Ang
Malikhaing Panulatang Akeanon:
Isang
Reaksyon sa Papel na Sinulat ni Dr. Isidoro Cruz
Ni
Melchor F. Cichon
December
1, 2014
Bago
ang lahat, ako'y nagpapasalamat kay Gng. Phillip Yerro Kimpo sa pag-inbita niya
sa akin na magbigay ng kuropkuro hinggil panulatang Aklanon. Labis rin akong nagpapasalamat
sa lahat na namumuno nitong seminar. Kung hindi dahil sa inyo, wala rin siguro
ako rito.
Aaminin
ko. Kakaunti lang talaga ang mga librong Akeanon. Subalit kung magsasamgguni tayo
sa listahan ng mga libro na nasa blog ko ay sigurong makikita atin kung ano-ano
ang mga librong sinulat at nalathala ng mga manunulat na Aklanon.
Pero
dapat nating tandaan na ang literaturang Akeanon ay yumabong ng dumating si Dr.
Leoncio P. Deriada sa Lungsod ng Iloilo. Dati kasi siyang nakabase sa Silliman
University, Dumaguite City. At pinasigla niya ang bagong panulatang Akeanon
dahil sa kanyang pagtuturo sa aming mga manunulat, kasama na rito sina John
Barrios, Alex de Juan, Arwena Tamayo, at marami pang iba.
At
kapag sinabi kong Literaturang Akeanon, ang ibig kong sabihin ay yaong mga
tula, sanaysay, nobela, bugtong, kasabihan, luwa, haiku at iba pang mga
porma nito na sinulat ng mga Aklanon sa ano mang wika, mapa-English, Spanish,
Tagalog, Hiligaynon, Filipino, Kinaray-a, at Aklanon man. At ayaw na ayaw naming
mga Aklanon writers na matawag na kami ay bahagi ng Hiligaynon
Literature. Kaming mga Aklanon writers ay mga Aklanon writers, at ang aming
literatura ay Aklanon Literature.
Noong
1568, may isang tulang Akeanon na sinulat sa baybayin. Ang pamagat nito ay:
Hambae Inakeanon. Ito ay isinama ko sa librong, 32 Best Aklanon Poets
noong 2009.
Noong
1913, inilathala sa pahayagang Ro Akeanon, ang isang tulang “Alay
sa Pahayagang ‘Ro Akeanon’”. At sa sumunod na taon, inilathala naman ang
isang tulang “Sa mga Dalaga: mga Tubo Sa Akean.” Noong 1925, si Gabriel
M. Reyes ay sumulat ng isang nobelang Toning.Ang 35-pahinang nobelang
ito na nasa Hiligaynon na nilimbag ng La Panayana. Binubuod ng huling talata
nito ang buong kuwento:
“Kinumusta
niya si Toning, inilapat ang kanyang huling halik sa anak at lumisan na walang
iniwan kundi ang malungkot na karanaasan ng kanyang buhay na nagpakita ng
mapait na bunga ng bisyo, at kung kay Toning naman ay nagpakita ng birtud ng
kagandahan, at ang pangngailangan ng kabatian ng isang babae sa buong buhay
niya at kalagayan.”
Noong
1926, si Peping Tansinko Manyas ay naglimbag ng isang maikling nobela napinamagatangTagiposuon
nga Hueowaran: Baeasahon Nga may Mataeupangdan (Pusong Huwaran: Babasahing
may Aral). Kinukuwento ng 12-tsapter na nobelang ito ang mga kabayanihan ni
Pedring at ng kanyang asawang si Pesing upang palayain ang kanilang lupang
tinubuan sa mga mananakop. Kasama sa mga obrang ito ang mga tula ni Manyas
katulad ng “Sa Adlaw Nga Kinamatyan nay Doctor Jose Rizal.” (“Sa Araw na
Ikinamatay ni Doctor Jose Rizal.”). Isa pang tula ni Manyas na napasali sa
aklat na ito ay “Haead Sa Adlaw Nga Kinamatyan Ku Napueo Ag Siyam Sa Akean.”
(“Sa Araw ng Kamatayan ng Sampu at Siyam sa Aklan”).
Noong
1957, inilathala ni Tente Undoy ang Mga Bilisad-on. Lakip nito ang 105 na
mga kasabihan sa Akeanon.
Ito
ang paliwanag ni Tente Undoy tungkol sa bilisad-on:
“Ang
mga kasabihan ay mga matimgas at matuwid na mga salita hinggil sa mga katotohanan
ng buhay sa ibabaw ng mundo. Ang lakas nitong mga katotohanan ay nagpapatuwid
ng baluktot na ugali; nagpapagising sa natutulog na mga tao sa kanilang
panaginip, nagpapasaya ng labis ng kahirapan, nagbibigay ng pagtitiwala sa
pusong nagpapabaya sa guhit ng palad; at gumagabay sa daan na iniilawan ng ilaw
ng silangan.”
Isa
sa mga kasabihan na nalathala sa aklat na ito ay ito:
"Ayaw
pag matamataha o sikasikaha ro makita mong parang minimong tawong sumaeangdo sa
imong tangpaan ay indi mo masayran kun mas tampapaw pa ro ana ko imong baean-an
o kabusalian. (Huwag mong matahin o maliitin ang isang taong sa akala mo'y aba
na dumating sa iyong tanggapan at baka mas umaapaw pa ang sa kanya kesa sa
iyong bayong o kabusalian)."
Sa
libro ni Beato de la Cruz, Contribution of Aklanon Minds to Philippine
Literature, makikita natin ang isang tulang Awit ng Balinganga".
Hindi
kumpleto ang literaturang Akeanon kung hindi natin isali ang mga tulang
pabigkas. Kasali dito ang luwa, alamat, kasabihan at komposo. Hanggang ngayon, ang
mga literaturang ito ay buhay pa rin, kahit nawala na ang tinatawag na mga laro
katulad ng konggit at bordon. Noon, kung mayroong patay, naglalaro ng bordon
ang mga nagdadalamhati at yaong mga natatalo sa larong ito ay pinaparusahan, at
ang parusa ay magbigkas ng isang luwa.
Ito
ay isang halimbawa ng luwa:
Nag-agto
ako sa Kalibo
Nakakita
ako't mueto
Pinitik
ko ra ueo
Tumugpa
sa kaldero
(Pumunta
ako ng Kalibo
Nakakita
ako ng multo
Pinitik
ko ang kanyang ulo
Nahulog
sa kaldero)
Patay
na ang larong bordon, ngunit buhay pa rin ang pagsusulat ng luwa. Nang magbigay
ako ng poetry writing workshop sa Lezo, Aklan noong November 28, 2014,
pinasulat ko ng luwa ang mga estudyante at mga guro na sumali sa nasabing
palihan. Ito ang isa sa mga sinulat nila:
Nag-agto
ako sa Kalibo
Nakakita
ako it Ati
Nagbuoe
ako it alambri
Ag
ginkuhit ko ra panti
***Irish
Gail Y. Tugna, November 28, 2014
Pumunta
ako ng Kalibo
May
nakita akong Ati
Kumuha
ako nga alambri
Sinungkit
ko ang kanyang panti.
***Salin
ni Melchor F. Cichon
Ang
mga luwa na Akeanon ay mababasa sa blog ko
(http://luwaofwesternvisayas.blogspot.com/) at sa Facebook Account ko.
Ito
ang isang halimbawa ng luwa na sinulat ko:
Pag-agto
ko sa bukid
Nakakita
ako it ibid;
Paglingot
ko sa waea,
Gatueok
kakon rang nobya.
(Nang
pumunta ako sa bundok
Nakakita
ako ng bayawak;
Ng
lumingon ako sa aking likuran,
Ang
nobya ko'y sa akin nakatingin.)
Paano
ba sinusulat ang luwa?
Let
me quote what I wrote some years back about luwa.
A
luwa is a form of poetry that is usually
written in four lines. It used to be first stanza of corrido, that kind of
poetry that relates the exploits of kings and princeses. There are also longer
luwa.
It
is said that it is not advisable to recite luwa if one is not in the wake,
because it is believed that a member of the family will die if this is done
outside of its proper place.\Because luwa were recited in wakes as part of a
punishment to whoever is the loser in a game like konggit, truth or
consequence, and bordon, they are very much appreciated if the lines have
rhyme, rhythemm, and humor. This is one reason why there are nonsense luwa. The
rhythms of luwa are not consistent though., but there are a lot of luwa that
have rhyme. This includes the aaaa, aabb, and abab rhyme structure. Occasionally,
we can find luwa that have abcd endings.
Here
are examples:
Example
of an aaaa rhyme scheme:
Pag-agto
ko sa Ibajay
May
hakita ako nga patay
Gintagting
ro ra eagay
Mas
mabaskog pa sa lingganay—Unknown
Here
you will notice that the endings of all lines are in ay.
For
the aabb rhyme scheme:
Pag-agto
ko sa bukid
Nakakita
ao it ibid;
Paglingot
ko sa waea,
Gatueok
kakon rang nobya.—Melchor F. Cichon
Here
the first and second lines end in id, while the third and the fourth lines end
in a.
Here
is another ending. The abab rhyming scheme.
Igto
sa bukid
May
busay nga naga-ilig;
Kon
,agpaligos igto si Ismid,
May
daeang butong nga binulig. – Melchor F. Cichon
There
are luwa with Spanish or English words.
Paris
it navagante
Sa
tunga it travisiya
Kinueabos
rang suwerte
Hay
gulpi nga nadisgrasya—Unknown
Igto
sa bukid
May
kwarta nga nagaligid
Nagaligid,
naga-roll
Dumiritso
sa waterfall.—Unknown
There
are bawdy luwas, but they are full of imagery. Here is an example:
Pag-agto
ni Inday sa Boracay
Napusa
ro anang tuway;
Pagkasayod
ka anang nanay,
Ana
imaw nga ginminueay.—Melchor F. Cichon
For
a nonsense luwa here is a classic example:
Secut
erat en principio
Bisan
libat basta gwapo;
En
principio secut erat,
Gwapo
pero libat.—Unknown
Secut
erat is a Latin word that means Glory Be, a Catholic prayer.
Here
are other nonsense luwa:
Nag-agto
ako sa Navas
May
hakita ako nga bayawas;
Akon
nga ginpaeas,
May
nahueog nga sibuyas.
There
are luwa tat have double meanings. These are the luwa that belong to the adult
readers/listeners, if they can deciphere the meaning. Here are two examples:
Masupsup
kunta ako
Sa
maisot mo nga tuway,
Ugaling
ra diperensiya
May
bangkaw sa tunga.—Melchor F. Cichon
Maligos
kunta ako
Sa
maisot mo nga sapa
Ugaling
ro kinasaea
My
guardia civil sa tunga.—Melchor F. Cichon
There
are luwa that are really metaphysical. Here is one:
Ako
mangunguma nga taga-Lezo
Maagto
sa eanas agod mag-arado,
Rang
saeaburan puno’t bungot-bungot
Rang
aradong mabuot
Indi
magdueot kon indi magtindog.—Melchor F. Cichon
***
Ako
si Haring Marikudo
Manugtanum
it amamakoe,
Pero
ro gustong-gusto gid ni Inday kuno
Ro
amamakoe nga sukoe.---Melchor F. Cichon
***
Isa
pang uri ng pambigkas na literaturang Akeanon ay ang patugmahanon (bugtong) na
hanggang ngayon ay ginagamit pa rin.
Halimbawa:
Ro
kaeo ni Esko, puno it bueawan. (Ang sombrero ni Esko, puno ng ginto. Sagot:
Aswete.
Ngayon,
tatalakayin natin ang pangkasalukuyang literaturang Akeanon.
At
ito ay pinasigla ng dumating si Dr. Leoncio P.Deriada sa Lungsod ng Iloilo.
Hayaan po ninyo akong basahin ang sinulat kong sanaysay tungkol sa literaturang
Akeanon pagkatapos ng regimeng Marcos. Ito ay isinalin sa Filipino ni Lawrence
Anthony R. Bernabe at nalathala sa Bigkas Binalaybay: Kritisismo, Antolohiya na
inidet nila John Barrios, Melchor F. Cichon, Jonathan P. Jurilla at J.I. E.
Teodoro noong 2008.
Matapos
ng 1986 Edsa Revolution may naganap na bagong rebolusyon pangliteratura sa
Kanlurang Bisayas. Sa pagtaguyod ni Dr. Leoncio P. Deriada, isang dating
propesor sa literatura sa UP Visayas, isang rebolusyong pangliteratura ang
naganap ng halos sabay-sabay sa Iloilo, Antique at Aklan. Sa kanyang suporta at
sa pagpondo ng Cultural Center of the Philippines at nang lumaon sa pamamagitan
ng Presidential Commission for Culture and the Arts, na siyang naging National
Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang mga manunulat sa mga
probinsiyang ito ay muling nagsulat ng mga tula at maikling kuwento sa
Hiligaynon, Kinaray-a at Akeanon.
Sinuportahan
ng NCCA ang pagtatag ng mga lokal na tipunang pang-sining at pinunduhan ang mga
kumperensiya, palihan at paglalathala. Naggawad din ito ng mga writing
workshops at venue grants. Dalawa sa mga manunulat na nakakuha ng grant na ito
sa pagsulat ay sina John Barrios at Melchor F. Cichon.
Naging
epektibo ang "political na lapit" ni Dr. Deriada para itulak ang mga
lokal na manunulat na sumulat sa kanilang sariling mga wika. Sinabi niya ito sa
mga manunulat ng Kinaray-a:
"My
politicizing would begin by my saying. There is no such thing as a superior
language. No one can give power and dignity to your language except you. Your
language has dignity and power if you can do three things with it: sing your
songs in it, compose your poems in it, and pray in it. If you can do these in
Kinaray-a, then your language is the same level as any language in the
world."
Di-naglaon,
ginamit rin ang parehong pamamaraan sa mga manunulat sa Akeanon.
Pagkatapos
magdaos ng mga palihan sa malikhaing pagsulat at patimpalak sa mga manunulat na
Ilonggo at Kinaray-a, pinagpatuloy ni Dr. Deriada ang kanyang krusada sa Aklan.
Narito kung paano niya halos pinilipit ang mga braso ng mga manunulat na
Akeanon na magsulat sa Akeanon:
"Liberating
itself likewise from literary oblivion was Aklanon. Just as the Antiquenos were
forming Tabig, emerging Aklanon writers also formed the Aklanon Literary Circle
in Kalibo. Spearheading this was Melchor F. Cichon, a librarian at UP Visayas.
Ably assisting him was UP Visayas student John E. Barrios.
"In
my various workshops in Iloilo, Cichon had been there listerning to the things
I was telling Kinaray-a writers to challenge them. Cichon and Barrios took the
challenge and soon the Aklan issue of Ani, which I edited with Cichon, et al.,
was published by the CCP and launched in Kalibo in early 1993. Cichon, who was
by then writing in English and Tagalog-based Filipino, turned out to be the
leading poet in his language and has the distinction of being the first Aklanon
ever to publish a book of poems in his own language. Eventually, Cichon and
Barrios won writing grants from the CCP."
Bukod
sa pag-udyok sa mga manunulat sa Kanlurang Bisayas na magsulat, tinutulak rin
niya sila na sumali sa isang patimpalak pangliteratura. Isa sa mga ito ang
Bigkas Binalaybay ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP Visayas. Ang taunang
patimpalak sa tulang pasulat at pabigkas ay nakalikop na ng maraming tula
sa Kinaray-a, Hiligaynon, Filipino at Akeanon. Sa pagdaan ng mga taon, nagwagi
ang mga makatang Akeanon sa patimpalak na ito. Kabilang dito sina Melchor F.
Cichon, Rommel Constantino, Alexander de Juan, Rocky Abello, Antonio F.
Tolentino, at June Mijares.
Ang
unang palihan sa malikhaing pagsulat na naidaos sa Kalibo, Aklan ay noong
Nobyembre 9-10, 1991 sa pamumuno ni Dr. Leoncio P. Draiada. Inisponsor ito ng
mga kalilitaw na grupo ng mga Akeanong manunulat, ang Akeanon Literary Circle.
Noong Enero 28, 1994 ang unang isyu ng Bueabod, literary journal ng
Akeanon Literary Circle, ay inilunsad sa Kalibo, Aklan. Isang pahina ito na
mimeograph o photocopy. Ilan sa mga nag-ambag sa journal na ito ang mga
kontemporaryong mga makatang Aklanon tulad nina Pett Candido, Joeffrey
Ricafuente, at Rommel Constatino. Sa journal na ito din unang lumabas ang mga
tulang Akeanon nina Dominador Ilio at Roman de la Cruz. Kapwa silang tinuturing
sa pinakamagaling sa mga nakatatandang mga Aklanong manunulat sa Ingles.
Mula
1986 hanggang 2000, tatlong libro ang nilathala ng CCP at NCCA na inedit ni
Leoncio P. Deriada atbp. na may kalakip na mga tulang Akeanon, ang Ani,
ang Patubas at Mantala. Noong 1998, limang maikling kuwentong
Akeanon ang nalathala sa librong Selebrasyon at Lamentasyon: Antolohiya ng
mga Maikling Kuwento sa Panay na inedit nina Carmen L. de los Santos, Ma.
Milagros G. Lachica at John E. Barrios. Noong 1999, nilathala ni Melchor F.
Cichon ang librong Ham-at Madueom ro gabii? (Bakit Madilim ang Gabi?)na
naglalaman ng kanyang koleksiyon ng tula.
Isang
bagong pagsulong ang nangyari noong 2002 nang ang mga unang haiku sa Akeanon
at English na sinulat ni Melchor F. Cichon ay nalathala sa SanAg, ang
literary journal ng Fray Luis de Leon Creative Writing Desk, University of San
Agustin at sa Heron's Nest, isang internasyonal na haiku journal na
nabase sa Amerika. Isa pang pagsulong sa literaturang Akeanon ang naganap noong
2005 nang lumabas ang unang koleksiyon ng mga maikling kuwento sa Akeanon ni
John E. Barrios, Engkan(aw)o ag iba pa nga Matag-ud nga Istorya.
Nang
mabuo ang Akeanon Literary Circle, halos lahat ng mga miyembro noon ay mga
nag-aaral sa kolehiyo tulad nina John E. Barrios, Alex de Juan, Joeffrey
Ricafuente, at Rommel Constantino. Ang bunso noon ay si Am Roselo.Nasa hayskul
pa lang siya noon. Ngunit makalipas ng kanilang pagtatapos , naging tigang ang Bueabod
sa loob ng halos isang dekada.
Habang
hindi pa aktibo ang Bueabod, isang bagong midyum para sa pagsusulat ang
lumitaw sa Pilipinas. Ito ang internet. At sa pagdating ng internet, isang
bagong uri ng literaturang Akeanon ang nalikha. Ito ang tinatawag ngayon na
virtual na literaturang Akeanon. Sa pamamagitan ng internet may natuklas na mga
bagong manunulat na Akeanon at nagkaroon ng mga bagong uri ng mga tula sa
literaturang Akeanon. Ang mga ito ay ang haiku, senryu, at tanka. Ang mga ito
ay mga Hapon na mga uri ng maikling tula na hindi nagagamit ng mga manunulat na
Akeanon hanggang sa pagdating ng bagong milenyo.
Tulad
ng nabanggit kanina, ang bagong uri ng mga makatang Akeanon ay kagagawan ng
website na ito: http://www.my.akeanon.com/. Nilikha ito ng isang grupo
ng mga kabataang Akeanon kung saan ang mga Akeanon mula sa iba't-ibang sulok ng
mundo ay makapagpalitan ng mga idea. Dito na nagsimula ang on-line workshop sa
pagsulat ng tula sa ilalim ni Melchor F. Cichon. Sayang at wala na itong site.
Gamit
ang teknik na ginamit ni Dr. Leoncio P. Deriada sa mga palihan sa malikhaing
pagsusulat, nagsusulat at nagpo-post sila ng kanilang mga haiku, luwa, o mas
mahabang tula sa my.akeanon.com. Tuwing Sabado, kinokolekta ang
kanilang mga gawa, sinusulatan ng mga komeno at pagkatapos ipinopost ang mga
orihinal at inayos na tula. Ang resulta ng virtual na palihan na iyon ay ang
librong Haiku, Luwa and Other Poems Written by Aklanons na inedit nina
Melchor F. Cichon, Edna Laurente Faral at Losally R. Navarro.
Mayroon
ding website na nakatuon sa literaturang Akeanon (http://www.geocities.com/aklanonliterature).
Sa website na ito, matatagpuan ang mga Akeanong bugtong, kasabihan, luwa, mga
tulang mahaba, awit, alamat, salaysay, mga profile ng mga manunulat na Akeanon,
annotated Aklanon bibliography, at haiku. Noong Abril 17, 2006 ang
website na ito ay binisita na ng 16,417 na beses. May blog ring http://anahawleaf.blogspot.comna
tumatampok ng mga haiku at luwa ni Melchor F. Cichon. May iba pang website na
nakatuon din sa Aklanon Literature, Pagsapoe (http://pagsapoe.blogspot.com/)
na ginawa pa noong 2008. Ito ay ginawa nila Shur at Perry Mangilaya,
magkakapatid at pawang mga Aklanon.
Nong
2007, pumili si Melchor F. Cichon ng 25 na pinakmahusay na tulang isinulat ng
mga Akeanon. Ang resulta nitong koleksiyon ay nakapost sa kanyang blog, ang Bueabod
It Akeanon Literary Circle, http://bueabodalc.blogspot. com/. Itong
koleksiyon ay naging basihan sa librong The 32 Best Aklanon Poets na
inedit ni Melchor F. Cichon na nalathala noong 2009.
Ito
rin ang panahon kung saan naisulat ang maraming Akeanong luwa. Iba't-iba ang
paksa nila: pag-ibig, kalikasan, kakulangan sa kaunlaran, kasarian,
nasyonalismo, kahirapan, at iba pa. Dito nagkaroon ng diin sa pagsusulat
ng luwa na nalathala sa internet. Ang pinakabagong ambag sa literaturang
Akeanon ay ang pagkakalathala sa internet ng tula para sa mga kabataan. Sa
pagkakaalam ko, tatlong makata pa lamang ang sumusulat nito: sina Melchor F.
Cichon, Cirilo Castillon, Jr., at si Edna Laurente Faral.
Noong
2011, inedit at inilimbag ni Melchor F. Cichon ang Matimgas nga Paeanoblion;
Anthology of Poems Written by Aklanons. Ilan sa mga tulang kasama nito ay
sinulat nina Angelo Anchita, John Barrios, Joi Barrios, Alexander de Juan, Mila
de la Rosa, Phillip Kimpo, Jr., Belle Nabor, at ni Arwena Tamayo.
Ito
ang sinabi ni Prof. John Barrios sa koleksiyon na ito: "Ang koleksyon ng
mga tulang ito na nabuo sa ambag ng labingpitong (17) manunulat na Aklanon na
nakakalat sa iba't ibang panig ng bansa at mundo ay isang pagpapatunay na
mayroong maaring balikan at muling bubuuing kultura at kasaysayan. Ang
pagkakatanim sa isipan ng mga imahen tulad ng ati sa ati-atihan, ang Jawili
Falls, Bagyong Frank, eleksyon at kahit na ang pinakaordinaryong gawain
tulad ng pag-inom sa isang baryo ay kakikitaan pa rin ng mga kahulugan."
Dagdag
pang reaksiyon ni Prof. Barrios sa librong ito: " Angkop lamang ang
pamagat ng koleksiyon na Matimgas nga Paeanoblion dahil ito ay
kumikilala sa pamana ng mga naunang manunulat at manugbinalaybay na
Aklanon. Kayat mahalagang balikan at kilalanin ang mga sinulat nina
Balinganga, Jose Manyas, Ananias Mariano, Pedro Tordecilla, at iba pang
manugbinalybay na Aklanon."
Ano
nga ba ang hinaharap ng literaturang Akeanon?
Bago
yan, ikinalulungkot kong sabihin na sa mahigit 40 estudyante at guro na sumali
sa nakaraan kong palihan sa pagsusulat ng tula sa Lezo, Aklan, isang Aklanong
manunulat lang ang alam nila at ito ay si Dr. Jessie Gomez, ang sumulat ng
titik ng Aklan March.
Kung
tutuusin, iilan lang talaga ang mga malikhaing manunulat na Akeanon.
Sa
ganoon sitwasyon, ano-ano naman ang ginagawa ng mga Aklanon upang lalong
sumigla at umunlad ang literaturang Aklanon?
Tuwing
Sabado ang Gregory Ilejay Castillo Elibrary sa Kalibo ay
nagbibigay ng libreng poetry writing workshop. Ang mga resource persons dito ay
sina Alex de Juan, John E. Barrios at si Melchor F. Cichon.
Bukod
dito, nakikipag-usap ako sa mga Aklanon sa iba't-ibang parte ng mundo at
naghihikayat na sumulat ng tula o ano mang porma ng literatura, lalo na sa
wikang Akeanon. Karamihan sa kanilang mga obra ay nailathala nila sa
kani-kanilang mga Facebook account katulad ni Mila de la Rosa at ang magkapatid
na sina Shur at Perry Mangilaya. Sa nabanggit ko na, sila ang gumawa ng blog na
Pagsapoe kung saan ang kanilang mga tula sa Akeanon ay inilathala nila. Si Shur
Mangilaya ay taga-Ibajay, Aklan at ang mga tula niya ay nanalathala sa Ani.
Si Perry Mangilaya naman ay ang editor ngayon ng Liwayway magasin.
Hindi
ko alam kung saan tutungo ang panulatang Aklanon. Ang natitiyak ko lang ay kung
maraming kabataan ang maturuan ng wastong pagsulat ng ano mang literatura, at
kung bibigyan ng suporta ng ating pamahalaan ang mga palihan, kongreso,
kumpirensiyang katulad nito, at sa pagpalimbag ng mga libro nila, naniwala
akong mas madali ang pag-unlad ng literaturang Akeanon.
Sana
nga.
Maraming
salamat.
***
Sanggunihan
Barrios, John E.
(2011).Introduction. In: Matimgas nga Paeanoblion: Anthology of Poems Written
by Aklanons, ed. by Melchor F. Cichon. Lezo, Aklan: Tierra Alta Publications,
pp.9-19.
Cichon, Melchor
F. (2008), Ang Muling Paglitaw ng Literaturang Akeanon. In: Bigkas Binalaybay:
Kritisismo at Antolohiya/ edited by John E. Barrios, Melchor F. Cichon,
Jonathan P. Jurilla and J. I. E. Teodora.—Lungsod Iloilo: Unibersidad ng
Pilipinas visayas, Sentro ng Wikang Filipino, pp.25-40.
Cichon, Melchor
F., ed. (2009). The 32 Best Aklanon Poets. Lezo, Aklan. Tierra Alta
Publications.
No comments:
Post a Comment