Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, January 07, 2018

Hindi Kasali

Hindi Kasali
Melchor F. Cichon
Jan 7, 2012

Hindi kasali sa paglubog ng araw ang pag-ibig ko sa 'yo.
Hindi rin natabunan ng lupa ng Campostela Valley ang pag-ibig ko sa 'yo.
O natangay ng agos ng bahang dala ni Bagyong Sendong ang pag-ibig ko sa 'yo.
At hindi rin ito ginawang pabaon sa mga nagretirong heneral ang pag-ibig ko sa 'yo!
O ginawang Goodbye Philippines noong nakaraang Bagong Taon.
Bagkos, ito'y buhay na buhay.

Melcichon
Jan 7, 2012

No comments: