Pasko Na!
ni Melchor F. Cichon
revised, Nov 4, 2017
Malamig ang simoy ng hangin
Subalit biglang lumakas ito
At biglang ginuhitan ng kidlat ang kalangitan,
Na may kasamang kulog.
Katulad ng mga putok na mula sa mga riders in tandem
At sa mga taong tumutumba sa umano'y mga durogista.
Hindi ko tuloy mapapakinggan
Ang kalimbang ng mga batingaw sa simbahan.
Hindi katulad noong wala pang climate change.
Malalakas noon ang putukan ng mga kanyong kawayan
Ngunit kami’y napapasigaw pa sa tuwa.
Naawa tuloy ako sa mga palakang
Binabala namin sa kanyong kawayan.
At sa araw ng Pasko
Linalakad ko sa bayan ang bahay ng ninong ko
Upang magmano,
Ngunit kadalasa’y sinasabihan ako
Ng asawa niya na ang ninong ko’y may pinuntahan.
Pero natutuwa pa rin ako
Dahil sa pag-uwi ko sa aming bahay
Ay nagkakalaman na ang medyas ko
Ng mga kende at bola na mula raw kay Santa Claus.

No comments:
Post a Comment