Total Pageviews

Search This Blog

Sunday, October 03, 2021

Ay, Buhay!

 

Ay, Buhay!
ni
Melchor F. Cichon
February 7, 2015
 
Nakatayo
Ang isang taong
Grasa
Sa harap ng isang
Aquarium.
"Mabuti pa ang Golden Fish
Kahit hindi nakakakita ng langit,
Busog na busog naman."
"Ako, nakikita ko ang buong
Kalangitan,
Gutom naman."

No comments: