Total Pageviews

Search This Blog

Thursday, January 11, 2018

Hindi Kasali, revised



Hindi Kasali
Melchor F. Cichon
Jan 7, 2012
Rev. January 11, 2018

Hindi kasali sa paglubog ng araw
Ang pag-ibig ko sa 'yo.
Hindi rin ito natabunan ng naguhong lupa
Ng Campostela Valley
O natangay ito ng agos
Ng bahang dala ni Bagyong Sendong.
At hindi rin ito ginawang pabaon
Sa mga nagretirong heneral
O ibinili ng Obra Maestra ni Juan Luna
O kaya’y ginawang pamasko
Sa mga kaibigan ng PCSO
O ginawang Goodbye Philippines
Ng mga sundalong nabuwal
Nang lusubin ng Mauti
Ang Marawi.
O kaya’y natamaan ng bala
Noong  nakaraang taon
Nang tokhangin ng mga militar
Ang mga pugad ng mga durugista.
Bagkos, ito'y buhay na buhay
Katulad ng paruparung lumilipad-lipad
Sa mga talulot ng mapula-pulang  rosas.

No comments: