 02, 2017

Kung Makapagsalita Lang Ang Bagong Taon

Kung Makapagsalita Lang Ang Bagong Taon
Ni Melchor F. Cichon
December 31, 2016


Kung makapagsalita lang ang Bagong Taon
Marahil sasabihin niyang
“Hindi ko kailangan ng nakakabinging
Tugtog ng mga sound system
Ng mga kabit-bahay;
Marahil sasabihin niyang
Tama na ang pagpasasabog
Ng mga triangulo, pwetis,
Lalo na ng mga baril
Ng mga pulis
Dahil hindi na mabilang
Ang mga batang naputulan
Ng mga daliri, ng mga kamay
At ng buhay.
Kung makapagsalita lang ang Bagong Taon,
Marahil sasabihin niyang
Tama na ang paggastos ng daang-daang piso
Para lang may mailagay na hamon,
Letsong manok, makaroni, alak, at iba pa
Sa hapag-kainan.
At makakasuot ng bagong damit,
Sapatos at iba pang burluloy,
Ngunit hindi man lang makakapunta sa simbahan
Upang magpapasalamat sa Maykapal.
At pagdating ng Bagong Taon,
Magsisimula naman
Ang pagbabayad ng utang.

No comments: