Total Pageviews

Search This Blog

Thursday, January 18, 2018

Bayan Ko, Mahal Ko


Bayan Ko, Mahal Ko
ni Melchor F. Cichon
Jan 18, 2018
Ngayon, laging maulap ang kalangitan 
Sa bayan kong mahal, 
Kaya madalas hindi ko nasisilayan 
Ang bilog na buwan 
At ang pagsikat ng araw.
Laging umiiyak ang dalampasigan 
At ang mga alon ay hindi nakakatulog 
Sa bayan kong mahal 
Kaya ang mangingisda kong Tatay 
Ay laging umuuwi ng magaan ang kanyang basket 
At mabigat ang kanyang mga ngiti. 
Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa. 
Alam kong mahahawi rin ang mga ulap na ito 
At ang dalampasigan ay tatahimik din. 
At hinding-hindi ko tatalikdan ang bayan kong ito 
Dahil mahal ko siya,
Ano pa man ang mangyayari 
Sa buhay niya, sa buhay ko.

No comments: