Total Pageviews

Search This Blog

Saturday, June 17, 2017

Toning

Ang susunod na nobela ay sinulat ni Gabriel M. Reyes sa Hiligaynon noong 1925. Mula noon hindi pa ito nasalin sa Filipino o sa Aklanon. Ito ang kauna-unahang salin sa Filipino.
Hindi pa ito ang pinal na salin. --Melchor F. Cichon, June 18, 2017


Toning
Ni Gabriel M. Reyes
Salin Ni Melchor F. Cichon
1925

Tsapter 1


Ah, Nonoy wala kang kapalaran.  Ang tatay mo ay nawili sa labas, hindi na uuwi ng bahay at ang kita niya ay tama lang niyang isugal at ibili ng inumin at maglasing; kung uuwi man, gabing-gabi na, ako pa ang pinapapagalitan, nag-iingay at manggugulo sa ating mga kapitbahay.
Ito ang daing ni Toning, isang ina na kung mura pa ang gulang ay puno na ng kahirapan,  nang siya’y naka-upo sa labas ng kanilang bahay na tutoong larawan ng buhay ng isang taong pabaya at nagpapasoso sa kanyang anak na humihikbi-hikbi sa kanyang kandungan.  Hinalikan niya itong bata na para  bang nakaramdam ng kahirapan ng magulang at parang ibig niya isama ang kanyang ilang  tulong luha sa mga luha na napumapatak sa mga mata ng magulang, sa labis dahil sa matinding pagdurusa.
Paano na lamang tayo nito Nonoy? Diyos ko!  Nagbuntong-hininga ang ina na naghihirap at nagpapahid ng kanyang mata.
“Anong mga Diyos ko?” Sumagot ang isang tinig na magaspang, malapit sa may hagdan at tumingin ang isang taong bata pa ang gulang, ngunit mabigat ng panguya, matalim ang titig at pauspaus ang tinig na parang totoong lasinggiro; nakabaro at nakapantalon ng puti, nakatsinilas at nakasuot ng buring sombrero na tinahing pataas sa likod, at mahinhin pababa sa harap, na humaharang sa kanyang mukha at nagbibigay sa kanya ng larawan na paikot-ikot na walang nararatnan.  At biglang inalis ang sombrero at tinapon sa gilid at sumingasing, nagalit at nagpalakadlakad.
Anong mga dios ko mio? Akala niya ito’y si Toning, ang salita niya’y demonyo talaga, lahat ay hihikbihikbi. Ang masamang ugali ng mga maka-Dios, yan ang sinusunod!..  Mamaya aapakan kita…yan ang maratnan mo! psi!
Ah saroy wala kang awa sa kin.  Sagot ng asawa sa mahinahong  sabi na umiiyak pa rin. Sabi mo noon sa akin ng liniligawan mo pa ako mamahalin mo ako. Saan na yaong pagmamahal?  Paghihirap at pait pala ang inihanda mo sa akin.  Kawawa naman akong naniwala sa yo.  Tinalikuran ko ang nanay ko at ang mga kapatid ko, na kahit salat sa buhay ay may pagmamahal sa akin…at ngayon pahihirapan mo ako? Saroy, nasaan na yong mga pangako mo?
Demonyo! Biglang nagalit si Saroy na walang intensyon na makinig  sa pagpaala-ala ng kanyang asawa. Puro iyak ka lang, kung kanina pinatulog mo na sa tulugan ang bata at nag-ayos ng pananghalian dahil tanghali na, sana maganda!  Mamaya makatikim ka na naman ng hindi mabuti! Sa panahong iyon inangat niya ang kangyang kamay at inihandang isalpok sa kanyang asawa.
Saroy, alalahanin mo kung maari, ano ang sasaingin dahil walang bigas?  Anong ibibili dahil wala ka namang perang binibigay? Kagabi, humingi na ako ng pera para ibili ng bigas, ngunit wala ka namang binigay!
Demonyo! Kung wala,  maghanap ka!  Maghanapbuhay ka kaya…
Saroy, handa akong maghanap ng trabaho, para hindi lang ako mamatay sa hirap,  pero isipin mo rin, papaano ako makakahanap ng trabaho,  hindi ko maiwan-iwan ang batang may sakit?
Talagang ayaw makinig ang bana. Pumasok sa silid-higaan nila at doon naghalungkat. Nakaupo pa rin si Toning na umiiyak habang nagpapasoso ng bata. Hindi nagtagal, lumabas si Saroy na naghahanap ng baro, at walang sabi-sabi hinulbot ang sombrero at bumaba.
Diyos ko! Nabigla si Toning nang makita si Saroy na may dalang baro. Aba, aanhin mo naman ang saya ko?  Ang baro ko, dalhin mo rito.  Ano ipagbibili mo naman yan?
Tumayo dala ang bata at titigilan sana, ngunit hindi na niya naabutan.
Ah, Diyos ko! Nonoy anong sawing palad mayroon tayo! Mamatay tayo sa gutom at maubusan pa ng baro…ang hikaw ko at singsing ibininta na, ngayon yong saya ko na naman.…
Totoo, sino ang hindi maawa sa isang babae, inang pa, sa ganitong kalagayan?  Anong malas na kapalaran! Ngunit may Diyos na para sa lahat, na makatarungan at selosa sa kanyang mga sugo at pagmamahal. Ang khaki na dahon ng kahoy hindi mahuhulog sa lupa kung walang pahintulot ng Diyos na makatarungan, kaya’t  iyuko ang ating ulo at magsimba sa kanyang santos na kagustohan na pumayag sa palad na ito at magsabi—“masusunod ang kagustuhan Ninyo dito sa lupa at sa langit. At kahit tayo’y naaawa sa kawawang ina, ituloy ko ang sumbong. Si Toning ay para isang nalunod sa gitna ng dagat, na dinadaluyan, ibig ibaba, ibig lunurin ng alon ng kahirapan, at sa gitna ng kanyang kalagayan nakaalaala ng marami at pabalik-balik na sumpa na magsaya sa kanya, at nang nariyan na ang katiwala sa kanyang kahirapan,  pagdusa at tuloy-tuloy na  pagwalang bahala, pagpipintas, ang kanyang naabutan. Oh! Paglilihim, budhi na walang kwenta.  Wala na yong  dating may pagmahal na pagsama-sama, na sa tuwing pupunta sa paaralan at sa pag-uwi sa bahay daanan at ihatid siya ni Saroy.  Wala na yaong paghahanap sa kanya na pagkamabighani, ang pagkamakaakit-akit, pagkaliksi,  kahusayan sa bisbol sa paaralan, dahil dati si Saroy tinatabangan kung hindi pumunta si Toning, nawawalan ng gana sa sayawan kung wala si Toning, kung hindi siya kasabay at nagseselos, nagtatampu-tampu kung si Toning ay sumasabay sa iba,  nawawala na yaong lahat,  na sa isang damdamin at init ng dati nilang  pagmamahalan, makakapilit sa kanyang pagpadaladala, na tumalikod na walang sinasabi sa kanyang magulang at sa kanyang mga kapatid, sumama sa malambing na gaganda sa sumpa at agad pakasal sa civil, kasal na ngayon isang tanikala na malakas na nakatali sa kanya sa kahirapan, tanikala na hindi niya madala sa bigat at ito ang lumaban-laban sa kanya upang lumobog sa masamang kapalaran at itim na sa dulo…Siya noon ay lasing sa mababao na pag-ibig , nagpalabilabi sa mga magulang, hindi umuwi sa pagpapakilala ng kanyang cacahas at paghingi ng patawad…hinonoo, humingi, sumama sa kanyang  bana na sa bigat ng buhay na ibig sanang tumanggap ng pera , gusto mabuhay sa kanyang  septimo grado na kaalaman, magtratrabaho nga ngunit sa napakababang sahod, ngunit sabay  unti-unti ng tinanggap sa mga bisyo na nang tanggapin siya walang matablao, hindi na pigil kaya’t ang naratnan ay ang kahiyaan, at malaut na palad.
Ay Diyos ko! Diyos ko.
Ito na lang ang nababangit ni Toning. Wala na yong magulang dahil manatay sa hirap, at malalayo na yong mga kapatid! Diyos na lang ang mapupuntahan. Yaong umutos na gumalang ka sa Tatay, na kanyang guinlalis, iyon na lang ang patutunguhan. Totoo nga ang kahirapan, ang pagtiis ang mahal na bayad  ng luha ng mga magulang, dahil ang Diyos hindi nakakalimot sa pagsingil. Ang kahirapan ay isang silut na pinapayagan ng Amang langitnon na puno ng catarung at calooy, ngunit isa ring gamot, isang bayad na namumunga ng  pagkadala at pagtapat.
Lumipas ang mga araw at sa buhay ni Saroy at ni toning wala talagang hindi magpuas ang maitum na ulap ng paghihirap, at sa mga mata ni Toning  naging batis na hindi nauubusan ng luha.  Maraming nakakakilala na naghihinayang at baka magiging baliw,  dahil bukod sa malupit na pagtitiis,  dahil sa kadalasan dumadaan sa gutom,  ngunit sa awa ng Diyos hindi naging baliw, dapat nga eh kumilala ng lalong malinis ng kanyang kamalian at kalungkutang kalagayan, at sa walang paglingon kung sino man, nanugyan sa Diyos. Tumugyan sa awa sa mapagmahal na Ama at nagkubli sa malalang na distinasyon nga mga may kahirapan., na si Maria Santissima, kaya nagpakatigas, nagpalakas, nagpakabuti.
Nang gumaling-galing ng anak nagpatulong sa mabuti niyang kilala na gawan siya ng paraan na makapagtrabaho sa isang patahian na may buwanang sahod, at magtatahi, hindi aasa kay Saroy na uuwi ng bahay sa oras ng kainan, at mag-iinit ng ulo kung hindi mabibigyan ng pera ibayad sa kanyang iinumin at itaya sa sugal.

Tsapter II

Sa ganoong sitwasyon ng buhay isang araw umuwi si Saroy na kung bkit masaya ang kalooban at manginahon.
Toning, sabi niya, kung ganlang lang ang ating hanapbuhay wala tayon asenso, hindi tayo yayaman, buti pa sasama ako sa “sacada”, at hahanap ng kabuhayan sa Haway; dahil doon mabuti ang trabaho, makakaipon ako ng pera papadalhan ko kayo, at sa pag-uwi ko may ipupuhunan tayo sa negosyo, ibili natin ng lupa at ipapatayo ng bahay, at baka makakabili tayo ng awto.
Jesus, Maria at Jose! Naku at bakit pagcatumpilas abao nga pagcabalingag na caisipan! Sino naman ang nakapag-anyaya sa ‘yo? Saroy, malayo ang Haway,  kung gusto mong magtrabaho dito sa atin may gawain, may mapapasukan; ngurnit ikaw lang naman ang ayaw dahil akala mo  ay maganda ang mag-iikot-ilot., huwag mo nga akong lukuhin. Ahay, siguro gusto na naman itong humingi, pwra, ano? Ngunit Saroy guinsudi-an siya,  kailan pa magbabago yang ugali mo? Bakit mo siningil si Adela na hindi kita sinabiha., at hindi pa natapos ang pinapatahi niya sa akin?  Naku, nagpapa hiya ka lang, at kung ganyan ka, sino pa ang maniniwala sa atin?
Ah! Toning, pupunta talaga ako sa Haway, dahil ang ahente nagpapangako sa akin na bubuti ang aking colocacion, at siguro ang mataas na sahod dahil marunong ako ng Ingles, at may alam ako sa gawain.
Saroy, kung sa akin lang, hindi ako papayag, dahil alam kong kahit dito lang tayo sa masikip na kabuhayan, may pagsasama pa rin, magkasama pa rin.  At  kung gusto mong tumulong, magagawa mo; baguhin mo lang ang ugali mo, at itong kalagayan natin kahit mahirap ay uuwi sa katahimikan. Hindi ka naaawa sa akin na mahinana  at mayroon pa tayong anak?
Ah! Aalis ako! Biglang umagot si Saroy  at buclas na tinig, nahiya akong magtrabaho rito, mabuti ang sa malayo at ano pa ang magagawa mo dahil nakakuha na ako ng patinga na bilang “antisipo” sa agente? Sa Haway may pera, mabuting pagkain, may sine, at hamungaya ang lahat….
Toning, hingin mo ang lahat sa akin, payagan mo lang akong makapunta sa Haway, ibibigay ko sa ‘yo…
Nang mapakinggan ito ni Toning, naalaala niya una sa lahat ang kaluluwa at ang kanyang cadungganan.  Siya’y kusang iiwan, talikuran, at walang sinumang pagasaligan kundi  ang kanyang sarili konsensiyang kinikilala niyang nakatira at tinatanggap niya ang kasalanan. , dahil  hindi nga sila kasal ayon sa kasuguan ng kanyang pagkakrisyano? Guinkalitan niya ang mga salita ni Saroy ag saka sumagot:
Oo, may hihingin ako sa ‘yo. Makinig ka kung aari. Isa sa mga tinik na tumutusok sa puso ko’y ay ang ating pagcamancebado. Nahihiya ako sa mga tao, para bang wala akong mukhang ipapakita, at  ito’y iniiyakan ko ng walang  puut…
Magpapakasal tayo sa simbahan, ang ibig mong sabihin? Handa ako,  alam mo yon, ngunit hindi ko nagustuhan itong paraan ng pari na magkukumpisal pa ako…
Saroy, isang konswelo, isang maliit na kaligayahan ang hinihingi ko sa ‘yo. Ayaw mo nga dasal, ayaw mo nga kumpisal, ngunit ano nga ba ang masama noon? Hindi ka ba krisiyano na katoliko?
Itong mga salita ni Toning na binanggit na sinamahan ng calooy at pagmamahal noong mga panahon na ibig na tugutan ni Saroy hindi na matanggihan natalo ang kanyang matigas na puso at  pumahangdo.  Si toning parang nakarating sa langit,  agad nakikiawa sa Cura at sa madaling panahon naganap sa paraan ng ng Sta. Iglesia.
Si saroy sa isang banda ay parang  nalugpayan at  ang asawa’y hindi nagpaligad ng pagkakataon sa pagbibigay ng payo sa kanya, upang magpaiwan at tumulong sa pamumuhay na magbago na sana sa kanyang ugali, ngunit kahit anong pigil ni Toning, tumuloy pa rin. Walang sabi-sabing umalis. Ang kawawang asawa at anak, kasama ang isang batang-batang katulong ang nailwan, nabubuhay sa pagtatahi, na sa awa ng Diyos ang makikita ay nakakaahon sa kanilang kailangan.

Tsapter III


Pansamantalang titigilan ko muna ang kwento at ipakilala ko muna sa inyo itong batang-batang  katrulong, na kahin mahirap, na walang linilingunan sa mundo, kundi ang isang matandang ina;  ginintuang puso, mahinoclogon at calaluyagan dahil sa magaang damdamin at kung minsan masayahin. Siya ang katulong ni Toning at siya ang binubuksan niya ng mga matistis na kahirapan na nagahalit ng kanyang buhay. Si Casion ang kanyang kasama nga mabait. Nang nakatingin kay Toning, minsan isang araw, nalunod sa luha nalungkot din at nang mapansin niya ang kanyang paningin sa kanyang sarili na caolehanan, nabanggit ng “Ay! Itong pag-aasawa!.. aywan kung bakit maraming dalagang nagmamadali. Mahulugan nga nila ang krus na bali na katulad ni Saroy, aywan lang, yan na ang pagdudungtong ng  luha at sipon. Mabibingi ka sa  gutom at magdidilim ang inyong paningin.  Ah!  Kung ganon lang naman ang bana mabuti pang wala kahit na magbabayo ako ng gala-gala at kulog sa kabilang buhay.  Mabuti kung ang bana ay masipag at mabait na ngayon kay tiya Toning, dahil niyak ng pawikan at dasal ang gamot ng kanyang kahirapan. , magtratrabaho ng tahimik, manahi ng may kasipagan, naagiwan pa ng paglalamay…at ay! Nakakabusit sa amin, dahil ang pera na ipapakain kay tiyo saroy na walang ginawa kundi maglandolando, papunta roon at parito, inum at sugal, at maghimas ng kanyang manok…Aywan kung ano ang utak ng taong iyan, dahil ang kanyang tinalian na yan, mas higit pa kay sa kanyang anak. Hindi nakakahawak ng bata, ngunit umaga pa naghihimas na siya ng kanyang manok, aga pa nagpapasampok sa kalsada. Kung Linggo, mahal pa ang sabong kaysa misa dahil kung araw ng sabong maaga pa sa sabungan at hindi na nakaala-alang magsimba. Pambihirang ring tao si tiyo Saroy…
Dahil dito, alam ni Casion ang masapnot ng kanilang buhay, kaya nang araw na nagkasundong umalis si Casroy at nang maratnan niyang hinihimok, masaya sing pangnauong, na parang biglang nahura ng hangin ang panahon ng dungdung,  malaki ang  pagtaka ni Casion makinig kay saroy nga parang isa malagna nga nagapangasoy sa kanyang kapalaran minimithi at halos na abutin.
Casion, sabi niya, parang liparin ko ang haway! Sayang na hindi ako nakapunta, sana naiwasan ko itong infierno. Hindi ba’t  yong gusto mong kumain ng mabuti at titingin ka lang, naglalaway ako, ibig mong uminum ng masarap ng inumin at naglalaway ka lang; ibig mong tumaya sa sugal at wala kang pera?
Sa akin yan ang tinatawag na malaking infierno.  Kung walang pera para bang dinadagit-dagit ako ng demonyo. Kung maraanan ko ang isang inumin na gustong-gusto ko at walang perang ipagbili, linulunok ko lang ang laway ko, Yan ang dahilan kung bakit madalas akong nagpapasingit kay tiya mo   Toning, at hindi ko alam kung hanggan saan ang kamalasan ko. Sinasabihan ko siyang hindi laging magsisimba, dahil kung makarinig siya ng sermon ng pari, nagdedebota at pati ako ay sinisermonan niya ako dito sa bahay. Nasusuman na ako sa pakikinig ng laygay niya na walang kasarap-sarap. , walang atsoy,  ayaw niya akong magsugal, hindi painumin…pshi!...nafsusgal nga ang presidente ng monte at ang hepe ng pulis, ako pa. Anhin lang dahil sa sugar at inum may guian na ako, nayangao na talaga ako….Mgunit madali nalang ang matapos ang hirap na ito., mapa-Haway ako, doon na ang langit…, may kantina ng inumin, may sine at magagandang mga dalaga sabi ng ahente ng sacada. Saroy, saroy, madali na lang ang langit. Ibig o hindi si Toning, aalis ako.\Tiyo Saroy, hindi ka naawa kay tiya na naghihira at walang kasama sa pamumuhay? Naquiana si Casion.
Naawa rin ako sa kanya, dahil naghihirap ang cailo….ngunit hindi makikita ang Manila kung hindi sasakay. Karikarinyuhin ko lang si Toning, karinyu lang…sa kahayupan ko…subra talaga…kakarinyuhin ko lang…sasaya ang damdamin nyan dahil may dala akong bigas, ulam at sagubg  para kay nonoy…
Si Casion na nag-aalangang magsalungat sa sinabi ni Saroy,  tama lang ang magtanga at manahinik at kung minsa ay ngingiti sa mga tibad nga kaisipan nga sa iya guinaalao. Kung minsan ang magtahimik ay hindi rin nagpapatunay at hindi rin pagsang-ayon sa sinasabi. Maraming pagkakataon na pumipilit na tayo ay tumahimik, kahit tumpilas ang kaisipan na ating pinapakinggan at kahit kasinungalingan o hindi sang-ayon kaisipan natin ang sinasabi ng iba, dahil alam natin na ang pagsasagot ay dapat pag-aralan ng matagal at nagbibigay ng sama ng loob, ito ang dumating sa isip ni Casion, kaya wala na nagparami ng salita.  Sa mga ducalan at mapiguson, ng loob na hindi magatubaling ng katarungan katulad ni Saroy, ang pagtatahimik at ngiti ay ang magaling na sagot.
Sa mga sinabi ni Saroy, pwede nating mahuhula kung sino siya, kung ano ang gusto niya,ano ang minimithi niya, ano ang kanyang panimuot. Totoong-toto na siya’y patay-gutom, lasingero, sugaror, at lahing nakakahiya at talamayon sa bisyo na nakakalunod sa kanya kahiyaan, ito ang katamaran.

Tsaper IV

Sa mga mahihirap, bilidhon talaga ang magkapagkakaawain ng Diyos, dahil talagang magkamakumbaba, makilala bilang salat sa buhay at nagmamakaawa sa kanya; para siya ang magbigay ng malusog nga pangangatawan, magsikap, at sa kanilang pagsisikap makahanap ng maitutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Diyos na lang ang ginasaligan ko sa itong aming kalagayan, sai ni Toning cay Dora, na isa niyang kaibigan na noong isang araw ay bumisita sa kanya.  Dahil Dora sino ang aming lakas? Naku nang magkasakit si nonoy ko, wala ng mag-aalaga sa kana, walang maghahanap ng gaot, wala na ng nadaliang tatahiin na gagamitin ng tao, dahil ako lang mag-isa.  At ang mga katulong sa mga panahong ngayong paghihirap, oh! kahit mag-unong, talagang hindi makakatulad sa magulang. Salamat sa Dios, dahil kung kami'y nakakaranas ng kahirapan hindi kami nila pinapababayaan, pinapakita ang kanilang pagtulong para mamahalin siya ng totoo.
Ah, s isang band, sagot ni Dora, ikaw naman talaga ang dapat sisihin.  Alam mo na talagang mahirap kung walang lakas, kung bakit pinayagan mo si Saroy? Sa kabilang dako, mabuti rin kung malayo siya para walang gulo.
Dora, kung alam mo lang, walang kulang ang pagpigil, na huwag siyang umalis, at ganoon ang kanyang ugali, anong gagawin dahil bana, at mabuti naman kung narito sia para makakatulong, may paggalang ang mga tao sa loob ng bahay.
Anong paggalang man? Sa ngayon kay Saroy, may gagalang na tao? Ano ka Toning? Nang dito pa siya husto lang na siya'y i-tsismis, paikot-ikotin kung baga, at kasama ka rin, sa mga tsismis ng mga tao, na sabi, sayang yong mga taon ng iyong pag-aaral.
Dora, pataohayan natin.  Nasabi ko na mabuti kung narito sia; dahil ang tao ay pipigil sa kanilang cahas, at nandito ngayon, dahil ako'y isang babae, isang mahinang at pulubi pa, tama lang na paghiinarasharasan, kaya kung nandito siya magdadalawang-isip ang tao.  Kung siya ang pinag-uusapan, hindi ko mapigilan dahil yon ang tacus sa kanya dahil sa ginawa niya.  Na ako'y sasabihing haruhal?Siguro sa mga baro ko hindi katulad nang dalaga pa ako, yan ay totoo; ngunit  Dora, papaano makakalipad ang ibon kung walang pakpak. At kung ang tao ay nariyan sa pagtitiis....
Bakit, naquiana si Dora, labis an pagtitiis mo? Anong problema mo?
Dora, hindi kaaya-ayang buksan ko ang aking kahirapan, alam mo naman na hindi magandang na ibulatlat sa ibang tao ang mga nangyayari sa loob ng bahay, kaya ako tumatahimik lang. Hindi ko pinagsasabi kahit kanino ang mga nangyayari sa akin at sa aking bana, dahil anong paki-alam ng ibang tao; subalit dahil magandang ang ating pakikisama, masasabi ko lang, may napakabigat akong krus na binubuhat, krus ng aking palad.\
Labis ang pagtataka ko dahil napakalalim ng sekreto mo Toning, kung magsasalita ka. Ang mga Krus? At mula ng magpabuang-buang si Saroy, higit ka pa sa isang diyosnanon, laging na sa simbahan, laging nagpangalawat, at mga “krus” na sinasabi mo.
Dahil dito, lalong nagtataka si Dora, hindi niya maintindihan ang puno at duli, sa mga sinasabi, kaya’t hindi katakataka na ang lahat ay laging nag-uusisa.
Kwentuhan mo nga ako Toning, kung ano talaga yan dahil tama lang sa akin ay ang paglumpaang sa “lote” at “panguinggue”  walang pinapakinggan kundi ang politana, pantot, alas na bastos at ang binastos na salita, tama lang sa amin ang magdibersiyon, dahil ano ba talaga ang binabanggit sa awit?
Ang sugal na paguinggue ay laro ng mga babae,
manalo o matalo, kapag tumigil ay wala lang.
Si Toning ay ngumiti at nilibang-libang ang damdamin, at ibig niya sanang dalhin sa ibang bagay ang takbo ng usapan. Ngunit si Dora ay sadyang nagapasibut guid.
Ganoon yan talaga, huwag kang magtaka, sagot ni Toning, Hindi nga ako nagpaparelihiyusa kundi dahil nga sa aking kahirapan, walang mahaharap kundi ang Diyos, dahil wala ng tutulong sa akin.
Naku, napakabata mong yan, gaganyan ka? Aywan, napakalalim ng sinasabi mo…ano ba talaga?
Dora, dahil batang-batang pa nga ako, dahil dito tayo sa gitna ng mundo, na madulas, kaya kung kulang ang ating pasangga, kulang sa panimbangon, kung sa akin ang pagkatakot sa Diyos, madali ang hiya, at ako’y nadala na, nag-iingat.
May ibang tukoy si Dora, ang kanyang mga salita ay may silibton. Ngunit ang tinitingnan niya ay ang capag-on ng panimuot ni Toning na hindi niya kaagad-agad dil mapahaylo sa kislap ng pera, dahil nga pumunta sa palagad ng Diyos, at ang santos na takot sa Diyos ang higit na mapag-on na catig nga ipanimbangon sa panulay, hindi siya maghutohut sing pasat-um sa liuan nga pulong sang iya catuyuan, naratnan ng hiya nga sia sa hinali pagtaugon nga bugao, gani iya pinangitaan ng lusutan para matapos ang kanilang usapan,  sa pagpaguiana sing:
Eh si Saroy talagang hindi sumulat at nagpadala ng pera na gagastuhin? Sabi niya sa akin, talagang magpapadala siya.
Wala pa hanggang ngayon; ang pagkakaalam ko sa Cebu sila dumaan papuntang Haway, ngunit hindi klo alam kung totoo..Bantayan at maawaan siya ng Diyos.!
Umuwi si dora, at si Toning nagpasalamat sa Diys, dahil maipapatuloy na siya ng kanyang trabaho. Itong pagpapamasyal na walang kabuluhan, talagang hindi maganda., at kung sa ating pinuntahan ay may trabaho ang maybahay, nasasawa din tayo, at sa huli iiwasan na hindi na haharapin at sadyang tatanggihan.

Tsapter V
Hindi nagtagal nang umalis si Dora, may isang dumating sa kanilang bahay na isang intsik, may dalang isang pinutos.
“Magandang hapon, Toning,” nagbigay siya ng magandang ora, “ako ‘pasialo’ lang.”
Salamat, pasok at umupo.
Tinawag ni toning si Casion na naghahawak ng bata at pina-upo sa tabi niya at silang dalwa ang humarap sa bagong-pasok na dumulu-ao.
Bakit napunta kayo rito, anong kailangan ninyo?  Nagtaka si Toning.
Ah, wala. Namamasyal lang, kumusta?
Parang nanginig si Toning, hindi kaagad kasagot, hindi nagtagal sumagot ng ganito:
Mabuti naman kami sa awa ng Diyos.
Ah kayo talagang mabuti, tumingin agad intsik, kahit walang awa ng Diyos, ikaw talagang mabuti, mabuting mabuti ka…daming may gusto sa yo.
Diyos ko! Dumuco si toning at tumingin sa kanyang anak at nagsalita ng marahan: Walang hiya itong intsik na ito ah,  umakyat at pagpanulay! Jesus! Kahit walang awa ang Diyos. Patawarin siya ng Maykapal, hindi niya alam ang sinasabi niya.
Kumusta ang bana mo? patuloy ng intsik, hindi na guro dating, indi na balik.  Mahal kita.
Mabuti rin.  Sumagot si Toning ng malakas na nagpapakilalang hindi niya nagustuhan. Babalik yon dahil dito  ang bayan niya.
Ako dala regalo para iyo at bata mo. Agad nilagay sa upuan ang binalot na tinapay at sayahon ang laman. “Ako mahal sa yo!” Nang ilagay niya nagulat ang bata at agad umiyak, kaya’t hinawakan ni toning at idayandayan, at sa dibdib lang nagpapasalat sa Diyos dahil umiyak ang bata, may dahilan na iwan ang intsik. Umiiyak pa rin ang bata, kaya nagsalita siya.
Amigo salamat sa yong cabalaka kung iyang regalo ay dahil sa awa ninyo sa amin. Ngunit dalhin ninyo, sa awa ng Diyos, hindi pa namin kailangan yan. Ang Diyos ay maawain na nagbibigay sa buhay namin. Tungkol sa pag-ibig sa akin,  hindi pwede, hindi ako tumatanggap kahit kanino…at humihingi ako ng kapatawaran dahil hindi ko mapagpatuloy sa pag-uusap sa yo dahil umiiyak ang anak ko, at may ginagawa pa ako.
Tuloy pasok sa kwarto at hindi na bumalik pa. Naiwan ang katulong, nagbabantay sa intsik.
Bulshit! Sabi ng intsik na nagalungulungo ang ulo, at nang maayos na ang kanyang dala, tumayo at umalis ng walang sabi-sabi., bumaba at nang dumating s cunsaran ng hagdan, nagcumudcumud ng: Hindi guro sabi si Dora. Sayang suhol ko Dora!”…


Tsapter VI
Nagacanaycanay ang buhay ni toning dahil hindi nauubusan ng tatahiin at kapag nakatahi kung sakaling makatahi ng ilang piraso sa isang araw, tumatanggap din ng tambing na bayad na pera ng quinawala.

Mahigit nang dalawang  taon na umalis si Sanoy, at buhat noon ay hindi siya nakatanggap ng sulat, kaya nawala ang lahat niyang pag-asa na sila kasama ang kanilang anak ay maala-ala pa, lalo na’t may mga malulungkot namga balitang natatanggap niya.  Isang araw, may isang taong dumaan sa kanilang bahay, at mabuting kaibigan niya ito, na sumasakay sa Cebu at Mindanao at maraming kilala. Ang kaibigang ito ay si Araez Ventura, na ang tawag sa kanya ay si Tiyo Tura.
Toning, sabi niya nang pumasok at nang magbatian, pag-aralan mo ang mga hirap.  Kumusta ka na? Sa paningin ko, mabilis ang pagtanda mo.  Bakit ganoon ang nangyayari kung mabalu ng buhay?
Ako tiyo Tura, ganoon pa rin. Totoo tumatanda tayo dahil ganoon talaga tayo  sa mundo, talagang tumatanda.  Sa tingin ko noon dahil nawala na ang buhok sa ulo mo, lumipat ang naging pagkamasiyahin mo, pero pareho ka rin, mapagbiro….
Ayan ang sinasabi ko sa yo na ang problema ay pag-iisipan dahil kung ipasuk mo yan sa isipan mo at manunuot sa puso, madali puputi ang buhok mo, madali ka magtitingala ng mga damo sa libingan.  Ako ang lahat na pait ng buhay ko’y pinalalampas ko lang at umasa sa langit. Eh, ano ang balita mo tungkol kay Saroy?
Nasiyahan nga ako’t nagkita tayo, akala ko noon makikipagbalita ako sa sa yo kung ano ang napakinggan mo.
Naku, Inday, yong si saroy mo!...ay ko kung ano ang nag-utos kanyang pagkaahas, dahil kahit ibalik sa tiyan ng nanay niya, kung papayag lang ang Maykapal, masama pa rin paglabas niya. Naku napakasalbahe.  Magandang paluin sa tiyan….
At katulad noon,  huwag mo akong sumpain, kundi pag-uusapan natin ang totoo,  tulad noon, na walang takot sa Diyos, walang pakiramdam sa patugsiling at konsiderasyon, dahil lumaki sa may malasakit at may pakiramdam, dahil lumaki sa kaalaman na walang pangkristiyano, ano ang mararating?  Marurong siya sa Aritmetica, iningles, geografia, mahusay sa bisbol, at sa akala niya,  pag-aralan lamang yan, matutu na siya sa lahat. Iyang karunungan hindi sapat, kulang pa, nakakapuno lang ng ulo, dayaan, pabilisan at paglubag ng katarungan, ngunit hindi makakapaanad sa tao sa matarung nga panimuot at ugali dahil wala ang pagtoo nga nagamando at nakakapagtuwid ng ugali.  Sa iyo, Toning, ang hindi nakakakilala dahil hindi natatakot sa Diyos, matatakot sa tao?  Dahil yang paniniwala na nagdadala ng takot sa Diyos, wala yan kay Sanoy, iyang takot na macapuyong sa tao sa calacasan, makahauid sa mga hinali na kalooban, makakapagpaala-ala sa tao ng matagal at kung nagtalang ibabalik sa matuwid na daan, at nagapaugdang sa tao, wala yan kay Sanoy, kaya’t ang kanyang talino ay lumabas na sunog na hilaw kung sa mga sinugba.
Si Toning nga nakakilala sa kanyang bana na ang ugali niya kung hindi nagbago ay hihila sa kanyang kasamaan, nagpapaliwanag ng pagdududa na malaki kaya’t pagpasicut guid.
Bakit anong ginawa niya roon?
Noong isang buwan pa sabi ng isang piloto ng Vapor na papunta’t pabalik, nagpakasal siya sa isang anak ng kapatas ng “sakada”…
Sino ang kakasal na may asawa pa siya?  Kaya’t hindi yan pwedeng mangyari?
Bakit hindi?  Man sa limbong matatalo mo si Saroy?  Ganito kasi. Siya’y pina-alis sa Central! Dahil laging lasing,  malaki ang utang sa mga obrero, at hindi mapiahan ng pera. Nang sa labas na ng walang colocacion, nagprotesta, pastor sia at may kaunting sahod; at lumigaw-ligaw sa anak ng isang kapatas ng sakada, kanyang tinanan at dalhin sa Mindanao sa isa ring pastor at doon nagpakasal. Parang kasinulanginan, ngunit yan ang totoo.
Jesus, Maria y Jose! Nga pacacahas!   Bakit ang pastor na nagkasal hindi na nag-usisa kung binata siya o hindi?  Kung sa pari, talagang inuusisa ito.
Ay, kung bakit nangyari. Ang tawag ng tatlong linggo at lahat na pangaman ng pari ay sa ating paniniwala, iyan wala sa protestante, “gohit” lang, sige lang sila, kaya’t yon ang pinupuntahan ng mga nagmamadali at batsiller sa kalokohan. At talagang nakasal sila ng babaeng iyon. May pera ang babae kaya’t gin-ayap ng pera, at dinamihan ng gastos. At dahil naubos na ang pera, umalis na naman, kaya’t tinitingnan kong hindi naman malayo ang araw na si Sanoy ay makakarating sa kasamaan. Tingnan mo na lang. Naku, magsisigabong talaga.
Huwag ipapalapit sa kanya ang lahat na masama. Kung sa akin, tiyo Ventura nakaraan na ang lahat, sa awa ng Diyos, nabubuhay kami ng walang anuman.
Sayang na bata! Ngunit anong magagawa mo! Kaya inday magpakabuti ka.  Aalis muna ako, paalam na muna dahil nagmamadali ako.
Agad bumaba ang matanda. Nalungkot si Toning, hindi nakatahi, hindi makakagawa ng kahit ano, nagmamaktol sa loob ng bahay, parang nag-aaliw-aliw sa sarili, ngunit sa kanyang mga mata hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang dibdib, na humigpit sa sakit.
Ay, Diyos ko!...yumuko na para bang nagdarasal…Totoo yong  sinabi ni tiyo Tura na pag-isip-isipan dahil kung indi malapit ang kamatayan.
Casion, Casion! bumaba sa katulong. At agad umiyak.  Nang malaman ni Casion, bumati man sing cahanuclog tumingin ng pagtulo ng luha ni Toning.
Tiya Toning, anong nangyari sa yo’t napakalungkot  mo?
Casion, labis na itong hirap na nasa puso ko nagatugub, nabubura ang kaligayahan sa isipan, oh sa puso’y pinupunit…
Tiya matutulungan kita?  Naku, kung pwede lang, ayaw kong makitang naghihirap ka dahil sumisikip din agad ang aking dibdib.
Casion, anong magagawa ko. Kung ibig pa ng langit na tayo’y magtiis, dapat tayo’y magpakumbaba at sumunod.
Nahanuclog (pity, condolence) si Toning nang awa ag maloloy-on na cabubut-on ni Casion, dahil totoong siya’y katulong lang naman, ngunit hindi katulad ng iba na pangbaro lang at hinahawa ang guinahingaogao, na walang paki-alam sa mga magulang at maki-isa sa ama. Si casion ay hindi makakatulog kung may pera na hindi niya maipapadala sa kanayang matandang magulang at nang bigyan siya ni Toning  ng dalawang perasong patadyong, binigay niya ang isa sa kanyang nanay. Oh, sa mga katulong, makakakita rin tayo ng espiritong dalisay at ginintuang puso.


Tsapter VII

Ilang araw na ang nakaraan at ang buong katawan niya ay nararamdaman ni Toning ang cahilas at kahina na parang tunda sa isang baga na  bago, malungkot at kirot.  Totoo ito. Isang umaga, nagtatahi siya, dumating ang isang babae na medyo mabuti, parang lalaki kung gumalaw, na sa kanyang pagsusuot ng baro mukhang naglalakbay.
Ito ba ang bahay ni Narciso Cordon? Sa pananaw ni Toning, parang inaangkin ng babong dating.
Amiga, sabat ni Toning, kaninong bahay ba ang hinahanap ninyo?
Ang kay Narciso na ang palayaw ay si Saroy. Ito ba yon?
Oo, sa bahay na ito nakatira si Saroy...Pumasok ka muna.
Tinanggap siya ng mabuti, pina-upo at tinuloy ni Toning ang pagsasalita.
Yumuko si Toning, na parang lumalaban sa hiya sa kanyang pagsagot.
Ako si Toning na asawa ni Saroy, asawang kapus-palad dahil...
Ano? Hindi pwede....Ako ang asawa ni Saroy, at kinasal kami sa Mindanao.
Oo, hindi ako nangangagaw, iyo;  kaya lang sinasabi  ko sa yo na hindi mabuti na titira ka rito sa akin.
Hindi ba't  bahay ito ng asawa ko?
Hindi, dahil pag-alis ni Saroy, hindi niya ito bahay,  nag-arkila lang kami, at nang umalis siya, sa pagsisikap ko'y binili ko ito sa may-ari.
Amiga, dispensaha ako! Malagang asawa ka ni Saro?
Amiga, oo. Asawa ako na sawing-palad ni Saroy, iniwan sa kahabagk-habag na kalagayan...
Wala kayong anak?
Isa, lalaki.
Kinasal kayo?
Oo.
Ano itong kalagayan?
 Ah! Guinlimbugan ako?  Parang hindi ako naniniwala na ito'y maratnan ko. Disgrasya at kabuysitan na malaki. Ah! Sa harap mo, sinusumpako na yong walanghiya na sumira sa aking dungog at nag-amolit ng aking aligayahan, hahanapin ko talaga, hindi ako matatawag na Claudia kung hindi ko siya mapabilibid. Ang ganyang lalaki...Ay! po vida, ipahiram lang sa akin ng Dios ang kanyag kapangyarihan kahit sandali lang, tutunawin ko siya sa mundo...
Hindi maaayos ang galit ni Claudia, dahil totoo ang kahimtangan  ng isang babae guinlimbungan? Anong sayang na kayamanan niyang na yon lang ang kinagat? Anong pagpahirap ng kanyang palad? Ngunit si Toning ay mataas ang kanyang subo na bagay sa kahirapan, hindi nagtaka, hinonoo naloo sa katulad niya, na sa mabuting sabi na tinangay ng hangin, nagpadaladala, kaya't satinayuan ng totoong asawa at sa kapwa babae, nagsabi:
Amiga, manginahon ang inyong damdamin. Kahit ganoon ang inyong naratnan sa harap ng madla, ang puri ay buo na walang cadlas dahil wala ka namang kasalanan? Guinlimbugan ka.
Naku, hindi ko naisip na ganito ang mararatnan ko.
Katapusan na itong leksiyon sa ating dalawa, huli na ang pagsisisi! Ngunit ang nangyayari sa atin ngayon makakapagparamdam masgicababae ta nga pamatanon, upang , para sa hindi pa sila nagpakasal, pag-iisipan muna nila. Dahil kung lumigaw ka ng alanganin sa isang babae na labis na pagmamahal susunod-sunurin, talagang ito ang kanilang maratnan.
Itong mga sinabi ni Toning hindi nakapatay ng apoy ng init-ulo na umaapoy sa dibsib ni Claudia, na alagang gustong gumanti sa nasugatan niyang  damdamin at humampas ng kanyang puri.
Ah, sa harap ng hustisya kami magkikita, kahit sa ilalim siya ng lupa, hahanapin siya ng captura. Hahanapin ko kung saan siyang tabi...Sinusumpa ko!
Naghiwalay silang dalawa. Si Toning puno ng calooy kaysa kay Claudia, at ito'y parang matunaw sa kahiyaan at galit, pumuputok.
Ang pagkakadalaga ko'y naglus-ao, lumanta!...

Tsapter VIII
Sa buong bayan pinag-uusapan tungkol kay Toning na inabutan ng ikalawang asawa ni Saroy.  Ang mga kainuman ni Saroy at sa baraha, nagsasabing mabuti pa siya dahil nakauwi siya, ngunit ang mga matarung  ng damdamin ay tinitingnan itong masamang  katapusan na mangyayari sa madaling panahon.
Sa gitna ng lahat na ito, ang  puri ni Toning ay lumilitaw, nagabanaag ang kabutihan na hinahangaan dahil nga malakas na nagpapakasanta sa kanyang kalagayan, na lumaban sa lahat na pagpapapalit ng pera at ligaya na mundo. Siya’y naging halimbawa  ng buhay na isa-isa lang, at kung may pagpuri siyang napapakinggan, agad nagpapakumbaba, talagang isang babaeng maugdang. Halos magpuas ang sinasabi at mga sabi-sabi, dumating sa bayan ang isang taong na nakaposas ang dalawang kamay, tanda na nakakulong at sinusundad ng dalawang bantay na constabulario na ito ay si Saroy…patungo sa bahay ni toning at sinusundan ng mga bata at maraming tao.  Si Toning na nananahi  sa kanyang makina ay nagulat sa madlang tao na lumantad sa kanilang bahay.
-Jesus, anong nangyari?  Nagsalita siya, ano na naman yan? Pumasok ang isang tao na binabantayan ng dalawang tanod at agad ito’y nakilala ni Toning, ngunit sa pagkabigla hindi siya nakatayo.
=toning, anong nangyari sa ‘yo?  Nagtaka ang bilanggo.
-Saroy!...Tumu-ao sia.
=Toning ito ang naratnan ko.
Si Toning sa pagkabigla at nalungkot sa kanyang nakikita, hindi halos makakabanggit sa kanyang gustong sabihin, at si Saroy sa hiya hindi rin macatalangcud sa pagpangasoy.  Pina-upo sila ni Toning.
=Toning, pumunta lang ako rito,  dagdag pa ni Saroy,  upang magpapaalam sa ‘yo, siguro ito na ang kahuli-hulihan kong dalaw kay Nonoy, katapusan na konswelo nitong kriminal, sa pagpapahirap sa yo, at sa di mabilang na kasalanan sa mundo. Sinakdal ako ni Claudia, hinuli at dahil maliwanag ang aking pasalanan,  humihingi ako ng kapatawaran, at pagbabayaran ang kahilingan ni Claudia, na bayad na ang kanyang karangalan na sinira ko.  Pupunta ako ng Maynila sa Bilibid, at nang hindi pa ako nakasakay nagmamakaawa na makapunta ako sa inyo. Pinayagan naman ako ng aking mga kasama. Kaya narito ako…
-Saroy kung pwede lang sana!...Ngayon tinitingnan ko ang iyong pagsisisi sa kinaratnan mo…ngunit wala ng magagawa,  huli na yang kabutihan, huli na ang pagsisisi. Kung noon nakinig ka sa akin!...Kung lumingon ka lang sa amin noon…
=Toning, ngayon kinikilala ko ang kadalisayan ng kaluluwa mo, at ang kabutihan ng damdamin mo.  Totoo, isa akong masamang tao, isang bana na masama, isang ama na walang puso….Ngunit ngayon ay binabayaran ko, handa ako sa pagtitiis sa lahat na mga parusa ng  mundo, para sa gayon ay papatawarin ako ng Diyos  at patatawarin mo rin…
Agad hinuli ni Saroy ng dalawang mga kamay niya na nakadikit ang kanang kamay ni Toning at hinalikan.
Hindi dapat aayusin ang problema ng bawat isa sa kanila.  Ang mga tanod, si Casion na kumakarga ng bata na nakayuko  ay bigla lang tumingin ng walang kibo. Si Saroy ay lumapit sa anak at humalik at nagpatulo ng luha.
=Toning pinapatawad mo ako? Toning? Nagpapaawa siya.
-Saroy, wala akong galit sa 'yo.... hindi kita nakalimutan sa aking mga panalangin na bigyan ka ng pagsisisi para hindi kaagad-agad mawala ang espirito at dahil makadiyos ang ating pag-aasawa, kahit dito ako sa gitna ng kahirapan, iniisip pa rin kita.
=Toning, kaawaan ako ng Diyos.
-Habang buhay...dahil itong buhay ko'y inaaly ko sa Diyos., at sa pag-alaga ng isa nating anak. Ah! Saroy kung binibigyan mo ng pansin ang pagtoloohan na ang buhay ano ang maudo sa hirap,  kasiyahan, at sa lahat yan ang buhay…kaya lang ang bisyo ang napili mo…saya nagbago  ka.
=Toning, ako’y nangyaring isang totoong kriminal…hindi nakinig kahit sa ano, tinalikuran ko noon ang Diyos, binayaan ang religion…
Kinamusta niya si Toning, hinalikan ng katapusan ang bata, at umalis nang walang iniwan kundi kalungkutang bakas ng kanyang buhay, na nagpapakita ng mapait na bunga ng bisyo, at kung tungkol kay Toning nagpapakita din ng mabuting birtud, at kapag kailangan ng modesty sa isang babae sa bilog niyang buhay at kalagayan.

No comments: