Total Pageviews

Search This Blog

Monday, May 11, 2020

Ito Ang Pangako Ko, Ito ang Buhay Ko

Ito Ang Pangako Ko, Ito ang Buhay Ko
ni Melchor F. Cichon
October 24, 2016



Huwag mo nang itanong
Kung hanggang saan ang pagmamahal ko sa ‘yo;
Huwag ka nang mag-alala pa
Kung ang pag-ibig ko sa ‘yo'y walang dulo.
Basta ang alam ko’y,
At ito ang pinaninindigan ko,
Na kahit laging hatinggabi pa
Ang mundo ko,
Dahil sa paglubog ng araw ko,
Ituturing ko pa ring madaling-araw ito,
Kapag ikaw ay sa tabi ko.

Ito ang pangako ko.
Ito ang buhay ko, Parayaw.

No comments: