Total Pageviews

Search This Blog

Monday, October 11, 2021

Guro: Tulay Sa Kaunlaran

 

I am sharing this essay of my Apo para sa lahat na guro.
***
Guro: Tulay Sa Kaunlaran
Sinulat ni
Sean Marie A. Cichon
October 3, 2018
 
Ang mga bayani ng ating bayan katulad nila Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Martin Delgado at Graciano Lopez Jaena ay nagbuwis ng kanilang buhay upang makamtan natin ang ating kalayaan.
Ngunit hindi kailangang magbuwis ng buhay para matawag na ang isang tao ay bayani at maging tulay ng ating kaunlaran.
Katulad ng mga pumanaw na mga bayani, ang ating mga guro ay matatawag din silang mga bayaning buhay.
Ang isang bayani ay gumagawa ng paraan upang makatulong sa pag-angat ng buhay ng kapwa nilang mamamayan. At madalas hindi nila inaalintala ang hirap na mararanasan nila maabot lang ang minimithing pangarap.
Kung mapapansin natin ang ating mga guro ay pagod sa paghahanda ng kanilang takdang aralin kinabukasan. Kung minsan hindi na nila mabigyan ng sapat na panahon ang kanilang pamilya para lang sa kapakanan ng kanilang estudyante, mababa man o mataas ang tinatanggap nilang sahod. Malapit man o tatawid pa sila ng ilog para lang makapasok sa kanilang klase at mabigyan ng sapat na karunungan ang kanilang mga tinuturuan.
Kung minsan, kahit Linggo o piyesta opisyal, kailangan pa nilang pumunta sa kani-kanilang klase o opisina dahil may mga bagay na dapat gawin para sa ikakaunlad ng kanilang paaralan, lalo na kung malapit na lang ang oras ng pagpapahalaga ng kanilang programa.
Lahat na hirap na ito ay buong-pusong ginagampanan ng ating mga guro para lang makatulong na makamit ang mga mithiin ng kanilang mga estudyante.
Kasama na ako rito.

No comments: