Ni
Melchor F. Cichon
Dec 12, 2009
Hindi lang pumuti ang buhok ko
Kundi nagsilayas pa sila
Sa pag-uunawa ko sa ‘yo
Ngunit bigo pa rin ako.
Katulad sa pag-unawa ko sa bahaghari.
Kung bakit hindi ito sa gitna
Ko at ng araw?
Kung bakit nagbabasketbol ang aking puso
Kapag lumalapit ang aking sinisinta
At kapag lumalayo naman ito
Ang puso ko ay parang dahon ng akasya
Kapag umaawit na ang mga kuliglig?
Kung bakit ang larawan ng aking minamahal
Ay nakikita ko pa rin
Kahit tinatakpan ko na ng unan at kumot
Ang aking mga mata?
Kung bakit lumiliwanag ang buwan at mga bituin
Kahit ito ay tinatakpan ng maitim na ulap
Kung kapiling ko siya?
Kung bakit lahat ng kapaligiran ko ay kulay rosas
Kapag ang palaso mo’y nakaturok sa puso ko?
Bakit, Pag-ibig?
Bakit kay ilap mong maunawaan?

No comments:
Post a Comment