Total Pageviews

Search This Blog

Monday, October 11, 2021

Alam Ko!

 

Alam Ko!
Ni Melchor F. Cichon
Oct 12, 2016
 
Alam ko na alam mo rin
Na kung minsan
Kapag kinakausap mo ako
Ang isip ko
Ay naroon sa Pluto
Pinagmamasdan
Kung bakit napupuno
Ang mga puninarya ng bangkay
Na napulot sa kalsada dahil sa droga.
At pinagmamasdan
Ang pag-iikot ng mundo.
At pinakikinggan
Kung dapat na bang
Ibaling na natin
Ang tingin
Sa China, sa Russia at sa North Korea.
Napansin na kasi
Ang mga tinik sa mga rosas
Na mula kay Uncle Sam.
Kaya lang
Baka naman mas matalim
Ang mga tinik ng mga rosas
Na nanggagaling
Sa mga singkit
At sa mga may pulang bandila.
Baka naman
Mas lalong lalapad ang anino
Ng mga rosas na ibibigay
Ng mga ito.

No comments: