Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, September 03, 2017

Ang Alamat ng Jawili Falls



Ang Alamat ng Jawili Falls*
Sinulat muli ni Melchor F. Cichon
Sept 4, 2017

Bago mawalan ng huling hininga si Lolo Itsong ay tinawag niya ang kanyang dalawang apo na sina Inggot at Jawili upang ipagmana sa kanila ang tinatago-tagong puyo na minana pa niya sa kanyang kalolo-lolohan.
“Mga apo, ito ang tinatago-tago kong puyo at gusto ko ring ipagmana sa inyong dalawa. Gusto kong pag-iingatan din ninyo ito katulad sa pag-iingat ko. At huwag na huwag ninyong buksan ito kahit ano man ang mangyayari,” bilin ng kanilang Lolo.
“Opo, Lolo”, sagot ni Jawili.
Hindi umimik si Inggot ngunit hinablot niya ang puyo na inaabot sa kanila ng kanilang lolo. At bigla siyang tumakbo palabas ng bahay at tumungo sa bundok na malapit lang sa kanila. Sinundan siya ng kanyang kapatid na si Jawili na umiiyak dahil baka ano pa ang gagawin ni Inggot sa puyo na iyon. Ngunit hindi niya aabutan ang kanyang matandang kapatid.
Tuloy-tulong ang pagtatakbo ni Inggot paakyat sa bundok. Nang tumating siya sa toktok ng bundok ay agad-agad niya itong binuksan dahil gusto niyang maangkin lahat kung ano mang kayamanan ang sa loob ng puyong iyon. Ngunit nang buksan ni Inggot ang puyo, biglang kumidlat at kumulog ng nakakabingi. At ang mga malalaking bato sa toktok ng bundok na iyon ay nagkakabiak-biak at ang mga ito ay nahulog, samantalang tuloy pa rin ang pag-iiyak ni Jawili habang siya'y umaakyat sa bundok. Kasabay nito’y hinay-hinay sila Inggot at Jawili na tumitigas at naging bato, ngunit tuloy-tuloy pa rin ang pag-iiyak ni Jawili.
Ito ang mga luha ni Jawili na hanggang ngayon ay dumadaloy mula sa toktok ng bundok na iyon na ngayon ay tinatawag na Jawili Falls.
***
*Ang Jawili Falls ay matatagpuan sa Barangay Jawili, Tangalan, Aklan.

No comments: