Total Pageviews

Search This Blog

Monday, November 08, 2021

Kaunlaran Ba o Pag-urong?

Kaunlaran Ba o Pag-urong?
ni Melchor F. Cichon
November 8, 2016
Natatakpan na ang mga mata ko
Ng mga larawan ng mga patayan
Sa kalsada at sa mga kabukiran.
Nabibingi na rin ako
Sa mga balita sa radyo at sa telebisyon
Tungkol sa mga rape cases
At iba pang mga krimen sa mga kabataan.
At ngayon nilulunod na ang facebook ko
Ng mga komento tungkol sa desisyon ng Korte Suprema
Na pwede ng ilibing si Marcos
Sa Libingan ng mga Bayani.
Ilang milyon na ba ang nawaldas na pera
Ng ating kaban dahil sa kumperensiya,
Seminar, miting, at lakbay-aral
Para matuklasan lang ang susi ng ating kaunlaran?
Pero ano ang mga bunga nito?
Kaunlaran ba o pag-urong?
Ito ba ang ipapamana ko sa aking mga apo?
Ito ba ang ipagmamalaki ko bilang Filipino?
Kulang pa ba ang mga batas at mga kasuguan
Sa ating bayan para maging bayang magiliw tayo?

No comments: