Total Pageviews

Search This Blog

Thursday, September 21, 2017

Si Mangtas at si Masulsog, draft



Si Mangtas at si Masulsog
Ni Melchor F. Cichon
Sept. 21, 2017

Humihingal nang umuwi si Masulsog sa kanilang kuta at agad-agad itong nagbantala sa kanyang mga kasamang daga na naroon si Mangtas  na pusa sa bahay ni Tay Itsong kung saan madalas silang nagnanakaw ng karne at isda. Kung hindi siya agad nakatakbo, siguradong putol ang ulo niya.  Kaagad-agad ay nagtawag siya ng emergency miting kung papaano nila magawan ng paraan para madali silang makaiwas kay Mangtas.
May nagmungkahi na sana malagyan nila ng kiling-kiling ang leeg ni Mangtas para paggumalaw siya ay agad itong tutunog at kapag napakinggan nila ito ay insigida silang makakatakas. Ngunit  kung papaano at kung sino ang maglalagay nito, yon ang malaking problema. Sabi pa ng isang daga na magnanakaw muna sila ng karne at ibabad nila ito sa Tanduay ng isang araw at ito ay ipapakain kay Mangtas para malasing siya. At kapag lasing na, madali ng magtali ng kiling-kiling sa leeg ni Mangtas.  May nagsabi pang isang daga na may nakita siyang kiling-kiling sa kapitbahay ni Tay Itsong. Kaya nang sumapit ang gabi ay naghiwahiwalay silang magtropa at nagnakaw ng Tanduay, karneng baboy at kiling-kiling. Dinala nila lahat ang mga ito sa kanilang kuta. Ang karneng –baboy ay binabad nila sa Tanduay sa buong magdamag hanggang sa kasunod na araw. Paglubog ng araw ay inayos na nila ang mga ninakaw nilang  kiling-kiling at ang binabad na karneng baboy.  Nangako si Masulsog na siya ang magdadala ng karneng baboy sa bahay nila Tay Itsong at siya rin ang magtatali ng kiling-kiling sa leeg ni Mangtas. Hindi nagtagal ay nilapag na ni Masulsog ang karneng baboy sa ilalim ng lamesa na kakapunas lang ng floor wax. Dito madalas  nagpapahinga si Mangtas. At bumalik kaagad siya sa kisame kung saan nagbabantay ang apat na kasamahan ni Masulsog. Pagkalipas ng mga kalahating oras ay lumapit si Mangtas sa nakalapag na karneng baboy. Sinimut-simutan niya ito at hindi nagtagal ay humiga si Mangtas. Naisip ni Masulsog na natulugan si Mangtas dahil sa pag-aamoy nito sa karneng baboy. Kaya bumaba si Masulsog. Maingat na dinadala-dala niya ang kiling-kiling. Marahan siyang naglakad patungo kay Mangtas. Nang mga isang dangkal na lang ang layo niya kay Mangtas ay nadulas ito  at biglang tumunog ang kiling-kiling. Bigla ding bumangon si Mangtas. Nakita niya si Masulsog at gulping dinakmal niya ito.  At nagsabing: “Akala mo siguro'y kakainin ko itong karneng baboy, ano? Muslim ako, kaya't hindi ko pwedeng kainin ang karneng ito, ngunit masarap kang nguyain.”

No comments: